Chapter 4: Stop Over

15.8K 651 60
                                    

Tumatakbo ang Hi-Ace sa provincial highway, pabalik na ngayon tungo ng Maynila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumatakbo ang Hi-Ace sa provincial highway, pabalik na ngayon tungo ng Maynila. Mataas ang sinag ng araw kung kaya't suot ni Hannah ang kanyang Ray-ban at nakababa rin ang visor ng van. Hindi papatalo, naka-shades din si Jules, samantalang si Father Markus ay nakaupo sa likuran, naka-civilian clothes na siya: black polo shirt at gray na slacks. Tahimik siyang nakamasid lang sa bintana, sa view ng bukirin, puno at bundok. Umaga sila noong dumating sa simbahan, nananghalian muna at pasado ala-una nang sila'y lumarga.

"Okay ka lang, Father? Tahimik natin a," sinisilip ni Hannah ang pari sa rear view mirror.

"Okay lang," malayo ang tingin ng pari sa parang. Malalim ang iniisip.

Nilingon ni Jules ang pari sa likod.

"Relax, father, kaya natin ito. Kalimutan mo na'ng nangyari last time."

Tumango si Father Markus, "Yes, Jules. 'Wag kang mag-alala sa akin."

"Anyway," sabi ni Jules, hawak niya ang kanyang laptop. "Background lang ng family in question."

Binasa ni Jules ang nakasaad sa laptop.

"Trajico Family. Pangalan ng tatay ay Kanor, 52 years old, nanay ay si Ester, 48. Panganay na lalaki, Wendell, 16 years old, at si Roberta, o Berta. 6-years old na babae. Ang batang sinaniban."

Tahimik na nakikinig sina Father Markus at Hannah.

"Nakatira sila sa Barangay Bunlak, Daigdigan, Quezon Province. Tubong Quezon si Ester, si Kanor naman ay galing Mindoro. Magsasaka ang trabaho ng tatay, nagaalaga rin sila ng baboy, manok, kalabaw, kambing at pato."

Natawa si Hannah habang nag-d-drive, "Quack-quack. Parang zoo lang?"

Napa-roll ng eyes si Jules.

"Medical records ni Berta?" tanong ni Father Markus.

"So far, ang nakuha ko lang na impormasyon ay 'yung binakunahan siya, although may report na tinigdas ang bata at nakitaan ng mga unusual na mga pasa. Ang kaso kasi, more on sa albularyo dinadala si Berta kesa sa clinic o ospital."

"At bakit daw?"

"Well, una, malayo ang clinic sa kanila, nasa bayan pa," explain ni Jules. "At may nangyaring insidente..."

"Anong insidente?" tanong ni Hannah.

"Nung nakitaan nila ang bata ng mga pasa ay ni-report ng duktor sa pulis. Kaya inimbestigahan ng mga pulis si Kanor for possible child abuse. So, simula noon natakot na sila na dalhin sa duktor sa bayan ang bata."

"Syempre naman, baka makulong siya," comment ni Hannah.

"Well, duh!" sagot ni Jules.

"Rehilyoso ba sila?" tanong ni Father Markus.

"Well, so-so. Okay lang."

"History ng mental illness?" follow-up ng pari.

"Well, yes, in a way," sagot ni Jules. "I mean, hindi hereditary. Nasa mental hospital ngayon 'yung nanay nung bata."

"O, eh 'di may sira nga!" sabi ni Hannah.

"Well, apparently, nasiraan lang ng bait a couple of years after isilang si Berta."

Natahimik sila, iniisip na posibleng ang possession ang dahilan noon. Binuksan ni Hannah ang bintana at dinakma ang kaha ng Marlboro Reds sa dashboard, at bago kumuha ng stick ay inalok muna si Father Markus.

"Father?"

"Sige, mamaya na lang," tanggi ng pari.

Nagsindi ng yosi si Hannah. Nagbukas naman ng bintana sa kanyang side si Jules. Pagpasok ng masarap na ihip ng hanging probinsya ay naginahawaan siya't dinama iyon sa kanyang mukha. Ganoon din si Father Markus, napasandal sa upuan nang abutin siya ng hangin sa likuran. Maging si Hannah, napangiti sa masarap na hangin. Alam ng tatlo na kailangan nilang damahin ang ginhawang ito pagka't hindi magtatagal ay mag-iiba ang ihip ng hangin kapag hinarap na nila ang malaking pagsubok.

Dinaanan ng Hi-Ace ang road sign na nagsasabing "You are now leaving the Province of Pampanga."

#

Pababa na ang araw at nagsisimula nang dumilim. Ang kalangitan ay ngayo'y kulay grayish-blue na.

Naka-park ang Hi-Ace sa gas station ng North Luzon Expressway. Maraming mga sasakyan ang nag-stop over para gumamit ng CR, bumili sa convenience store o kumain sa mga fastfood restaurants na nakahilera roon. Karamihan ay mga bakasyunista na galing sa iba't-ibang destinations sa Norte, halata mo dahil sa mga suot nila—naka-pang-beach, sando, board shorts, sandals. At halata mo dahil sa kanilang mga tan lines. Ang iba nama'y mga naka-sweater o jacket, at beanies, na feel pa nilang suotin dahil "feel" pa nila ang lamig ng pinanggalingan.

Sa isang coffee table sa labas, nakaupo sina Father Markus at Hannah, kapuwa nagyoyosi at nagkakape. Umalis si Jules at pagbalik niya'y may dala na siyang box ng donuts at siya'y naupo.

"Donuts?" alok niya.

Binuksan niya ang kahon at nagkuhanan sila ng donut.

"Hmm," sarap na pagkagat ni Hannah. "Thanks, Jules."

"Anong thank you, hati-hati tayo sa bayad."

Pakagat na sana si Father Markus, pero, binalik niya sa kahon ang donut. Pinigilan naman siya ni Jules.

"Joke lang, father. Treat ko 'yan!"

Natawa si Hannah, at biglang natigilan nang may maalala.

"Wait, pa'no nga pala fee natin dito? I mean, may pera ba sila?"

"Well..." sagot ni Jules, at naghang ang word na iyon sa ere.

"Well?" nagaantay si Hannah. "'Wag mong sabihing kalabaw ang ibabayad nila?"

Ilang na tumango si Jules, "Mahal naman ang kalabaw 'di ba?"

"What?!" inis na bulalas ni Hannah. "Fuck naman, Jules! Pano natin isasakay ang kalabaw na 'yan sa van ko! Inabonohan ko na ngang gas niyan e! Ba't kasi tumatanggap ka ng trabaho na ganyan? Wala bang mayayaman na mga sinasaniban?"

Malakas boses ni Hannah, kaya't napatingin ang ibang customers sa kabilang mesa.

"Donut pa?" nahihiyang alok ni Jules.

Umiling na lang si Hannah at nagsindi ng panibagong yosi. May suggestion si Father Markus.

"Tutal dadaan naman tayo ng Manila. Bisitahin natin si Bishop Israel, baka makahingi tayo ng pondo," aniya.

"Good idea!" ngiti ni Jules.

"Yes, buti pa si Father may kunsyensya," parinig ni Hannah.

Tinignan ni Jules ang relo niya.

"Okay, so, tara na."

Nagtayuan sila at naglakad pabalik ng van. Ini-start ni Hannah ang makina at binuksan ang headlights. Inabutan na sila ng dilim.

NEXT CHAPTER: "Seek Ye First"

Ang Batang Ipinanganak sa Haunted HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon