Elaine's POV
I think... we're okay.
Yes, I think we are.
I can't explain this feeling, but I know that I'm finally okay. Lahat ng pangangamba ko sa nakalipas na taon ay kusa nang nawala. Hindi na mabigat sa pakiramdam. Maayos na 'ko.
Kaharap ko ang laptop ko habang nasa gilid ko si Anjo, ilang sandali lang ay pumulupot ang braso niya sa bewang ko at yinakap ako sa gilid tsaka hinalikan ang gilid ng noo ko. Hindi ko na siya napapansin dahil busy ako magsagot ng mga e-mails.
"Matagal ka pa?" aniya.
Tiningnan ko kung anong oras na. Ala syete na rin pala at oras na ng duty niya.
Nilingon ko siya, "Umalis ka na,"
He stared to me for a seconds, then he rolled his eyes while smiling.
"You're unbelievable."
"May duty ka pa. Tsaka wala ka namang ginagawa dito kaya alis na," pagtataboy ko sa kanya.
"I still have an hour."
"Babyahe ka pa."
Kumunot ang noo niya, "Bakit mo ba ako pinapaalis agad?"
I sighed. Inalis ko ang suot kong salamin at humarap sa kanya. Then I pouted.
Nagtataka siyang tumingin sa'kin. Lumingon pa siya sa likod niya tapos binalik din ang tingin sa'kin.
"What are you doing?"
Tumaas ang kilay ko. Seryoso ba siyang hindi niya nakuha ang ibig sabihin non?
"Alam mo... umalis ka na lang."
Inirapan ko siya at binalik na ang tingin sa laptop. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago niya iikot ang swivel chair na inuupuan ko paharap sa kanya, then he grabbed my face towards him until my lips met his.
He kissed me slowly. Mabagal lang ang ritmo ng halik niya pero nang kinagat niya ang ibabang labi ko ay mas lumalim na ang paghalik niya. Inabot niya ang pareho kong kamay at pinatong 'yon sa magkabilang balikat niya at nilapit pa ako lalo sa kanya.
Siya na rin ang unang nagbitaw sa halik namin at tsaka ko hinabol ang hininga ko. Lumawak ang ngiti niya at hinawakan ang magkabila kong pisngi at hinalikan ang pisngi ko ng paulit-ulit.
Hindi ko mapigilan ang matawa sa ginagawa niya.
"Ano ba, tumigil ka nga!"
He chuckles. I lifted my hand toward his cheek and caressed it, kusa niyang sinandal ang pisngi niya doon at hinalikan ang palad ko.
"I'm going to meet my mom tomorrow..."
Bumalik ang tingin niya sa'kin. Binaba ko ang kamay ko mula sa pisngi niya, kinuha niya 'yon ulit at pinagsalikop ang mga daliri namin.
"Nagkausap na kayo?"
"Nag-usap kami ni Kuya nung isang gabi, bumisita kasi siya sa mansion at kinamusta daw ako ni Mama."
Tumango siya. "Hindi pa rin ba kayo okay?"
"I don't know. Pumunta naman siya ng Canada noon para sa graduation ko, pero wala rin, umuwi rin siya agad. Tsaka... huling linggo ko na rin naman dito kaya naisipan ko na rin siyang bisitahin."
Natahimik siya. Ilang beses pang binabalik ang tingin sa'kin bago magsalita ulit.
"Don't you have any plans... to stay here?"
BINABASA MO ANG
You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)
Romance"Girl Monster." Elaine is better known by that name. Everyone's hates her. She's rude, stubborn, moody, and it feels like she can kill someone with just one look. Bad girl that is. Until the Charming Angel Anjo arrives. Everyone's loves him, idolize...