Chapter 12: Proteksyon at Mga Unwelcomed Guests

11.5K 558 22
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pabalik ng kubo, sinalubong si Father Markus nina Kanor at Wendell. Nasa mukha ng dalawa ang desperasyon. Nagulantang sila sa pagkamatay ni Father Dacayman at ngayo'y may pagaalinlangan na sila kung kaya ba ng mas batang pari na malipol ang dimonyo. Handa silang tumulong sa anumang paraan. Sa kalayuan sa may police jeep, abala sa pag-uusap sina SP04 Rosales at ang babaeng pulis na nagngangalang P02 Casas.

"Father..." tawag ni Kanor.

"Kanor..."

"Si Father Dacayman..."

"Huwag kang mag-alala sa pagkamatay ni Father Dacayman," sabi ni Father Markus. "Wala kayong kinalaman doon..."

"Pero, si Berta..." pagalala ni Kanor, wala man siya o si Wendell na kinalaman tulad ng sinabi ng pari, ay may kagagawan kahit paano, ang anak niyang si Berta.

Hindi agad nakasagot si Father Markus.

"Pagalingin n'yo po si Berta," pagmamakaawa ni Wendell.

Napatingin sa kanya ang pari, ngayon din lang niya narinig ang tinig ng binata simula nang dumating siya roon.

"Kung pwede, ipasa n'yo sa akin ang masamang espiritu," alok ng binata.

Napatingin naman ang kanyang ama, at nakisawsaw sa ideyang iyon. "Hindi. Sa akin na lang. Mas malakas ako!"

Nagulat si Father Markus. "Saan n'yo nakuha ang ideyang 'yan?" aniya. "Hindi sa ganoong paraan nangyayari o natatapos ito. Ang exorcism ay napaka-unpredictable. Hindi ko masasabi agad ang magiging resulta. Siguro, ang pwede n'yo na lang gawin ay tulungan ako sa pagdarasal."

Tumango sina Kanor at Wendell, tanggap nila ang sinabi ng pari.

"Sa mga dasal, mas makakatulong si Brother Paul," sabi ni Kanor.

Nagtaka si Father Markus. Pagpasok niya ng bahay ay naroon si Brother Paul na nakaupo sa sala, naghihintay.

"Brother Paul, akala ko sumabay ka na pabalik ng bayan?"

Tumayo ang kausap. "Nagpaiwan ako, father, mas kailangan n'yo ng tulong ko."

"Pero, si Father Dacayman..."

"Mas kailangan ako dito, father," ulit ni Brother Paul. "Mas gugustuhin din ni Father Dacayman na tulungan ko kayo. Ginagawa ko din ito sa ngalan niya."

Hindi man sang-ayon si Father Markus, kita niya sa mga mata ni Brother Paul na hindi niya ito mapipilit na umalis. Nangangamba lang siya sa buhay nito, ayaw niyang may mamatay pa dahil sa kanya. Kailangan niyang protekahan ang batang kapatid ng simbahan. Nilapitan niya ito at hinawakan sa kamay. Madiin. Matagal. Nagtataka si Brother Paul. Nakapikit si Father Markus at tila may dinarasal na hindi niya tanto, habang hawak ang kanyang kamay. Nagulat si Brother Paul nang maramdaman niyang may gumapang na kakaibang sensasyon mula sa kamay ni Father Markus paakyat sa kanyang braso at nagtapos sa kanyang dibdib. May naramdaman siyang kakaibang aura sa kanyang pagkatao, na para bang gumaan ang kanyang ulo.

"A-anong ginawa mo, father?" nagtatakang tanong ng brother.

"Proteksyon," sagot ng pari.

#

Pagbukas ng gate ng Anlunan Residence ay may security guard na naroon at isang babaeng tour guide. Pagpasok ng tatlong sasakyan ay magkakatabi ang mga itong pumarada. May dalawa pang sasakyan ang naroon, isang Starex at isang Honda Civic, pawang sa mga turista.

Malaki ang pinagbago ng immediate surroundings ng bahay na bato. Maayos ang harap nito na siyang parking lot bagama't lupa pa rin. May maliit na guard house sa may gate at perimeter fence. Ang lupa sa paligid ng bahay ay nilinis at tinaniman ng mga halaman. Pero, hanggang doon lang. Para lang malinis tignan ang lugar. Sa kagustuhan ng mayor, prineserve niya ang eerie look at feel ng infamous na bahay. Pinaayos niya ang mga bakbak na kahoy at bubungan nito at nilinis ang batong pundasyon. Pero, hindi niya pinapinturahan ng bago o pinalitan ang mga construction materials. As much as possible, ikaniya, preserved ang mga orihinal na materyales. Nasa kahoy, nasa bato, sa paniniwala ng mayor, ang espiritu ng bahay.

Bumaba sila ng sasakyan. Kasunod ni Mayor si Hepe habang naiwan sa parking ang kasama niyang lalaking pulis na si P02 Paterno.

"Sir," bati ng babaeng tour guide. May hitsura siya at nasa kanyang late 20s. Mahaba ang buhok, maganda ang katawan at maayos ang pananamit. Blouse at skirt. At may dating, may allure.

"Karen," tawag ng Mayor. "May special guests tayo."

Tinuro ni Mayor sina Jules at Hannah na bumababa ng Hi-ace.

May chills si Jules nang makita ang bahay na bato. Ang Anlunan Residence. Bagama't marami na siyang napuntahang mga haunted house, ay first time niya ito rito tulad ni Hannah. At ang takot niya ay ang kanyang pagiging pamilyar sa bahay, alam niyang notorious na reputasyon nito, na-build up na sa kanyang isipan. In any case, hindi ka man pamilyar sa kanyang history, isang tingin lang sa bahay na bato ay alam mong haunted house siya. Same feeling na nakukuha ng karamihan, for example, kapag nakikita ang litrato ng bahay sa 112 Ocean Avenue, New York, a.k.a. ang bahay sa The Amityville Horror, at iba pang mga sikat na haunted houses. Alam mong dapat kang lumayo. Kinikilabutan man si Jules ay may sense of wonder din siya. At matinding excitement.

Pero, hindi si Hannah.

Pagbaba pa lang ng psychic ay nagparamdam na agad sa kanya ang bahay na bato. Nagtaasan ang mga balahibo niya, nakaramdam siya ng lamig na bumalot sa buo niyang katawan. Parang siyang niyakap ng bahay bilang welcome greeting.

"Fuck naman," sabi niya sa sarili.

NEXT CHAPTER: "Ang Bahay na Bato"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon