Elaine's POV
Nandito ako ngayon sa canteen. Eating, alone. Literal na mag-isa lang ako dito.
Naririnig ko kasi ang mga chismis na kapag nagpunta ako dito sa canteen ay sinusumpa ko daw ang mga pagkain? Hindi ko ba alam kung saan nila nakuha yung idea na 'yun pero thankful na din ako dahil malaya akong nakakakain mag-isa ngayon.
Bakit kaya hindi ko gawin 'to araw-araw?
Nakikita ko pa ang ilang estudyante na papasok pero kapag nakita ako ay mabilis din na lalabas. Parang mga tanga.
Tapos na rin ang week ng intrams. Sa mga sumunod na araw ay hindi na talaga ako tuluyang umattend kahit na ilang pilit at blackmail pa sa akin ni Jen. Kahit si Anjo ay hindi rin ako mapuntahan sa apartment dahil sa laro niya.
Champion ang College of Med pagdating sa basketball. Sa volleyball ay champion naman ang College of PT. Kaya sobrang nagwawagi ang mga med students. Sa high school naman ay champion ang Blue team sa basketball at Yellow team naman sa volleyball.
By the end of the week ang gaganapin na awarding para sa mga nanalo kaya back to regular classes na muna.
Pakiramdam ko ay kulang pa ang kinakain ko kaya naisip ko na bumili pa. Nag-order ako ng carbonara at isang blue iced tea, tumingin ako sa relo ko at maaga pa naman para sa next class ko kaya makakakain pa ako.
Kinuha ko ang tray at papunta na sana sa table ko kaso biglang may bumangga sa akin na kinalabasan na paglaglag ng pagkain ko. Kanina lang ay mag-isa ako tapos ngayon biglang may tao?
Tumingin ako sa dalawang babae na naghaharutan na dahilan ng pagkahulog ng pagkain ko, nakita ko pa ang pag-ngisi nila dahil sa nangyari.
"Psh. Stupid kasi."
Sandali akong natahimik at tiningnan ulit silang dalawa. Aalis na dapat sila pero sinipa ko ang upuan na nasa tabi ko. Napatigil sila sa paglalakad dahil sa ginawa ko at ang dami nang ulo na nakasilip sa gilid ng canteen.
"What did you say?" madiin kong tanong.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nila pero agad din nila akong binawian ng isang ngisi.
"Hmm? That you're stupid?"
Ngumiti pa ang gaga sa akin at kumaway pa. Naglakad na siya paalis sa harap ko pero bago pa siya makalayo ay agad kong hinila ang buhok niya at sinipa ang binti niya para mapaluhod siya at sinubsob ko ang mukha niya sa carbonara na nahulog sa sahig.
Narinig ko ang pagsigaw niya dahil sa ginawa ko. Humihingi pa siya ng tulong sa mga tao dito pero walang lumapit dahil ayaw nilang pumasok dito sa loob. Kahit 'yong kasama niya ay kusa nang lumayo sa amin.
Biruin mo na ako sa lahat ng oras, wag lang sa oras na gutom ako.
Binitawan ko din siya at mabilis din siyang lumayo sa akin habang pinupunasan ang mukha niya na puno na ng cream ng carbonara.
And she's crying in front of me? Now who's the stupid one?
"Sa susunod na makita ko ulit ang mukha mo, higit pa dyan ang magagawa ko."
Lumabas na ako ng canteen pagkatapos noon para umuwi na. Wala na ako sa mood para sa susunod na klase ko.
Kinabukasan ay tahimik lang ang ganap ko dito sa school, hinihintay ko ang patawag sa akin sa Dean's office pero hanggang ngayon ay wala pa rin nagtatawag sa akin.
Wala atang nagbalak na nagsubok na isumbong ako? Natuto na rin, sa wakas.
Nasa UMT lang ako habang nakahiga sa tabi ng puno habang dinadamdam ang simoy ng hangin. Hindi masyadong mainit ngayon kaya maganda ang tumambay dito. Nakatingin ako sa langit habang tinitingnan ang ulap na mabilis na gumagalaw.
BINABASA MO ANG
You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)
Romance"Girl Monster." Elaine is better known by that name. Everyone's hates her. She's rude, stubborn, moody, and it feels like she can kill someone with just one look. Bad girl that is. Until the Charming Angel Anjo arrives. Everyone's loves him, idolize...