Matapos ang exorcism ay nagpa-pool party si Mayor sa kanyang bahay at ang handa? Catering service. Sa gitna ng buffet table ay masarap na litson at bumaha ng iba't-ibang alak. Sa kalagitnaan ng pagsasaya ay nagpropose si Mayor kay Karen at malakas na nagpalakpakan ang lahat. May sayawan at videoke, at tumagal ito hanggang madaling araw.
Kinabukasan, nagpaalam nang umuwi sina Father Markus, Hannah at Jules, pero may mga pangakong binitawan, na magkikita silang muli nina Mayor, Karen at Hepe in the future. Sa tuwa ni Jules, ay hinabilin ni Mayor sa kanya ang journal ni Dr. Nakadai. And yes, pinakabitan din ng alkalde ng bagong baterya ang Hi-ace.
Bumalik sa normal na buhay ang pamilyang Trajico. Sa tulong ni Mayor ay binigyan niya ng perang financial ang pamilya para makaahon na muli. Bumalik sa pagsasaka si Kanor, si Wendell sa eskwela at si Berta sa panibagong sigla. Ang dagdag na magandang balita ay ang pag-improve ni Ester, na nang bisitahin nila sa mental hospital ay masaya silang namukaan.
Si Hepe, SP04 Rosales at ang iba pang pulis ay bumalik sa normal nilang mga tungkulin. Sa tulong ni Mayor, ay nabigyan ng magandang budget ang Daigdigan Police at sila'y nakabili ng mga bagong sasakyan at kagamitan.
Si Brother Paul nama'y nagbalik sa kanyang gawain sa simbahan, ngayo'y may kakaibang lakas ng pananalig. Pinanagko ni Father Markus na gagawin siyang apprentice exorcist balang araw kapag naging pari na ito.
Naka-recover si Bishop Israel sa kanyang injuries at nang bisitahin nina Father Markus, Jules at Hannah ay masaya ito na malaman na nagwagi sila sa dimonyo gamit ang rosaryo. Naroon ang kanyang butler na si Arturo na nagbantay sa kanya at nagdonate din ng dugo dahil pareho pala sila ng blood type.
Nagbukas muli ang Bahay na Bato sa publiko. At dahil sa umano'y exorcism na nangyari roon ay lalo pang dumami ang mga bisita nito. Na-feature pa ang Anlunan Residence sa TV. Sa mga video footages na nakalap ni Mayor ay nakabuo siya ng documentary na pinamagatang Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House: A film by Sonny Arteza. Nagkaroon ito ng cult following. At sa dagdag kasikatan na natamo, nanalo muli si Mayor sa sumunod na halalan para sa kanyang second term.
Dahil sa success nina Father Markus, Jules at Hannah, ay binigyan sila ng special license ng simbahang Katoliko para magconduct ng major exorcisms. At kasama rito ang paggamit ng rosaryo ni San Lorenzo Ruiz at iba pang religious artifacts sa pakikipaglaban sa mga dimonyo.
The End.
BINABASA MO ANG
Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House
HorrorIsang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na psychic at Jules na parapsychologist ay naglakbay tungo sa isang maliit na bayan sa Quezon Province up...