Chapter 2

8.1K 127 3
                                    

Elaine's POV


Naglalakad ako ngayon sa hallway patungo sa classroom ko. Pakiramdam ko ay sobrang tagal kong nawala dito. I'm wearing the t-shirt Anjo gave to me at sinuot ko na lang din ang jacket kahit sobrang init.

Pagkapasok ko pa lang ay narinig ko na ang katahimikan ng mga tao sa loob ng classroom.

Nagkatinginan kami ng isang babae. Oh, siya yung muntikan ko nang mapatay.

Ngumisi ako dahil mukhang okay na siya kaya ngayon ay mukhang ako naman ang papatayin niya sa tingin.

Umirap ako at tahimik na dumerecho sa upuan ko.

"Bakit kasi ay hinahayaan pa siya ng Dean na dito mag-aral?"

"Dapat ay matagal na yan pinatanggal dito!"

"Baka naman tinatakot niya din ang principal, noh? Grabe siya!"

"Girl Monster talaga..."

Gusto kong tumawa. Hindi lang talaga nila alam na Nanay ko ang sinasabi nilang Dean.

Ilang sandali lang ay nagulat ako dahil may tumabi sa akin, sinandal niya ang mukha niya sa desk ko at binigyan niya ako ng malawak na ngiti. Umirap ako.

"Welcome back, Elaine! I missed you!"

Mabilis niya akong niyakap at ako naman ay pilit ko siyang nilalayo sa akin pero mas lalong humihigpit ang yakap niya sa akin kaya mas hirap na akong kumawala.

"Alam mo ba na habang wala ka ay sobrang lungkot ko? Pero ngayong nakabalik ka na ay masaya na ulit ako!"

I deeply sighed.

She's Jennifer. She's known for being pretty and jolly, her hair is brown ang curly, natural ang puti ng kutis niya at natural beauty siya... aaminin ko. She's shorter than me kahit na magkaedad lang kami. Sa lahat ng tao dito sa campus ay siya lang ang may kapal na mukha para kausapin ako dahil idol niya daw ako.

Hindi ko din alam kung bakit. Matagal na niya daw akong pinagmamasdan at hindi na siya nakatiis na bumuntot sa akin.

Dapat nga ay hindi kami magkaklase pero dahil sa akin ay nagpalipat siya ng section, hanggang sa hindi na niya talaga ako tinigilan.

I tried to push her way, lagi ko siyang sinasabihan na masasakit na salita, pero imbes na masaktan siya, eh kinikilig pa siya!

Tinanong ko na rin siya dati kung gusto niya ba ako pero tinawanan niya lang ang idea ko at sinabi na hindi naman... talagang gusto niya lang ako maging kaibigan.

Lumayo siya sa akin na ikinaluwag naman ng paghinga ko.

"Ano? Nagkita na ba kayo ni Anjo?"

Tumango ako bilang sagot. Pinsan niya rin kasi si Anjo kaya hindi na ako nagtaka na pareho silang sagabal sa buhay ko.

Lumipat ang tingin niya sa suot ko, "And why are you wearing his jacket? At bakit naka-tshirt ka?" unti-unting naningkit ang mga mata niya, "Don't tell me..."

Gumala ang paningin niya sa buong classroom na parang may hinahanap. Bored ko siyang tiningnan at nakita ko ang panlalaki ng mata niya.

"Oh my gosh! Where's that bitch at tuturuan ko-"

"Can you please shut up? You're so annoying!"

Natigil siya... nagulat kaming lahat sa biglang pagtili niya at niyakap ulit ako.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon