Chapter 23: Translation

10.1K 530 18
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kinabukasan, hindi pa rin maka-get over si Mayor Arteza in knowing na fake ang artifact niyang rosaryo ng blessed martyr na si San Lorenzo Ruiz. Nang tanungin kung paano niya na-acquire iyon ay sinabi na lamang niya na matinding research at katakot-takot na lagay ang ginawa niya. Hindi niya dinisclose kung magkano ang nagastos niya, ipinalagay na lang nina Jules at Hannah na iyon ay malaking halaga, malamang na mas mahal pa sa first edition niyang King James Bible na nasa around P600k or more.

"At least we know na hindi siya myth," sabi na lang ni Karen.

"Yeah, Mayor mythbuster!" dagdag encourage ni Hannah.

Inispend nila ang buong araw sa pag-review ng mga video sa camera, lalo na ng mga footages sa Dead Room kung saan sa night vision shots ay kitang-kita sila na nagsisigawan sa takot. Ang pinakamalakas tumili ay walang iba kundi si Karen. Ang embarrasing lang, sabi ng tour guide. Sa video, hindi gaanong kita ang mga multo na lumabas bilang faint gaseous forms. Sa audio naman ay na-record ang mga boses na parang bulong at hinga, tulad ng kanilang nadinig noong nasa loob sila ng kuwarto.

"Sarap i-post n'yang video sa youtube," biro ni Hannah. "For sure madaming hits 'yan!"

"Uy, 'wag ha!" tili ni Karen.

Pagsapit ng tanghali ang lunch nila'y Chinese food. Lemon chicken, spicy spareribs, beef broccoli, gyoza at yang-chow fried rice na pinabili pa ni Mayor sa Lucena City. Balak lang sana niyang magpabili ng lechon manok at liempo sa bayan, pero dahil na-depress siya sa fake na rosaryo ay dinaan na lang niya ang frustration sa pagkain.

Tapos na silang kumain nang dumating si Hepe at inabutan sila nito na nagpapababa na ng kabusugan with coffee and cigarettes.

"O, Hepe!" hudyat ni Mayor. "Kain muna."

"Yes, okay na 'ko," sagot ng pulis habang naupo.

"Okay ka na ba?" tanong ni Hannah. "Naka-recover ka na ba kagabi?"

Tumango si Hepe. "Oo. Nakuwento n'yo na ba kay Father ang nangyari?"

"Kinuwento na nila habang naglu-lunch," sabi ni Father Markus.

"Kumusta na 'yung leeg mo?" tanong ni Karen, at nakitang wala ng marka ito. "O, okay na pala eh!"

"O-oo," sabi ni Hepe with relief.

"See? Protektado ka na pala ni father eh!" bulalas ni Hannah.

Meanwhile, abala si Jules sa pagbabasa ng journal ni Dr. Nakadai para makipag-usap sa kanila.

"Busy lang?" pansin ni Hannah.

"Shhh," saway ni Jules.

Tumingin sa kanilang lahat si Mayor.

"So, what's our next move?" tanong niya habang nagsip ng coffee. "Tapos na ba tayo sa Bahay na Bato?"

"Ang pakay natin ay alamin ang connection ng Bahay na Bato sa possession ni Berta," paalala ni Father Markus. "Nagawa ba natin ito?"

"Portal 'yung Dead Room, 'di ba?" sabi ni Karen.

"Yes," confirm ni Hannah at bumuga ng usok.

"So, andun ang connection!" dugtong ni Karen.

"At doon ipinanganak sa room na 'yon si Berta," dagdag pa ni Hannah.

Saglit na napaisip sila. Tama sila ng palagay, naroon ang connection, pero hindi nila exactly masabi kung ano. At alam nila kung sino talaga ang makakasagot nito—si Jules, na abala sa pagbabasa ng journal ni Dr. Nakadai na akala nila'y hindi nakikinig ay kabisadong lahat ng sinabi nila. Nagtinginan silang lahat sa parapsychologist, inaantay ang sasabihin niya. Binigyan sila ni Jules ng tingin na nagsasabing alam niya, or at least, may theory siya.

"First, kailangang ma-translate ang journal na ito," sabi ni Jules. "Sino marunong mag-Niponggo?

Nagpasahan sila ng mga tingin.

"May kilala ako," sabi ni Hepe.

#

Halos isang oras din ang papunta sa Callejon, ang karatig bayan ng Daigdigan kung saan sinundo ni Hepe ang Japanese translator na kilala niya, kaya't pasado alas-tres na siya nakabalik. Kasama niya si SP04 Rosales na siyang nag-drive at pamilyar sa lugar. Ipinakilala ni Hepe ang translator na nagngangalang Michael Banlat, isang 38-year old na katam-tamang taas na lalaki na ayon sa kanya'y nanirahan ng ilang taon sa Japan at doon natuto ng wikang Hapon.

"Banlat...Banlat..." pag-isip ni Mayor, pamilyar sa kanya ang pangalan.

Nasa loob na sala sila ng bahay na nakaupo. May meryenda sa mesa na iced tea at pastries.

"Kaano-ano mo si Manolo Banlat, 'yung WWII veteran?" tanong ni Mayor sa translator.

"Lolo ko, sir."

Nagliwanag mukha ni Mayor. "Really? Aba! It's a pleasure pala meeting you!"

Naramdaman ni Michael ang full grip ng handshake ni Mayor, patunay na sincere ito. Nang tanungin si Mayor ng iba, in-explain niya na ang lolo ng translator na si Private Manolo Banlat at isang Japanese straggler na nagngangalang Kenji Nishina na kanyang naging matalik na kaibigan ay sumikat noong 1980s nang lumabas ang istorya nila sa mga pahayagan. Isang istorya ng survival dating back to WWII. Big news daw ito around that time. Alam iyon ni Mayor dahil nagkaroon din siya ng interes dati sa mga WWII antiques.

"So, Michael, fluent ka sa Japanese?" tanong ni Hannah.

"Yes, Ma'm," magalang na sagot ni Michael.

Lumapit si Jules at ipinakita ang journal ni Dr. Nakadai.

"Kaya mo bang i-translate ito?"

Sinilip ng translator ang journal at siya'y umoo.

Binigay nila kay Michael ang poolside para buong araw niyang i-translate ang journal na walang istorbo habang ang lahat ay nagtungo sa den para makapagplano pa ng mga gagawin. Ayon sa theory ni Jules at kung ma-confirm ito ng translated text, maiko-connect nila ang Bahay na Bato sa possession ni Berta at malalaman nila kung paano susugpuin ang dimonyo.

Inabot ng lagpas ng apat na oras bago natapos ni Michael ang pagtranslate ng mga texto into Tagalog at lubos siyang pinasalamatan ng lahat. Nag-stay pa siya para mag-dinner kasama ng lahat. This time, nagpa-ihaw si Mayor ng bangus, liempo at pusit, kasama na rin ang mga natira pa nilang Chinese food nuong lunch. Nag-offer naman sila ng fee sa pag-translate pero ito'y tinanggihan ni Michael at sinabi na lamang na if ever mapunta sila sa Lubang, Mindoro ay bisitahin nila ang bantayog at museum na dedicated sa kanyang lolo. Sure daw na tutuparin ito pangako nina Jules, Hannah, Father Markus at Mayor Arteza. Dahil late na rin ay nagpaalam na sina Hepe at SP04 Rosales at kanila pang hinatid ang translator sa Callejon.

"Let's call it a day!" hudyat ni Mayor.

Pinakita ni Karen ang dalawang guest rooms, isa kay Hannah at isa para i-share nina Jules at Father Markus. Maaga silang nagpahinga, except kay Jules na may task pa na basahin at pag-aralan ang translation ng journal, kung saan inabot siya ng madaling araw habang payapang natutulog si Father Markus sa kanyang tabi.

Kinabukasan, alam na ni Jules ang dapat nilang gawin.

NEXT CHAPTER: "Bagong Game Plan"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon