slow update. online class na rawr ;(
---------------------------------
Elaine's POV
Nasa byahe kami ngayon papuntang Maynila. Hapon na nang makaalis kami sa Laguna kaya inabot na rin kami ng gabi papunta dito. Pero iyon talaga ang plano namin dahil mas aayon ang lahat ng ito sa gabi.
Dalawang van ang gamit namin dahil sa dami namin. Dito sa van na sinasakyan ko ay kasama ko sila Damulag. Habang sa kabilang van naman ay sila Mikoy.
Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang dinaraanan namin. Kung kanina ay puro puno at kagubatan ang makikita, ngayon ay puro matatayog na buildings na. At dahil gabi na ay kumikislap na rin ang mga maliliwanag na Christmas lights. December na kaya nalilipat na rin ang Pasko.
Eto na. Eto na talaga. Huminga ako na malalim.
Matapos lang ang gabing ito, giginhawa na ulit ang pakiramdam ko.
"We're here."
Lumingon ako sa bintana. Tumigil kami sa parking area at nasa harap na nga kami ng DG Corp. Sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala na nandito kami... na gagawin na talaga namin ang plano.
"Mic test. 1,2,3. Hello, Ella?"
Inayos ko ang earpiece na suot ko. "Yes, loud and clear, Mikoy."
"Okay, good! Woo! Natatae na ako sa kaba, pero sige, kaya natin 'to."
Pare-pareho kaming napairap sa sinabi niya. Kasama ko si Damulag, si Botchog at ang isa pang myembro namin na si Paco. Nakasuot ang mga ito ng black suits, naka-shades pa ang mga kumag at nakasuot din sila ng earpiece kagaya ko. Mukhang mga propesyonal na body guards talaga. While I am wearing white blazer suit, black top and white heels.
"Are you ready?"
Lumingon ako kay Damulag, "I'm not. Let's go." sabay suot ko ng shades at lumabas na ng van.
Pagkalabas namin ay sumimoy agad ang lamig ng hangin. Iba talaga ang pakiramdam ng hangin dito. May pinaparating. Pumwesto ang dalawa sa magkabilang gilid ko habang ang isa ay nasa likod ko. May iilan din mga tao ang lumalabas na ng building, dahil malalim na rin ang gabi ay hudyat na rin siguro na pauwi na ang mga ito. Ang iba ay kapag napapalingon sa amin ay talagang nakatuon ang tingin sa amin. Hindi ko alam kung nagtataka ba o ngayon lang sila nakakita ng batang katulad ko. Pero bahala na. I don't give a fuck about that now.
"We're already inside." saad ni damulag Kaloy.
"Alright. Monitor namin kayo."
Pagkapasok namin sa labas, aaminin kong hindi ko rin naiwasan ang mamangha sa nasaksihan. Talaga nga namang napalaki nito sa loob. Sobrang lawak dito. Pero hindi naman kami nandito para mamangha, pagkatapos ng gabi na 'to, sisirain ko na din pati ang reputasyon ng kompanya na ito.
"Diretso lang. I already see the lobby area." saad ni Mikoy.
Tumigil kami sa harap ng isang reception. Sinalubong kami ng isang babaeng receiptionist. Nang makita niya kami ay ngumiti ito.
"Good evening, Ma'am. Welcome to DG Corporation, how can I help you?"
"I have an appointment with the Chairman."
"Oh. Let me check it, Ma'am."
Bumaba ang tingin niya sa computer pero ilang sandali lang ay bumalik din ang tingin niya sa akin na para bang sinusuri ako. I removed my shades and looked at her, doon siya naalerto kaya naibalik niya ang tingin sa computer.
BINABASA MO ANG
You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)
Romansa"Girl Monster." Elaine is better known by that name. Everyone's hates her. She's rude, stubborn, moody, and it feels like she can kill someone with just one look. Bad girl that is. Until the Charming Angel Anjo arrives. Everyone's loves him, idolize...