Chapter 22: The Appeal

10.2K 533 12
                                    

Nakapikit si Bishop Israel habang nakatayong nagdarasal, ang kamay niya'y nakahawak sa paa ng rebulto na halos kasinlaki na ng tao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakapikit si Bishop Israel habang nakatayong nagdarasal, ang kamay niya'y nakahawak sa paa ng rebulto na halos kasinlaki na ng tao. Mahina lang ang boses ng obispong Kastiloy, halos pabulong, pero nasa mukha niya ang kakaibang taimtim sa kanyang pakikipagusap sa Diyos. Dumilat siya matapos magdasal at nag-kurus at humalik sa paa ng santo. Ang santo—si San Lorenzo Ruiz, ang imahen sa pamilyar na kasuotan nitong kamisa chinong puti, nakatingala sa langit, dumadalangin sa Poong Maykapal hawak ang rosaryo. Nasa hallway si Bishop ng opisina ng Archbishop at humingi siya ng audience rito. Habang naghihintay na papasukin ay nagdasal muna siya, at sakto sa kanyang pag-amen ay bumukas ang pintuan at tinawag siya ng isang lalaking secretary na naka-barong.

"Bishop Israel, the Archbishop will see you now."

Tumango ang bishop at pumasok ng kuwarto.

Elegante ang opisina, mataas ang kisame na may matatabang mouldings, sa wall ang framed portraits ng mga dating bishops, archbishops at cardinals, at ang sahig ay may kulay na maroon na carpet. May malaking office table na gawa sa narra at doon nakaupo si Archbishop Villasor na tumayo nang pumasok si Bishop Israel at inextend ang kanyang mga kamay.

"Ah, Bishop Israel," nakangiting bati ng arsobispo.

Hindi tulad ng matangkad at tisoy na bishop, ang 60-something na si Archbishop Villasor ay kayumanggi, may katabaan, maliit at nakasalamin. Sila'y polar opposites.

"Your excellency."

"Please, sit down," offer ng arsobispo.

Naupo sila. Kita ni Bishop Israel na may binubuong giant jigsaw puzzle sa mesa ang arsobispo, 1000-piece picture ng Hagia Sophia sa Turkey, at nangangalahati na siya. Isang pasttime na kamakailan lang niya nahiligan.

"Mahilig ka ba sa jigsaw puzzles?"

Umiling si Bishop Israel.

"You should try it, Reginald," sabi ng arsobispo.

"Thank you, but I have my books," ngiti ng obispo.

"Kumusta nga pala ang meeting n'yo kahapon?" tanong ng arsobispo habang dumampot ng puzzle piece at hinanap kung saan ilalagay iyon.

"Long," sagot ni Bishop Israel.

Natawa ang arsobispo.

"I know, kaya nag-skip ako dun. Pero, don't tell anyone, okay?"

Napangiti ang bishop. Close sila ng Archbishop at magkakilala na since the Marcos days pa kung saan silang dalawa ay mga vocal na kritiko ng administrasyon na iyon. Sa Catholic Bishops Conference, mataas ang mga chair na hinahawakan nilang dalawa, si Villasor bilang presidente at si Israel bilang kalihim. Between them, hawak din nila ang mga pinakaiingatang sikreto ng simbahang Katoliko sa Pilipinas.

Sumiryoso ang mukha ni Bishop Israel.

"Your excellency, I need your help."

Sa tono ng boses ng obispo ay alam na agad ni Archbishop Villasor na importante ang sadya nito, enough para tumigil siya sa kanyang puzzle.

"Right now," patuloy ni Bishop Isreal, "si Father Markus ay nasa Quezon Province performing an exorcism..."

Napasandal ang archbishop, although malaki ang tiwala at mataas ang pagtingin niya kay Bishop Israel ay may agam-agam siya pagdating sa mga aniya, "exploits" ng "rogue" na paring si Father Markus, na alam ng lahat na tauhan ng bishop.

"...and I think, he's into something big."

Tumaas kilay ng archbishop.

"Big? Anong ibig mong sabihing big?"

"A first hierarchy demon," serious na sabi ng obispo.

Umiling ang archbishop at matigas na sinabi, "First hierarchy or second hierarchy, the thing is, Father Markus is a liability performing exorcisms."

"Liability?" may alma sa boses ni Bishop Israel. "Father Markus has performed over 70 cases of exorcisms. The most in any diocese in this country."

Tumango si Archbishop Villasor, "I know, pero let me remind you bishop, about 'yung failed exorcism niya with the nun. That was a disaster."

Natahimik si Bishop Israel. Of course, may kinalaman siya roon dahil siya ang nag-sanction ng exorcism ni Sister Juanita, and the fact na siya ang nag-push kay Father Markus na ituloy lang ang ritwal kahit na sinabi ng pari na may chance na mauwi iyon sa suicide.

"The thing is," sabi ng arsobispo, "the devil hates him."

Although tutoo ito, may ibang paliwanag si Bishop Israel.

"No, the devil fears him."

Napabuntong-hininga si Archbishop Villasor, naramdaman niyang desidido ang kausap niya, anumang argumento ang gawin nila'y mapapagod lang ang isa't-isa.

"What do you want?" straight na tanong ng arsobispo.

"I need the artifact."

Napatayo bigla ang arsobispo at dahil doon ay nagulo ang ginagawa niyang jigsaw puzzle.

"No!"

Frustrated na naglakad ang arsobispo at tumayo sa may bintana. "The blessed rosary of our protomartyr is not some kind of secret weapon para i-wield ng isa lamang ordained priest!" malakas niyang sabi. "It is too powerful!"

Tutoo, at alam iyon ni Bishop Israel. Kaya nakatago in secret ang rosaryo at hindi pa ina-announce sa public ay dahil may mga secret accounts na nangyari before, na dahil sobrang powerful ng artifact ay na-corrupt ang mga gumamit nito—kinorrupt ng dimonyo para gamitin sa kasamaan. At natatakot ang simbahang Katoliko na mapunta ang rosaryo sa kamay ng kanilang mga kalaban.

"Archbishop Villasor," matigas na sabi ni Bishop Israel. "We, as God's servants, follow the three mandates: Spread the word of God, heal the sick, and cast out demons. It is our sacred duty to fight Satan and his minions. Hindi natin dapat hayaan na magkaroon sila ng foothold dito sa mundo at lumakas ang kapit sa tao."

Napayuko ang arsobispo. Aminado siya sa sarili na tama ang sinabi ngbishop. Napabuntong-hininga muli siya, mas malalim. Napatingin siya sa kanyangjigsaw puzzle na nagkalas-kalas at nanghinayang sa oras na ginugol niya sapagbuo noon. Tumingin siya kay Bishop Israel at nangamba sa kanyang magigingdesisyon.

NEXT CHAPTER: "Translation"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon