Naglalakad kami ngayon sa isang madilim na lugar nang may marinig kaming putukan. Agad nagtago si Margaret sa likod ni Angelo. At kasama namin ngayon sina tito Note at Nathan.
Nakalabas ang mga pakpak namin ngayon, at hindi kami nakikita ng mga tao.
Few days ago, lumipat na sina tito Note sa sinasabing kahari-an ni lolo. And now, it finally won't be hard for us to place a bad spirit where it should belong.
Hindi ko na tinatawag na kuya si Angelo dahil sa nangyare kanina.
Few hours ago....
"Angelo, samahan mo naman akong mamasyal mamaya."pangungulit ni Margaret.
Kanina pa sya ganyan, dikit ng dikit kay kuya.
"Please Angelo! Sige na! Angelo naman eh!"Margaret
"Angelo naman eh."ginaya ko sya sa mahinang boses pero narinig ako ni Nathan at tumawa ito ng malakas.
"Nakakatawa ka talaga Jacky!"Nathan
"Anong nakakatawa doon?"
"Jacky! Bilisan mo nga, kanina pa ako naghihintay sayo ah!"biglang galit na sabi ni kuya.
Kanina pa raw naghihintay, kadarating nga lang namin dito sa hotel eh. Kakababa ko lang ng mga bitbit kong gamit.
Yung tinitirhan nila before, dito ulit kami titira sandali.
"Hui Angelo, don't boss me around! Naglalandian nga lang kayo dyan eh! Kung tumulong lang sana kayo, edi sana kanina pa tayo tapos!"
"Ano ba Jackilyn! Wag mong ganyanin si Angelo!"Margaret
"Tumahimik ka nga Margaret. Nakakarindi yung boses mo!"
Magsasalita pa sana si Margaret pero hindi nya ito natuloy nang makapasok na si Tito Note dito sa loob.
"What's wrong?"Tito Note
"Wala po dad."
Present time...
Habang tumatagal mas nagiging irritable ako.
Nagiging mas distant din ako. At mas lumaki yung marka sa dibdib ko.
Nang marating namin ang lugar kung saan may putukan, maramin ng mga pulis doon, may 911, at nagkukumpulan yung mga tao.
Dalawang patay at tatlong sugatan. Dalawa sa mga sugatan ay mga police. Bigla na lang daw dumaan yung isang lalake at pinagbababaril sila. Natamaan silang dalawa pero agad napatay yung isa at sya naman ay nakatago pa.
Buti na lang nagrorounds yung mga police, pero napatay nila yung lalakeng bumabaril dahil lumaban ito.
Malayo ang dalawang katawan at isa't-isa.
Lumpid kami para tignan yung mga spirito.
Yung isang spirito ay iba yung itsura. It looked terrified, and his face looks like it's from a horror movie. Lalo na nung makita nya kami. The other one looks calm but sad.
Lumapit si tito Note sa lalaking iba yung itsura at mukhang gusto nitong tumakbo. The door for the underworld suddenly appeared. Pinutol nya yung chain ng spirito at agad itinulak sa loob ng pinto ng underworld.
Lumapit naman si Angelo sa isang spirito at kina-usap ito. Pinutol nya yung chain at lumipad silang dalawa patungo sa pinto sa taas, and I followed them.
"What's beyond that door?"tanong nung spirit.
"A happy peaceful place."sagot naman ni Angelo.
Pumasok na sya sa pinto and Angelo and I went back to the ground.
"Let's go to the next place."sabi ni tito Note.
"Where?"Nathan
"At the hospital."Angelo
We flew and entered the hospital. There was a dying woman, and tito Note's the one who's gonna get that soul.
When the old lady died, her soul screamed, screamed so loud that my ears hurt. Then tito grabbed her arm, the door for the underworld appeared and he dragged the soul there and the door closed.
Nang makabalik kami sa hotel, dikit ng dikit si Margaret kay Angelo at nag-uusap naman kami ni Nathan, si tito Note naman ay bumalik sa kaharian nya.
"Wanna go back to school tomorrow? I mean mamaya, since it's dawn already."sabi ni Nathan na naka upo sa kabilang side ng sofa.
Naka-upo ako sa kabilang side.
"Pwede, wala din naman tayong gagawin mamaya."
"We should rest now then."Nathan
"Ahm.. yeah.. mauna ka na, I need to go out for a while."
"Where? Samahan na kita."Nathan
"Ahm, I want to be alone. I need to think. I need my 'me time'."
"Okay then."Nathan
Tumayo na ako at lumapit sa bintana kung saan nakatayo sina Angelo at Margaret.
I opened the window and was about to jump out nang pinigilan ako ni Angelo. Nakahawak sya ngayon sa wrist ko.
"Where do you think you're going?"tanong nya with a hard tone.
"None of your business. Let me go."at binawi ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya.
I jumped out of the window before spreading my wings and I flew away. I'm in pain right now that I need to go out and divert my attention from something else other than the people there and this pain I'm feeling.
BINABASA MO ANG
Black Wings: Raven Heart (Book 3)
FantasíaSi Jackilyn Raleigh ay isang taong mahiyain, tahimik at mahilig mapag-isang babae. May mga kaibigan din naman sya, pero most of her free time ay nilalaan nya sa pagbabasa. But, that's not the case before she went into a coma. Everything changed...