Dakong alas-siyete ng gabi nang makarating sila sa Manila, sa may Dapitan Street kung saan nakatira si Jules, ang Lola't kapatid niyang lalaki na teenager. Sa may looban ng mga magkakamukha at dikit-dikit na lumang up and down na apartment.
Pumarada ang van sa may kalsada at nagbabaan sila. Sa bangketa, nagkalat na'ng mga tambay, nagkukumpulang mga estudyante sa nagiihaw ng barbecue, isaw at betamax. Malapit dito ang nagtitinda ng mani, fishballs, fried siopao at ng mangga na may bagoong. Parang may conference ng mga kariton.
"Huy! Jules! Magpa-isaw ka naman," hiling ni Hannah.
"Ano ka? Pinag-donut ko na nga kayo eh!"
"Sige na!"
"Pasok kaya muna tayo sa loob."
Sinundan nila Hannah at Father Markus si Jules sa maliit na eskenita, lampas sa mga batang naglalaro sa kalsada na walang salawal, lampas sa nagbabasketball ng half court sa binaluktot na bakal na ring, at tungo sa tirahan ni Jules. Nasa labas ng bahay ang kapatid niyang high schooler na si Clint, may kausap sa cellphone. Nakapambihis ito-jeans, t-shirt, rubber shoes at sagana sa accessories-wristband, necklace at earrings.
"Sige na," sabi ni Clint sa kausap. "Minsan lang ako magyaya..."
Binati sila nito sa pamamagitan ng pagindak ng ulo, sabay balik sa telepono. Diretso sa loob ng bahay ang tatlo.
Sa sala, nanonood ng panggabing game show ang 74-year old na lola ni Jules.
"Lola...," bati ni Jules. "Kasama ko sina Hannah at Father."
Natuwa ang matanda nang makita sila. Lalo na nang masilayan si Father Markus.
"Father! Father!" para itong maiiyak. Hinawakan niya ang pari sa magkabilang kamay.
"Kumusta na, lola?" tanong niya.
"Heto...malapit na ko mamatay. Basta, ikaw ang pari sa libing ko ha!" sabi ni lola. "Kumain na ba kayo?"
"Hindi pa nga eh, lola," sabi ni Jules.
"Halikayo at may pagkain sa kusina!"
#
Matapos maghapunan ay lumabas ng apartment si Hannah at tumayo sa may gate ng apartment at nagyosi. Naroon pa rin si Clint at may kausap sa phone sa tawag na parang hindi natatapos.
"Ikaw gusto ko kasama eh," sabi ni Clint sa kausap, na halatang girl sa flirting na paulit-ulit. "Lets sit sa beach, you know, sa sand, habang pinagmamasdan natin ang dagat."
Nag-shake ng ulo si Hannah.
"Mga kabataan talaga ngayon..." sabi niya sa sarili.
Lumabas naman si Father Markus at humingi ng sigarilyo.
Maya-maya'y lumabas naman si Jules, sakto sa pagtatapos sa telepono si Clint na nagsimulang lumakad paalis.
"O, san ka pupunta?" sita ni Jules sa kapatid.
BINABASA MO ANG
Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House
HorrorIsang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na psychic at Jules na parapsychologist ay naglakbay tungo sa isang maliit na bayan sa Quezon Province up...