Chapter 17: Exorcism

10.9K 570 70
                                    

Nanginginig ang kamay ni Brother Paul habang hawak ang tasa ng kape

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanginginig ang kamay ni Brother Paul habang hawak ang tasa ng kape. Nakaupo siya sa kusina kasama sina Kanor at Wendell na nagaantay sa pagbalik ni Father Markus. Tense sila. Lalo na si Brother Paul na magiging katulong ng pari sa ritwal ng exorcism. Hindi pa man din siya nakaka-get over sa naranasan, sa kanyang vision ni Father Dacayman na nasusunog sa impiyerno kung kaya't panay ang dasal niya.

Malamig ang hangin sa labas na galing sa bundok at bumabaybay sa bukirin. Payapang nagdarasal si Father Markus sa nakabibinging katahimikan sa ilalim ng mga bituin. Nakaluhod siya sa isang tuhod malapit sa may puno. Suot niyang kulay itim niyang abito na pinatungan niya ng kulay violet na estola, o stole, na parang scarf sa leeg. Nang kuntento na sa dinasal, nag-sign of the cross, tumayo, at taimtim na naglakad siya pabalik ng kubo.

Pinagkumpisal niya ang tatlo at dinasalan bago napagpasyahan na ready na sila. Pinag-abang si Wendell sa labas kung saan daw siya ligtas at si Kanor ay pinag-standby naman sa labas ng kuwarto. Nanginginig pa rin si Brother Paul. Namumutla't pinagpapawisan. Hinawakan siya ni Father Markus sa balikat para pakalmahin.

"Huwag kang matakot," ani ng pari. "Ang takot mo ang gagamitin ng dimonyo laban sa 'yo."

Napalunok si Brother Paul, tumango at tinapangan ang sarili.

Naglakad ang dalawa tungo sa kuwarto at pumasok.

Sa loob, nilapag ni Father Markus ang portable lamp sa sahig malapit sa pintuan. Ang madilim na kuwarto ay nagbalik sa malagim nitong hitsura: nagpuputik na pader at sahig, malamig na temperatura at mga naggagapangang mga insekto sa paligid. Nakaupo ang bata sa kama, nakatali ang dalawang mga kamay sa magkabilang poste. Nakatingin na ito sa kanila nang sila'y pumasok.

"Kanina pa kita inaantay, father," sabi ng dimonyo. "Nainip na ako."

Hindi siya pinansin ni Father Markus, diretso agad ito sa ritwal. Hawak niya'ng bote ng holy water na itinapat niya sa bata at tinirace ang sign of the cross sa kanya.

In the name of the Father, and the Son and the Holy Spirit.

Winisikan ni Father Markus ang bata ng holy water at parang asido itong tumama sa kanyang mukha at siya'y napahiyaw. Bilang blessing, winisikan din niya si Brother Paul sa kanyang tabi na hawak ang libro ng ritwal na nakapatong sa malaking bibliya. Sinumulang dasalin ni Father Markus ang Litany of the Saints at si Brother Paul ang nag-response.

Lord, have mercy.
Lord, have mercy.

Christ, have mercy.
Christ, have mercy.

God, the Son, Redeemer of the World.
Have mercy on us.

God, the Holy Spirit.
Have mercy on us.

Mula sa bibig ni Berta, ay lumabas ang tinig ng dimonyong galit na galit.

"TIGILAN N'YONG PAGDARASAL!" sigaw niya.

Habang patuloy ang dalawa ay malakas na umuga ang kama na para itong nililindol.

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon