Chapter 30: Paghahanda

9.7K 503 33
                                    

Naglagay ng sign sa harap ng gate ng Anlunan Residence na closed ito until further notice

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naglagay ng sign sa harap ng gate ng Anlunan Residence na closed ito until further notice. May announcement din sa official website at facebook. Ininform na rin ni Karen ang ilang travel agencies na kasama ang haunted house sa tours nila. Sinara nila pansamantala ang Bahay na Bato para bigyan daan ang gaaanapin nilang exorcism.

Nagumpisa nang magset-up ng mga camera si Jules sa Dead Room katulong sina Hannah at P02 Paterno. Nag-mount sila ng dalawang camera sa magkabilang bahagi ng kuwarto na nakatutok sa hospital bed at naka-hook up sa laptop na nakapuwesto malapit sa pintuan. Nag-request si Jules kay Mayor ng spotlights at naglagay din siya ng mga microphone sa paligid na naka-jack sa mga speakers. Ang magiging epekto nito during exorcism ay malakas na mag-e-echo ang mga dasal sa kuwarto. Pinili pa niya ang chamber effect na parang nasa loob sila ng cathedral ang magiging dating.

"Say mo, d'yan, Berith," nakangiting sabi ni Jules.

Nagset-up din si Mayor ng sarili niyang videocam na may tripod. Naka-ready din ang dslr at ang flash nito na naging useful last time.

Sa kusina, nag-stock si Karen ng bottled water sa ref at softdrinks, may mga instant coffee sachets, instant noodle cups at mga microwavable sandwiches din. May ni-ready din siya na medical kit. May kakaibang ningning sa mga mata ni Karen, ito'y dahil sinabi ni Mayor kagabi na ang next vacation nila ay sa Bali, Indonesia. Nai-imagine na ni Karen ang hot sex na mangyayari.

Chineck naman ni Manong Guard at ng security guard ng basement ang fusebox at para paniguradong hindi sila mamamatayan ng ilaw ay hinanda nila ang standby generator. Kung sumablay pa, nariyan ang mga portable lamps at kandila.

Inabot sila ng tatlong oras sa paghahanda at ini-expect nila na tatagal ang magaganap na exorcism hanggang madaling araw. May overtime pay naman daw sabi ni Mayor. Namahinga sila sa sala at inantay ang pagdating ni Father Markus at ng iba pa.

#

Suot ni Father Markus ay kulay puti na sutana at kanyang stole na violet. Magkasama ang pari, si Hepe at SP04 Rosales dala ang police car at patrol jeep papunta sa kubo para sunduin ang mga Trajico. Naroon na si Brother Paul at sinalubong sila nito na may marka ng pag-aalala sa mukha. Ang dahilan?

"Kanina pa nagwawala si Berta," sabi niya.

Humawak ang pari sa kanyang balikat.

"Huwag kang mag-alala, alam na natin ang pangalan niya."

Nakaramdam ng lakas ng loob si Brother Paul na malaman na may advantage na sila sa dimonyo.

"Nasaan si Kanor? Si Wendell?" tanong ni Hepe.

"Nasa loob sila."

Pagpasok nila ng bahay ay sinalubong sila ng amoy na pinakamabaho sa lahat nang naranasan nila. Amoy ng tae, ihi at suka at lahat na ng pinaghalong kasangsangan. Napatakip sila ng mga ilong paghakbang sa loob. Napamura si Hepe at SP04 Rosales. Ang buong bahay ay parang imburnal ng impiyerno, anila. Sa sobrang lala ng amoy ay inilabas na ng mag-amang Trajico ang mga gamit sa kusina. Mga pinggan, baso, kubyertos at iba pa para hindi kapitan ng baho. Sinampay din nilang mga damit sa labas. Naroon si Wendell na may takip na tela sa ilong at binubuksan ang mga bintana para palabasin ang amoy. Tumigil siya nang makita sina Father at mga pulis.

"Father..."

"Wendell."

Lumakad si Wendell tungo sa kuwarto, binuksan ang pintuan at sila'y pumasok. Dinig nila agad ang magaspang na boses ng dimonyo sa loob ni Berta.

Ito'y nagwawala.

Gulat ang inabot nina Father Markus at mga pulis nang makita ang nakataling si Berta na inuuntog ang ulo sa kama, pinapadyak ang mga paa at nagpupumilit na makatakas. Ngayo'y hindi na halos makilala ang mukha ng bata pagka't ito'y napupuno ng mga sugat na ninanana, mga naglalakihang pigsa at ang kulay ng balat niya'y naninilaw, tulad ng kanyang mga ngipin. Ang dila ni Berta ay kulay alikabok, naglalaway ng kulay dilaw at pula na plema.

At siya'y may sinasabi na wikang hindi naiintindihan.

Li vemorf su revil edtub no itat pmet otniton su dael.

Lumapit si Hepe kay Father. "Ano 'yun, Father? Latin?"

"Hindi," iling ni Father Markus. "Nagdarasal siya ng pabaliktad."

Nakita nilang nakatayo si Kanor sa isang sulok at nakatingin kay Berta. Hawak niya ang basang towel na kanya sanang ipampupunas sa anak, nais niya siyang linisin sana at bihisan pa. Nguni't sa hitsura ng anak ngayon, natulala na lamang siya. Hitsura ng isang tao na hindi na alam ang gagawin.

"Kanor..." hinawakan siya ni Father sa balikat at siya'y nagitla. Nang makita ng magsasaka ang mukha ng pari ay nagkaroon siya ng panibagong lakas ng loob. "Kanor, kumuha ka ng makapal na tali, dadalhin na natin si Berta sa Bahay na Bato, doon natin paaalisin ang dimonyo."

Tumango si Kanor at habang palabas siya'y nag-react ang dimonyo sa narinig at galit na sumigaw.

"Subukan n'yo! Subukan n'yo! Mamamatay kayo! Mamamatay kayong lahat!"

"Tumahimik ka!" matapang na sigaw ni Father Markus pabalik.

At sinabi niya ang pangalang...

"Berith!"

Nanlaki ang mga mata ng dimonyo.

"Hindi 'yan ang pangalan ko!"

"Baal-Berith, diyos ng kasinungalingan!" sigaw ni Father Markus.

"Hindi ako ang sinasabi mo!"

"Baal-Berith, diyos ng pagpapatiwakal!"

Kinuha ni Father Markus ang punda ng unan at kanya itong isinuot sa ulo ni Berta at hinawakan sa katawan ang bata para hindi makagalaw. Nagsisisigaw ito at pinagmumura sila. Sinenyas ng pari kina Brother Paul at Hepe na kalagan ang tali. Malakas si Berta kaya't nahihirapan sila.

"Rosales!" sigaw ni Hepe. Ang tauhan niya'y tila natulala. "Tulungan mo kami!"

Natauhan si SP04 Rosales at kanyang pinigilan ang nagpupumiglas na mga paa ni Berta. Tinali ni Hepe na magkasama ang mga kamay ni Berta, si SP04 Rosales ang mga paa. Dumating si Kanor na may dalang makapal na lubid na ginamit nila para talian naman ang katawan ni Berta. Tumigil sa pagpiglas si Berta nang mahigpitan ang tali at hindi na siya makagalaw. Bubuhatin na sana siya ni SP04 Rosales nang akuin iyon ni Kanor.

"Ako na," sabi ng ama.

Namumuo ang maiitim na mga ulap sa langit nang inilabas nila si Berta ng kubo. Inupo nila ang bata sa likod ng Toyota patrol car habang tinabihan sa magkabila nina Kanor at Father Markus. Si Hepe ang nagmaneho ng police car. Sa police jeep na dala naman ni SP04 Rosales, kasama niya sina Brother Paul at Wendell. Nilisan nila ang kubo tungo sa Barangay Garote. Dakong alas-kuwatro nang muling nagbalik si Berta sa Bahay na Bato, anim na taon mula nang siya'y ipinanganak doon.

#

Nang tanggalin ang punda sa ulo ni Berta ay nakita niyang sarili na nakatali muli ang magkabilang kamay. Nguni't ngayon ay nasa hospital bed na siya sa Dead Room. Agad siyang nagwala nang matanto kung nasaan siya. Kaharap niya sina Father Markus, Jules at Hannah at pinagmumura niya ang mga ito. Pinagsusumpa at pinagbantaan na mamamatay.

"Tumahimik ka, Berith!" sigaw ni Father Markus.

Natahimik ang dimonyo. Nguni't maya-maya'y tumawa ito at tinignan sila ng mga matang nanlilisik.

"Mga tanga. Hindi n'yo dapat ako dinala dito," malakas niyang tawa. "Ako ang hari dito!"

"Malalaman natin," matigas na sabi ni Father Markus.

#

Sa mga oras na ito ay tumatakbo ang kulay puti na Revo na minamaneho ni Bishop Israel sa kahabaan ng South Superhighway tungo sa lalawigan ng Quezon. Basa ang kalsada at may mahinang ulan dulot ng maiitim na mga ulap na namumuo sa may Silangan. Nasa kanya ang address ng mga Trajico pero hindi siya sigurado kung matutunton niya ito sa madilim na gabi. Nagdasal siya na gabayan siya ng Diyos. Na makarating siya sa kanyang destinasyon at maihatid kay Father Markus ang matagal na nitong hinihiling.

Napatingin si Bishop Israel sa kanyang tabi, sa passenger seat ay naroon ang kanyang bag, at sa loob noo'y ang rosaryo.

NEXT CHAPTER: "+"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon