↭Nathan↭
Nag-uusap sila sa kung anong dapat nilang gawin sa dumadaming dark shadows.
Well, sina Angelo, Ramon at Luna.
Ako nandito lang sa likuran nila nakatayo. Parang teacher na nag oobserve sa discussions nila. Si Jace Naman nasa may glass window, nakatanaw sa labas. Parang ang lalim ata ng iniisip nito.
And so I decided to approach him.
"Ja-"
Naputol ang sasabihin ko dahil bigla na lamang tumakbo si Jace papuntang silid ni Jackilyn.
Napatingin sa akin sina Angelo, "anong nangyare dun?"
Hindi ko na sya sinagot, sinundan ko na lang agad si Jace.
I found him there shocked as he's looking at the empty bed where Jackilyn previously was.
Agad syang tumakbo sa may bintana at tatalon na sana pero pinigilan ko sya.
"Bitawan mo ako! Kailangan ko silang mahabol!"sabi nya at tinulak nya ako.
Sa lakas ng pagkatulak nya, I was thrown far away. Buti nalang nakapasok agad sina Angelo, Ramon, at Luna dahil nasalu nila ako.
Tumalon na si Jace sa bintana and immediately spread his wings.
So yun ba ang ibig nilang lakas nya? Kung ganun, wala naman talagang dapat na ipag-alala si Jacky. Ang cute talaga ng batang yun.
Itong utak ko talaga, nag-aalala na kaming lahat, hindi ko alam kung anong iniisip ng mga 'to pero itong isip ko ang lakas ni Jace at ang pagiging cute ni Jackilyn.
"Anong nangyare?! Nasan si Jacky?!"Angelo
"Wag ako ang tanungin mo! Hindi ko alam!"
Agad kaming lumapit sa bintana at tumalon before spreading our wings.
Why did I stop him? Baka kasi hindi nya makayanan ang kumuha may Jacky, dahil alam kong Hindi lang naman talaga mag-isa yung kumuha kay Jacky, gaya nung kinuha ako ni Colein dati.
"****! Nasan na sila?"Angelo
"Mabilis lumipad si Jace. Hindi talaga natin mahahabol yun!"Luna
Ilang minuto pa ang lumipas bago namin sya naabutan. Pero nasa lupa na sya, not moving at all.
Agad na bumaba si Angelo at tinanong si Jace.
"Nasan si Jacky?"Angelo
"Bigla na lang silang nawala."sagot naman ni Jace na mukhang hindi parin makapaniwala sa nangyare.
"Bumalik na muna tayo sa palasyo at ibalita ito sa mga magulang ko."Angelo
Naunang umalis sina Angelo, Ramon at Luna. Ako naman, nagpa-iwan muna, kasi si Jace nandito pa. Alangan namang iwan ko sya dito.
Parang nag-iisip sya kung anong dapat nyang gawin.
Uuwi muna kaya ako sa amin? Sasabihin ko na sa kanya ang totoo.. I need their help.
Bigla na lang lumipad si Jace without saying anything.
"Hui Jace! Saan ka pupunta?"sigaw ko.
Mabilis nga syang lumipad.
Tignan mo nga naman, hinintay ko sya pero sya din 'tong mang-iiwan.
Nag-aalala ako para kay Jackilyn, pero hindi kagaya ng pag-aalala nila. Alam ko naman kasing malakas yung batang yun.
↭Jace↭
Hahanapin ko sya.
Hahanapin ko sila.
BINABASA MO ANG
Black Wings: Raven Heart (Book 3)
FantasiaSi Jackilyn Raleigh ay isang taong mahiyain, tahimik at mahilig mapag-isang babae. May mga kaibigan din naman sya, pero most of her free time ay nilalaan nya sa pagbabasa. But, that's not the case before she went into a coma. Everything changed...