Chapter 25

3.3K 50 0
                                    

Elaine's POV


It's already Christmas. At sa unang pagkakataon, nagsama-sama kami ngayon. Niyaya ako ni Mama na sa mansyon mag-celebrate ng Pasko, tumanggi ako sa kanya nung una pero pinilit niya ako. Ngayon lang talaga nangyayari ang mga ito kaya pumunta na rin ako.

Nang makaapak ulit ako sa mansyon ay pakiramdam ko sobrang tagal kong nawala dito. It feels nostalgic. Sinalubong ako ni Arturo na nakasuot pa ng christmas hat at may hawak na regalo, ngumiti ako at inabot ang hawak niya. Pati rin si Manang ay sinalubong ako ng mga niluto niyang siguradong isa sa mga paborito ko.

Nandito rin si Queenie, pero hindi kami nagpapansinan. Ayoko munang ituon ang galit na nararamdaman ko sa kanya at isinantabi muna lahat 'yon. Pero sa tuwing tatama ang tingin ko sa kanya ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at tsaka iiwas kapag nahuli ko. Parang baliw.

Sa New Year's Eve ay pinili kong mag-isa na. Nandito ako ngayon sa balcony habang umiinom ng beer. Rinig na rinig ang mga ingay ng torotot, ang liwanag ng mga sparkle sticks, may nag-iingay pa gamit ang kaldero at sandok.

"3, 2, 1. Happy New Year!!!"

Kasunod noon ang sunod-sunod na pagputok ng nagliliwanag na fireworks sa langit.

Bagong taon, bagong simula.

Balik eskwela. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan ay 'yon din ang kinatahimik ng mga tao. Walang nagbubulungan. Walang nakatingin. Hinahayaan lang nila na maglakad ng payapa ngayon, hanggang sa makarating ako sa classroom ay medyo naagaw ko ang atensyon nila pero hindi rin iyon nagtagal. Na para bang pinipili rin nila na huwag pag-usapan ang nangyari.

Ayos 'to ah. Nagbabagong buhay na rin ata sila. Nawala na ang mga chismosa.

Ang dami kong na-miss na lessons kaya kailangan kong bumawi. Kusa rin akong binigyan ng output ng mga teachers dahil iyon daw ang bilin ni Dean. And... yes, alam na rin nila na anak ako ni Dean Juarez dahil sa nangyaring trial. Nasagot na siguro ang matagal nilang tanong kung bakit hindi ako mapatalsik sa school na ito.

Months passed by smoothly. Sobrang nakakapanibago ang ganitong proseso.

Ang tanging pinag-aabalahan na lang namin ay ang finals. Tapos practice na ng graduation ceremony.

Akalain niyo din 'yon, sa dalawang buwan na lumipas at kahit nasa iisang campus lang kami, hindi na kami nagkikita. Hindi tulad dati na lalabas pa lang ako ng classroom, mukha niya na agad ang sasalubong sa akin. Papunta pa lang ako sa parking lot, akala mo kung sino siyang boss na nakasandal pa sa kotse ko. Kapag pupunta ako sa likod ng gym, nandon na siya at hinihintay ako.

Pero wala na ang lahat ng 'yon.

Mag-isa na ulit ako.

Hindi ko alam kung bakit ako dinadala ng mga paa ko sa building ng college pero bahala na. Hanggang sa hindi nga ako nagkamali.

There he is. In his white uniform, holding a pen and a book that have 500 pages on it. Kasama niya ang ilan sa mga kaibigan niya at nakita ko ang pag-ngiti niya habang nakikipag-usap sa kanila.

He looks okay... without me.

Inangat ko ang kamay ko at dahan-dahan na tinrace ang mukha niya gamit ang daliri ko kahit sobrang layo niya sa akin. Hindi niya man ako napapansin, gusto ko lang talaga 'tong gawin...

When you feel bad for being so angry at me that you couldn't even speak to me, then I want you to know that it's okay. It's really okay.

It's still a bittersweet moment.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon