Chapter 19: Magparamdam Kayo

10.8K 562 100
                                    

Alas-diyes ng gabi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alas-diyes ng gabi. Nagre-record ng sound sa EVP si Jules at nag-t-try makukuha ng frequency sa Spirit Box, all the while ay nagre-record na ang mga cameras. Pinauwi na ni Hepe si P02 Paterno since tingin niya'y hindi naman na niya kailangan ito, bukod sa pamilyado't inaantay na ng kanyang asawa. At dahil na-reveal na matatakutin pala ang pulis, ay mabuti nang pauwiin na at baka kung ano pang aksidente ang magawa niya.

Malakas ang palo ng K2 meter na hawak ni Jules. Ito ang gadget na sumusukat sa level ng EMF, o Electro Magnetic Field na magsasabi kung may otherworldly na presence. Tawag din dito ay Ghost Meter, ang pang-detect ng mga multo.

Nasa loob sila ng ikalawang guest room, ang Dead Room, kung saan ayon sa salaysay, dito ang mga pasyente ni Dr. Nakadai ay hinayaang mamatay matapos pag-experimentuhan. Ang kuwarto ay bare maliban sa kamang pang-ospital. Malamig ang batong pader at sahig na naga-absorb ng hamog sa labas. Dito rin, ayon kay Hannah, ipinanganak si Berta.

Nakikiramdam si Hepe habang si Mayor nama'y kumukuha ng video katabi si Karen na naka-ready ang camera. Tahimik sila habang nagko-concentrate si Hannah na makakuha ng readings sa kuwarto. Malakas ang vibrations na nararamdaman niya.

Tense. Mabilis ang tibok ng mga puso ng lahat, halos walang humihinga.

Biglang tumunog ang cellphone ni Mayor at sabay-sabay silang napatalon sa gulat. Si Karen ay napahawak sa kanyang dibdib sa nerbiyos at si Jules ay muntik mabitawan ang K2 Meter. Okay lang sana kung simpleng ringtone, pero, ang ringtone ni Mayor ay Symphony no.5 ni Beethoven. Agad niyang sinagot ang tawag.

"Hello! Sinabi kong huwag mo kong tatawagan!" galit na sabi ni Mayor. "O, bakit? Anong prublema?"

Pinakinggan ni Mayor ang sinasabi ng kausap, habang inaantay siya ng mga kasama na matapos.

"Okay, sige na, go. Bahala na ako. Umuwi ka na," sabi ni Mayor at ibinaba niyang cellphone at humingi ng paumanhin. "'Yung driver, pinauwi ko muna at masama daw ang tiyan."

"LBM 'yan" sabi ni Karen. "Kumain kasi ng tahong."

"I knew it!" sabi ni Mayor, pumitik pa ng daliri. "Ito 'yung mga tahong from Dinagatan, right?" tingin niya kay Karen. "Papupuntahin ko nga si kagawad sa palengke bukas para inspeksyunin ang mga tahong doon. Hirap nito eh baka ako pa ang masisi, saka..."

Natigilan si Mayor nang makita niyang nakatingin lang sa kanya ang iba.

"S-sorry, game na uli," nahihiyang ngiti niya.

Sumenyas si Jules kay Hannah na go na uli. Tumayo sa gitna ng kuwarto si Hannah at nagsalita.

"Kung may espiritu sa kuwartong ito, magparamdam kayo."

Kinabahan lalo sina Hepe, Mayor at Karen. Heto't inaanyayahan na ni Hannah mismo ang mga multong magpakita. Nanginginig ang kamay ni Mayor habang hawak ang digicam na itinutok niya kay Hannah.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon