Chapter 6

774 27 1
                                    

Kinakabahan ako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"So.. Ahm.. Saan mo gustong pumunta ngayon?"simula nya.

"Do you want to watch a movie or go to an amusement park?"dagdag nya dahil tahimik lang ako.

"A-ano.. Dito na muna tayo.. K-kung okay lang sayo."

"Okay.."yun lang ang sagot nya tapos patuloy sya sa pagkain ng ice cream habang nag siswing.

How can this man beside me makes my heart beat so fast even though he's just there beside me doing nothing at all!

Tumingin na lamang ako sa mga batang naglalaro to divert my attention.

Tahimik lang kaming dalawa. Should I say something?

"We can finally have that dinner tonight, right?"Nathan.

"A-ahmm.. He he he.."

"Hahahaha! Parang nagdadalawang isip ka sa tawa mo pa lang!"

"H-hindi! Ahm.."

"So we can have that dinner?"

Dinner lang naman Jacky! Ano ka ba? Sabi ng inner thoughts ko.

"O-okay."

Nauutal ka pa!

"That's great!"Masaya nyang sabi.

Biglang nag ring ang phone nya at agad nya naman itong sinagot.

"Yow.....Oo, nagpaiwan ako..... Si Jacky.... What?! Bakit? Sina Bianca pala?... Okay, okay...."

Tumayo si Nathan matapos nyang kainin ang ice cream nya at inilahad ang kamay nya sa harap ko.

Hinawakan ko naman ang kamay nya at pinatayo ako, pero hindi nya na ito binitawan! (つ///д///⊂)

"Looks like that dinner will have to wait. Okay lang ba sayong samahan muna akong magbabysit?"Nathan

"B-babysit?"

"Yes... Sasama kasi sina Ren at Alex kina Angelo. Walang ibang makakapunta sa family day."

"Family day? Kaninong anak?"

"Oo.. Anak nina Ren at Alex. Hindi mo ba alam na mag-asawa ang dalawang yun?"

"Hindi.."

"Okay lang kung ayaw mo. Ihahatid na lang kita sa inyo."sabi nya while smiling.

"N-no.. I-it's fine.. I'll go with you."

"Talaga?! That's great!"

Naglakad na kaming dalawa pero hawak nya parin ang kamay ko..

"Nathan.."

"Hmmm?"

"Y-yung kamay ko."

Napatigil sya sa paglalakad at napatingin sa mga kamay namin. Agad nya naman itong binitawan and he started to blush.

"S-sorry.."sabi nya tapos nauna na syang maglakad.

Hindi ako nakasunod agad. Why is he so cute? Ang cute cute nya!

Napalingon sya sa akin dahil napansin nyang hindi ako nakasunod sa kanya.

I smiled at him at agad naman syang umiwas ng tingin. I followed him hanggang sa marating namin ang sasakyan nya.

.

.

.

Narating namin ang room nila sa hotel at busy sina Ren at Alex sa pag-aayos.

Black Wings: Raven Heart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon