Chapter 11

4.7K 84 0
                                    

Anjo's POV


That was the fastest shower that I took.

Nagbihis agad ako ng intrams shirt at pants tsaka lumabas ng locker room. Sa hindi kalayuan ay nakita ko agad si Jen na naka-volleyball jersey na at ang katabi niya na nakasuot ng itim at mukhang iritado na dahil hawak-hawak siya ng pinsan ko na para bang wala siyang kawala dito.

Nilapitan ko sila, "Let's go."

"Wow, ang bilis, insan ha? Di ka naman excited?"

"Concern lang ako sayo dahil sabi mo nga demonyo ang babantayan mo."

Lumipat ang tingin ko kay Elaine na walang emosyon na nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako sa kanya pero umirap lang siya sa akin at tsaka na tumalikod para maglakad. Agad siyang sinundan ni Jen at sumunod na rin ako sa kanila.

Dahil nga sabay ang instrams ng college at high school ay sobrang dami talagang tao ngayon sa UPHSD.

Ang matindi pang pinagkakaguluhan ay ang mga booths. Maganda rin na nagtayo sila dahil hindi lang para maenjoy ng mga tao ang laro, kundi may fundraising din sila na nakasalalay dito.

"Hala! Try natin dito!"

Hinila na ni Jen si Elaine sa isang balloon darts booth. Kada laro mo sa isang booth ay magbibigay ka sa kanila ng isang ticket, considering na may naglaro sa booth nila.

Unang sumubok si Jen at binigyan siya ng 5 darts pin.

"Tatlong lobo lang ang kailangan mong putukin, may prize ka na!"

"Sige, ate! Iyong iyo na ang ticket ko!"

Agad na pumwesto si Jen sa gitna at nagfocus sa puputukin ni lobo. Habang si Elaine naman ay naka-krus lang ang magkabilang braso habang nakatutok din kay Jen. Napangiti ako.

Unang tira. Wala.

Pangalawa! Wala pa din.

Pangatlo. Nakaputok din siya ng lobo kaya nagtatalon na siya sa tuwa.

Pang-apat! Putok ulit!

Ngayon ay seryoso na si Jen dahil sa huling tira niya ay ito na rin ang huling pag-asa niya. Dahil kapag hindi niya ito naputok ay wala siyang prize. Ilang beses pa siyang nagbuntong-hininga at tsaka na hinagis ang pang-limang dart pin.

Sablay.

"Ahhkkk!!! Bakit pa sumablay eh isa na lang?!" galit na sumbat niya.

"That's okay, cous. Madami pang booths na pwede kang matalo," pang-aasar ko.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya mas lalo akong natawa. Aalis na dapat kami kaso inabot ni Elaine ang isang ticket sa organizer ng booth. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Jen dahil pareho naming hindi inasahan na magsusubok siya.

Binigay na sa kanya ang limang darts pin at pumwesto na siya sa gitna. At wala siyang kahirap hirap na pinaputok ang tatlong lobo na sunod-sunod! Magkakatabi pa yung lobo na naputok niya!

Hindi pa siya nakuntento at hinagis niya pa ang dalawa pang darts pin at nakaputok pa siya ng dalawa pang lobo.

Natahimik kaming lahat dahil doon. Nagulat na lang ulit kami ni Jen nang lumapit sa amin si Elaine at inabot niya ang isang planner at ballpen.

Inabot iyon ni Jen at hindi na siya pinansin ni Elaine dahil nagsimula na itong maglakad para mag-ikot pa sa ibang booths kaya masaya siyang hinabol ni Jen.

"Pagdating talaga sa mga putukan ang galing mo, Elaine!"

"Ang panget ng choice of words mo,"

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon