Chapter 41

2.6K 40 0
                                    

Anjo's POV


"Kamusta po ang pakiramdam niyo?"

Tanong ko sa isang pasyente bago ako tuluyang lumabas ng hospital dahil tapos na rin ang duty ko.

Gumiginhawa ng kusa ang pakiramdam ko kapag nakikita ko silang nakangiti at sinasabi na ayos lang sila kaya bago ako umalis ay maluwag ang pakiramdam ko.

"Good night, Doc."

Bati sa'kin ng isang nurse. I smiled, "Good night,"

Lumabas na ako ng hospital. Tumingin ako sa relo at halos ala-una na rin pala ng madaling araw. Nagmadali akong naglakad patungo sa kotse para mabilis akong makauwi at humihiling na sana ay maabutan ko pa si Elaine.

Pinatunog ko na ang kotse ko at nilagay muna sa loob ang mga gamit ko. Bago pa ako makaikot papunta sa driver's seat ay napansin ko na may nakatayo sa gilid ng kotse ko. 

Medyo madilim kaya hindi ko maaninag kung sino ito. Hanggang sa unti-unti itong naglakad patungo sa'kin at doon ko siya nakilala.

"Dad..."

I can't believe it. He's... already out?

"Anjo, anak..."

It's really him.

Hindi ko alam kung ano ang ipapakita kong expression. Ang tagal ko rin walang balita sa kanya... lalo na noong magdesisyon si Mama na makipaghiwalay sa kanya.

"Are you sure about this, Mama?"

"I've never been so sure of anything in all my life,"

I sighed, "But... this is too unexpected..."

Nilingon niya ako. "I know... I'm sorry, Anjo... alam kong ang dami na nating kinahaharap sa ngayon at dumagdag pa ito... but I hope you'll understand me. This... is for our own good."

Alam kong mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero simula nang magkaroon ng problema lalo na sa sitwasyon ni Papa ay doon na rin naging buhol ang relasyon nila. Masyado na rin akong matanda para kwestyunin pa ang paghihiwalay nila at mulat na rin naman ako sa katotohanan kaya tinanggap ko na lang din ang realidad na 'yon.

Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa hanggang siya na mismo ang lumapit sa'kin para sa isang yakap.

"I'm happy to see you, Anjo."

Bumitaw din siya sa yakap at tinapik ang balikat ko.

"Isa ka na talagang Doktor ngayon..."

Tumango ako. Hindi pa rin alam ang sasabihin.

Pinagmasdan ko siya. He looks... so well. Akala mo ay hindi nakulong sa presinto ng halos walong taon. And a lot of my features came from him, parang nakikita ko sa kanya ang itsura ko 'pag naging dumating na ako sa edad niya.

"Kamusta ka? Ang tagal rin nating hindi nagkita,"

Hindi ko matandaan kung kailan ang huling bisita ko sa kanya. Simula noong naging busy ako ay dahil na rin sa sobrang bilis ng panahon ay hindi ko na rin iyon naisip.

"I'm fine..." Tumango siya, "What are you doing here?"

I sound so rude. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang sasabihin dahil sobrang biglaan nito.

Mahina siyang tumawa. Tinapik muli ang balikat ko para siguro gumaan ang sitwasyon namin.

"Gusto lang kita makita... bawal ba 'yon?"

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon