"Okay, ito ang mga hard facts," sabi ni Jules habang in-adjust ang salamin niya sa mata.
Alas-nuebe ng umaga at nasa loob silang lahat ng den, kasama rin si Hepe na maagang dumating at umabot pa sa kanilang breakfast, this time mas modest na set ng pancakes, sausages, coffee and juice. Present din si Karen na hindi na inisip nina Jules and Hannah kung saan ito natulog since in-occupy na nila ang guest rooms at ang possible na lang ay ang Master's Bedroom. And the fact na mukhang bagong paligo na naman. Well...bulong ni Hannah.
Na-analyze na mabuti ni Jules ang translated texts ng journal ni Dr. Nakadai ng buong gabi. Halata ito sa kanyang mga eyebags. At ngayon, kanyang ilalatag ang kanilang game plan.
"First of all, isang first hierarcy demon ang sumanib kay Berta," sabi ni Jules at siya'y bumaling kay Father Markus. "Father, dahil nakaharap mo na ang dimonyo, do you concur?"
Natawa si Hannah.
"Concur talaga?"
Inirapan siya ni Jules. "Shut up, Hannah."
Tumango si Father Markus. "Yes, isa itong first hierarchy, based sa power ng resistance niya."
"And ayon naman sa Class A nating psychic," may taray na senyas ni Jules kay Hannah, "ang center ng paranormal activity ay ang Dead Room kung saan ipinanganak si Berta. Most importantly, isa itong portal."
"Yes, I concur!" sigaw ni Hannah at tinaas pa'ng kanyang kamay. Nag-roll ng eyes si Jules.
"Okay, gets ko," sabi ni Karen. "That means, 'yung demon na sumanib 'dun sa bata, eh galing sa portal!"
"Correct!" sabi ni Hannah.
"Nabanggit ba ito ni Dr. Nakadai sa kanyang journal?" curious na tanong ni Mayor.
Tumango si Jules. "Actually, 'yan 'yung importanteng information na nakuha ko. According sa journal, si Dr. Nakadai ay galing sa long line ng mga Japanese inquisitors dating back to the 17th century Tokugawa shogunate."
"Japanese inquisitors?!" react ni Mayor.
"Parang narinig ko na 'yan a," ani ni Hepe. "Pinersecute nila nung unang panahon ang mga Kristiyano at tinorture. Tulad na lang nang ginawa nila kay San Lorenzo Ruiz. 'Di ba binitin siya na patiwarik?"
Nagkatinginan ang iba, hindi ito ang first time na nabanggit ang santo. Naalala tuloy ni Mayor ang peke niyang rosaryo at muling nalungkot.
"Okay, so what kung may lahing inquisitor si Dr. Nakadai?" tanong ni Mayor para mag-move on ang usapan past kay San Lorenzo Ruiz.
"Here's the thing," excited na salaysay ni Jules. "After na pagexperimentuhan ni Dr. Nakadai ang mga bihag at dalhin sa Dead Room para mag-bleed to death, ay pinapatagal pa niya ang suffering nila."
"Paano?" tanong ni Father Markus.
"'Pag paubos na ang dugo nila at within inches of death, ay sinasalinan niya ng bagong dugo ang mga bihag. Blood transfusion. Para, tuloy pa rin ang suffering nila."
Napanganga sila, hindi makapaniwala sa narinig.
"Grabe lang!" galit na sabi ni Hannah.
"Yes, ganun kalala si Dr. Nakadai," sabi ni Jules.
"Parang eternal suffering," mulat na sabi ni Father Markus. "Gumawa siya ng sarili niyang impiyerno."
Napasandal sa kani-kanilang upuan ang lahat. Nakaramdam sila ng kakaibang kilabot na hindi pa nila nararanasan until now. Hindi sila makapaniwala na may taong tulad ni Dr. Nakadai. Napasindi ng yosi si Hannah, and although bawal magsmoke sa den, hinayaan ito ni Mayor at pinabuksan na lang niya ang exhaust fan kay Karen. Pinakuha rin niya ang bote ng Jack Daniels sa bar at mga baso at isa-isa silang nag-shot.
"Sorry, pero hindi pa doon nagtatapos," sabi ni Jules. "In order para sa bihag na hindi na mag-suffer at mapadali ang kamatayan nila, binigyan sila ng choice ni Dr. Nakadai..."
"...pina-denounce sila ng kanilang religion," tinuloy ni Father Markus ang sentence ni Jules. Na-gets niya ang maniacal na modus operandi ng Hapon na duktor.
"Yes, father, ganun na nga," sabi ni Jules.
At may na-gets din si Hannah.
"At dahil sa mga recanting ng faith, nag-open ang portal, fineed nila ng mga kaluluwa ang impiyerno!"
Tumpak ito. Ang malagim na gawain ni Dr. Nakadai.
"Oh, my God!" bulalas ni Karen.
"Shit," sabi ni Mayor. Ngayo'y na-realize niya kung gaano ka-evil ang Bahay na Bato at sumagi sa isipan niya kung kailangan ba itong ipa-bless, i-exorcise, or ipasara ng tuluyan.
"Okay," serious na sabi ni Hepe. "Pero, paano nito matutulungan si Berta?"
"Simpleng math lang, chief," sagot ni Jules. "Andyan ang dimonyo sa possessed person. Andyan ang portal kung saan siya galing."
Napakunot-noo si Father Markus.
"Jules, you're not suggesting..."
Tumingin si Jules sa lahat, at sinabi, "Sa Dead Room natin gagawin ang exorcism."
Napalagok ng alak si Mayor. Gulat ang iba.
"It's a big risk," sabi ni Father Markus. "Mas magiging malakas ang dimonyo 'pag nasa puder niya."
"Not if we know his name," mabilis na balik ni Jules.
Nagkatinginan ang lahat.
"Teka," singit ni Hepe. "Bakit nga pala kelangan nating malaman ang pangalan ng demon?"
"Iyon ang paraan para ma-cast out ang dimonyo," inform ni Father Markus. "'Pag alam natin ang pangalan ng dimonyo, may control tayo sa kanya. Kahit na nasa Dead Room pa siya, mas may control tayo. At during exorcsim, 'pag na-force natin ang dimonyo na sabihin ang pangalan niya, wala siyang choice kundi lisanin ang katawan ni Berta."
"Anubeh, 'di ka ba nanonood ng horror movies?" biro ni Hannah kay Hepe.
Nagpalitan sila ng mga ngiti. Napansin iyon ni Jules at siya'y napa-roll ng eyes.
"Problem is, hindi pa natin alam ang pangalan..." muni ni Mayor.
Umiling si Father Markus. "Hindi pa niya nire-reveal. Mukhang matatagalan pa."
Ang tutoo, hirap si Father Markus at sa tingin niya'y natatalo siya sa pakikipaglaban sa dimonyo sa loob ni Berta. Pero, mabilis na sumingit si Jules.
"Nireveal niya, Father...to someone."
At na-gets uli ni Father ang kasagutan.
"Ang nanay ni Berta! Si Ester!"
Napanganga ang iba.
"Yes, Father," confirm ni Jules. "Ikaw na rin nagsabi, kaya nakakasanib ang dimonyo sa tao because they let them. Nagpakilala ang dimonyo kay Ester at hinayaan niyang pumasok ito sa kanya. Nang masiraan ng ulo si Ester, lumipat ang dimonyo kay Berta."
"So, what do we do now?" tanong ni Mayor.
"Eh, 'di pupunta tayo ng mental hospital para kausapin si Ester para malaman ang pangalan ng dimonyo!" sabi ni Hannah.
Pagkasabi'y nagulat sila nang biglang nag-flicker ang ilaw sa den, mabilis na namatay at sumindi uli. Natahimik sila ng saglit.
Napatingin si Jules kay Hannah.
"Nagdilang dimonyo ka."
NEXT CHAPTER: "Ang Lagay ng Mga Bagay"
BINABASA MO ANG
Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House
HorrorIsang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na psychic at Jules na parapsychologist ay naglakbay tungo sa isang maliit na bayan sa Quezon Province up...