"Okay, so one, isa siyang seraphim," sabi ni Jules habang hawak ang kanyang notepad. "Two, hindi siya si Lucifer, sana naman, 'di ba?"
"Hindi rin siya si Beelzebub," sabi ni Hannah.
"Sa awa ng Diyos, hindi rin siya si Asmodeus," dagdag ni Jules, sabay ng pag-cross out niya ng mga pangalan na nabanggit sa listahan niya. "That leaves us, according sa list ni Michaelis, anim pa na Seraphims. Well, kahit sino pa sa mga Seraphims, basically, game over na ito!"
Dismayadong hinagis ni Jules ang notepad niya sa mesa. Pinansin ni Hannah ang notepad.
"Ba't ka pa nagte-take notes, Jules? Ano 'yan pakitang-tao?"
"Ba't ba?" simangot ni Jules.
Napangiti si Father Markus.
"Micha...elis? Sino?" sabi ni Hepe, na kasama nila sa mesa.
Nasa isang maliit sila na restaurant sa bayan na nagse-serve ng lutong-bahay na pagkain. May anim na tables na kalahating okupado. Maga-alas-sais na nang umalis sila sa bahay ni Kanor, dumaan muna ang tatlo sa motel bago naglakad tungo sa restaurant para maghapunan at doon i-meet si Hepe.
"Si Sebastien Michaelis ay isang 16th Century inquisitor at exorcist sa France," kuwento ni Jules. "May sinulat siyang libro, Histoire Admirable de la Possession et Conversion D'une Penitente kung saan clinassify niya ang uri ng mga dimonyo. According kay Michaelis, nakuha niya ang impormasyon sa isang dimonyo na ang pangalan ay Berith."
"Sa madaling salita, dimonyo ang nagsabi sa kanya ng klasipikasyon?" nagkakamot ng ulong tanong ni Hepe. Bagama't may pinag-aralan siya, itong business ng dimonyo at exorcism ay labas sa kaalaman niya.
"Yes, exactly," sagot ni Jules.
"Third-class community, tapos first hierarchy na demon," umiiling na sabi ni Hannah, at bumaling kay Jules, "At ano'ng bayad nila? Kalabaw? Langya ka talaga, Jules. Mga kinukuha mong kliyente."
"Eh, sorry na," nahihiyang sabi ni Jules.
Tahimik lang si Father Markus. Dumating ang waitress at nilapag ang mga inorder nila. Adobong manok, ginatang langka, liempo, inihaw na pusit, apat na rice, at apat na sofdrinks.
"Miss, pahinging sili, toyo't kalamansi," hiling ni Hannah.
"Saka tissue!" dagdag ni Jules.
Tumango ang waitress at umalis. Nagsimula silang kumain.
"Sooooo, ano'ng decision natin?" tanong ni Hannah, habang tuminidor ng pusit.
"Seraphim ito, mga chong. Pack up na," sagot ni Jules sabay ng pagsubo.
"Agree," sabi ni Hannah.
Expected ng dalawa na sang-ayon si Father Markus, nguni't hindi sumasagot ang pari.
"Father?" tingin ni Jules.
Delayed ang reaction. Alam na nila kung bakit.
"At least imbestigahan pa natin," sabi ng pari, at sina Jules at Hannah ay may violent reaction agad. "'Di pa natin sure kung Serpahim nga. Malay natin baka isang minor demon lang ito at..."
"Father," singit ni Jules. "Baka kasi tulad ito nung last time."
"Last time?" tanong ni Hepe kasabay ng paginom ng softdrinks.
"Kala namin minor demon, eh, first hierarchy pala! Isang Cherubim! " sagot ni Hannah. "Pa'no kung first hierarchy din ito? Wala tayong laban dito!"
Bumalik ang waitress para ipatong ang platito na may sili at kalamansi, bote ng toyo at dispenser ng tissue. Natigilan sila saglit sa pag-uusap.
Bumalik sa ala-ala ni Father Markus ang last nilang mission. Isang madre na nagngangalang Sister Juanita sa isang kumbento sa Tarlac. Hindi naging successful ang kanilang exorcism na tumagal ng halos dalawang linggo at sa dahilang masyadong malakas ang dimonyo na sumanib kay Sister Juanita. Isang first hierarchy demon. Natapos lang ang lahat nang isakrispisyo ng kaawa-awang madre ang buhay niya at magpatiwakal sa pamamagitan ng paglaslas ng kanyang mga pulso.
"Yes, definitely, pack up," sabi ni Jules at sumubo ng kanin.
"Teka lang," pagtaas ng boses ni Hepe. "Inumpisahan n'yo, tapusin nyo. Ano, basta n'yo na lang iiwan?"
Nagkatinginan sina Hannah at Jules. Medyo nasindak.
"Well, okay, konting imbestigasyon pa siguro," pag-concede ni Jules.
"Mabuti pa maghati tayo para mas effective," suggest ni Hannah. "Father, ikaw na muna kay Berta, kami ni Jules pupunta sa bahay na bato."
Nag-agree si Jules, "Yes, good plan. Pero, kailangan ni father ng helper."
"Baka pwedeng mag-assist ang lokal na parokya," hiling ni Father kay Hepe.
"Papakilala kita kay Father Dacayman, siya'ng parish priest ng Daigdigan."
Pero, may hindi pa na-gets si Hepe.
"Teka lang," sabi niya kay Hannah. "'Yun bang bahay na bato na tinutukoy n'yo, eh 'yung Anlunan Residence?"
"Mismo," sagot ni Hannah habang ngumunguya. "May kinalaman ang bahay na 'yon kasi sa possession na ito. Kailangan namin ni Jules na magpagabi doon para magimbestiga."
"Kailangan nating humingi ng permiso kay Mayor para d'yan," pagsandal ni Hepe sa upuan.
"Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ni Jules. "Kala ko ba wala nang nakatira dun?"
"Yung bagong mayor kasi..." sabi ni Hepe. "In-acquire niya ang bahay na bato sa mga Anlunan at ginawa n'yang isang tourist attraction, kaya nabakuran na 'yon."
"Tourist attraction? Naloloko na ba siya?" react ni Hannah.
"Iba trip nitong si Mayor. Magkakasundo kayo," sabi ni Hepe. "Kaya ko namang kausapin si Mayor, pero, sa ayaw n'yo o sa hindi, malalaman niya ang lahat. Sa kung bakit kayo naririto."
Medyo malakas ang boses ni Hepe kaya't may ilang kumakain ang napatingin. Namalayan nila ito kaya't nag-ingat silang hindi madinig.
"Well, okay, kung wala talagang choice," mahinang sabi ni Jules.
"Magdadagdag din ako ng extrang tao," sabi ni Hepe.
"Good," tango ni Father Markus.
"Maghanda kayo ng tig-P100 bukas," sabi ni Hepe kina Jules at Hannah.
"Para saan?" taas-kilay ni Hannah.
"Entrance fee."
NEXT CHAPTER: "Parokyang Lokal"
BINABASA MO ANG
Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House
HorrorIsang notorious na haunted house. Isang kaso ng demonic possession. Ang grupo ng paranormal experts na sina Father Markus na exorcist, Hannah na psychic at Jules na parapsychologist ay naglakbay tungo sa isang maliit na bayan sa Quezon Province up...