Chapter 1: Sina Hannah at Jules

33.2K 939 87
                                    

Makapal ang mga ulap na tumatakip sa araw, at tuwing sumisilip ang mga ito'y matatalas na mga sinag nila ang dumadapo sa ginintuang bukirin, at gumagapang sa simentadong kalsada

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makapal ang mga ulap na tumatakip sa araw, at tuwing sumisilip ang mga ito'y matatalas na mga sinag nila ang dumadapo sa ginintuang bukirin, at gumagapang sa simentadong kalsada. Ang mahabang provincial highway ay tila walang katapusan. Sa paligid ay magkakalayong mga bahay na nililinliman ng mga puno. Mga kubong gawa sa pawid, bamboo at hollow blocks.

Dinaragsa ng lumang modelong Toyota Hi-Ace ang kahabaan ng highway, ang takbo nito'y hindi bumababa ng 70 kp/h. Mga magsasaka na may hilang kalabaw ay napapatingin sa mabilis na sasakyan, may konting pagtataka sa mukha, o dahil nakaugalian na nila na lumingon tuwing maririnig ang tunog ng makina.

6 YEARS LATER. THE PRESENT.

Sa loob ng Toyota van, malakas ang tugtog ng car stereo. Alternative Rock. Sa manibela, naghe-head bang ang babaeng nagmamaneho at kanya pang nili-lip synch ang lyrics ng kanta. Collective Soul. White Stripes. Soundgarden. Ito ang mga tipo niyang mga banda.

And the answers you seek
Are the ones you destroy
Your anger's well deployed
Hey why can't you listen
Hey why can't you hear

Maganda si Hannah, lalo na kung aayusan mo nang mabuti, o pang-babae. May pagka-tomboyin, suot ay rock tees, maong na tastas at may punit sa magkabilang hita, black na Chucks, leather wrist bands, at pendant na pentagram. Boy-cut ang gupit, mahabang bangs, eyeliner at tattoo sa leeg. Bukod sa pag-headbang, tinatapik pa ni Hannah ang manibela kasabay ng beat ng drums.

"Pwede ba nating hinaan? Sige na, kahit konti lang," sabi ng lalaki.

Lumingon si Hannah sa kanyang kanan at tinaasan ng kilay ang kasama—si Julius, o Jules. Ka-edaran niya sa kanilang late 20s. Medyo chubby si Jules, malago ang kulot na buhok na halos Afro na. Suot ay makapal na salamin na blue ang color ng frame, terno sa checkered niyang short-sleeved na polo-shirt, 'yung style na may butones sa balikat, brown na corduroy pants at Vans rubber shoes. 'Yung red.

"Please?" pagmamakaawa ni Jules.

Nag-roll ng eyes si Hannah at in-adjust ang volume knob ng stereo para hinaan ito.

"Killjoy ka talaga," iling ni Hannah at kumambiyo ng 4th gear.

"Eh pa'no naman, kanina pa naka-full volume 'yang tugtog mo," angal ni Jules. "Okay lang sana kung hindi rock n' roll."

"Excuse me, alternative rock," pag-korek ni Hannah.

"'Di ba may Celine Dion na CD ka?" tanong ni Jules.

Tumawa nang malakas si Hannah.

"Talaga lang?"

Naghalungkat ng CD sa glove compartment si Jules, at namili kung ano ang naroon. Mga discs na wala ng cover at case. Bukod doon ay sangkaterbang mga basura, resibo ng gasolinahan, bolpen na wala ng tinta, kung anu-anong papel at plastic ang mga nakasiksik sa loob. Napailing si Hannah at inabot ang kaha ng Marlboro Reds sa dashboard, kumuha ng stick at nagsindi. Binuksan niya ang bintana para bumuga ng usok.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon