Chapter 11: Si Mayor

12.2K 597 44
                                    

"Wala munang makakaalam nito, naiintindihan ny'o?" mariing sabi ni Hepe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wala munang makakaalam nito, naiintindihan ny'o?" mariing sabi ni Hepe.

Nagtanguan ang mga kausap niya, dalawang lalaking paramedic mula sa Daigdigan Hospital na kasalukuyang ipinapatong sa stretcher ang bangkay ni Father Dacayman. Nasa sala sila ng kubo at naroon ang isang 50-something na lalaki na siyang coroner at ginagawa ang kanyang report. Nakabantay si SP04 Rosales at Brother Paul sa tabi.

"Edmund..." tawag ng coroner.

"Ano'ng tingin mo, Roger?" paglapit ni Hepe.

"Tulad ng sabi mo, heart attack," sagot ng coroner, na sa kapal ng salamin ay lumuluwa na'ng kanyang mga mata. Suot niya'y kulay puti na polo shirt na may breast pocket na napupuno ng bolpen at lapis.

Binigay ng coroner kay Hepe ang hawak niyang clipboard na may nakasipit na mga papel at humugot ng isang bolpen sa kanyang bulsa. Kinuha ni Hepe ang bolpen at pumirma sa itaas ng pangalang P/CAPT Edmund Padilla.

"Pero, ayon sa kwento mo, at sa aking pananaw, medically, ito'y stress cardiomyopathy. Death by shock," patuloy ng coroner. "Pero, ayon din sa kwento mo, at testimonya ng mga witness na naririto ay may supernatural agent na involved. May posibilidad na homicide."

"Supernatural agent? Homicide? Nagjo-joke ka ba?" gustong tawanan ni Hepe ang suggestion ng coroner. Sa tagal na nilang magkakilala ay ngayon lang niya narinig ang ganoong assessment mula sa kaibigan.

Ipinakita ng coroner ang bumaluktot na bakal na krus ni Father Dacayman, now deceased. At sumenyas sa kuwarto kung nasaan si Berta. Noong dumating ang coroner para gawan ng report ang cause of death ni Father Dacayman, ay pumasok din siya sa kuwarto. Although ang inabutan niya ay natutulog na bata, sa hitsura ng kuwarto at mga ebidensya na nakakalat, napagtagpi-tagpi ng coroner kung ano ang nagaganap sa bahay ni Kanor—isang exorcism. Frustrated din siyang detective, at hindi ito ang una niyang experience sa bagay na ito.

Umiiling na kinuha ni Hepe ang krus sa nakangiting coroner at ibinalik ang clipboard.

"Iwan na muna natin sa stress-induced shock, pending investigation."

Tumango ang coroner, nagkibit-balikat, at lumingon kay Brother Paul.

"Condolence, kapatid. Nakapangumpisal ba si Father bago mamatay?"

Malungkot na umiling si Brother Paul.

"Well, siguro nama'y hindi problema sa itaas 'yun."

Nagpaalam ang coroner.

"Siya, Edmund, sasabay na ko sa ambulansya pa-bayan."

Nagkamay sila.

"Salamat, pare."

Ibinigay ng hepe ang krus kay SP04 Rosales as evidence, pagkatapos ay lumabas sila ng kubo.

Sa labas, makulimlim ang kalangitan, may makakapal na mga ulap at banayad ang ihip ng hangin, ang panahon ay tila nakikiramay sa patay. Nasa liliman ng puno sina Jules, Hannah at Father Markus. Maliban kay Jules, ang dalawa'y nagyoyosi. Tahimik silang nagmumuni-muni. Tanaw nila sina Kanor at Wendell na nasa tabi ng kubo at ang dalawang bagong mga pulis na nakabantay naman sa may Toyota FX na police jeep. Maya-maya'y nakita nilang lumabas mula sa kubo ang coroner kasunod nina Hepe, SP04 Rosales at Brother Paul. Pasakay, ay nauntog pa ang coroner sa pintuan ng ambulansya. Muntik matawa ni Hannah.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon