Chapter 15

509 17 0
                                    

May PE kami ngayon and nasa cubicle ako nag bibihis.

At himala, walang gumugulo sa akin ngayon.

Tinali ko yung buhok ko bago ako lumabas ng locker room.

As usual, hinintay ako ni Angelo sa labas ng locker room.

Di ko alam kung bakit parang binabantayan nila ako ni Nathan. Sinasamahan nila ako kahit saan ako magpunta.

Basketball yung sa mga babae at Volleyball naman sa mga lalake.

"Jacky! See you later!"sigaw ni Angelo bago pa sya pumunta sa kabilang dulo ng gym.

Sobrang laki kasi ng gym na ito.

Pinagtitinginan tuloy ako ng mga kaklase ko dito at yung mga tumatambay lang dito sa gym.

"Team up girls! Group your selves with five members with each group!"sabi ng PE teacher namin.

Dali-dali namang nag group yung mga classmates ko. Naiwan akong mag-isa.

"Oh miss Raleigh! Find your group. Teka, sino ba ang may kulang sa group?"sabi nya ulit.

Napatingin naman kami sa isang grupo na may pinag-aagawan na isang babae, yung pinakapayat sa class namin, as in sobrang payat nya. Kumakain pa kaya sya?

"Miss Raleigh, doon ka sa kina miss Connor."

"Yes!"sabi ng mga kaklase kong yung payat naming classmate ang makakasama.

Lumapit ako sa group ko and they're glaring at me.

"Let's make this a competition. 1st place will get a grade of 96-100, 2nd will get 91-95, 3rd will get 86-90 and 4th will get 81-85. 10mins per game.. Yung mananalo sa 1st game nila will be competing for the 1st and 2nd place, at yung matatalo naman ay magcocompete for the 3rd and 4th place."

Sporty ako dati.. Kaya kong laruin ang kahit anong sports. Kaya ko pa kaya ngayon?

"Lagot ka sa amin if you'll play lousy."sabi ng isang kagroup ko.

Nakatingin sa akin ang mga FTs..

Takbo dito, takbo doon. Walang nakaka-agaw ng bola from me.

Ipinasa ko yung bola sa teammate ko, pero naagaw ito sa kanya. Agad kong hinabol at blinock yung may hawak ng bola. Ipinasa nya ito sa teammate nya pero naagaw ito ng teammate ko.

Ipinasa nya ito sa akin at nagshoot ako and scored 3pts.

Matapos yung 3pts ko, nagbago bigla ang pakikitungo nila sa akin.

They patted my back like they're telling me 'good job'.

Nanalo kami sa 1st game.

And nanalo din ang FTs, ibig sabihin nun, sila ang makakalaban namin to determine kung sino ang 1st place and 2nd place.

Maagang natapos sina Angelo, kaya naman naging audience namin sila.

Unang naglaro yung mga natalo sa game kaya naman nagkaroon kami ng time para makarest bago ang last game namin.

"Sinong nanalo sa inyo?"tanong ko kay Angelo.

"Kami of course! Kasama kaya nila ako! The star player."pagmamayabang ni Angelo sa akin.

"Weh.. Talaga lang ha."

"Oo nga! Ayaw pa maniwala!"Angelo

After ng game nung mga natalo sa 1st game, kami na ang sumunod.

Yung team namin ang unang nagka score.

"Wohooo! Go Jacky!"sigaw ni Angelo.

Waah! Angelo naman, nakakahiya..

Black Wings: Raven Heart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon