↭Jackilyn↭
Dumating sina mom and dad, and they look so worried.
Kasama din nila sina Kuya, Margaret, and Nathan. Si tito Note ay busy sa trabaho nya bilang death angel.
Silang tatlo talaga ang parating magkasama. Pakiramdam ko ngayon, hindi talaga ako kasama sa friendship nilang tatlo, I can't enter their circle.
Sina tito Ren at tita Alex ay wala ngayon kasi inaalam nila kunf paano 'to tanggalin sa katawan ko. Si Penelope naman ay iniwan nina tita at tito sa aming dalawa ni Jace.
I was so focused on thinking that I was surprised when Jace nudged me tapos napatingin ako sa kanya.
"Ano?"I whispered.
"They're asking you something."sabi nya naman.
"Sorry, Ano nga po ulit yun?"
"Why didn't you tell us about this?"daddy
"Eh kasi dad, marami na kayong iniisip ni mommy. Ayokong mag-alala ulit kayo sa akin. May nangyare na sa akin dati, tapos ngayon ito naman."
"Jacky, you're our daughter. It's our job to take care of you, to worry about you."mommy
"Where did you get that map anyway?"Nathan
Napatingin naman kaming dalawa ni Jace kay kuya. Sinundan naman nina mom and dad, at ni Nathan ang tingin namin.
"Angelo? Sayo galing yung mapa?"Nathan
"I don't know what you're talking about, Why would I do that?"Takang sabi naman ni Kuya.
Ano bang sinasabi nya? Ba't sya nagkukunwaring hindi nya alam?
"Tell them the truth kuya."
"I'm telling the truth!"kuya
I looked both my parents, Margaret and Nathan. Parang hindi nila alam kung sino ang paniniwalaan nila.
Napatayo ako and looked at him, "I can't believe this."
Then I walked out. Alam kong nakasunod sa akin si Jace. Nakarating kami sa attic, may sofa dito at agad akong umupo.
Hindi nya talaga ako iniiwan eh, everywhere I go, nandoon din sya, except in my room and sa cr.
"Narinig mo sabi nya? The nerve!"
"Relax ka lang. Hindi naman natin alam kung ba't nya yun sinabi. You should confront him na kayong dalawa lang."sabi naman ni Jace sa akin, trying to calm me down.
"Jacky, Jace."it was Nathan.
"Ba't ka nandito? Pareho lang kayo ng mga kaibigan mo eh."
"Jackilyn, what are you saying? Hindi naman kasi namin alam kung ano talaga ang totoo. I can't make a conclusion when I don't know what really happened. What you said might be true, but what he also said might be true too."Nathan
"Ano? bigla na lang syang nagka amnesia? Ganun?"
"Hindi, that's not what I'm saying. Maraming nangyayare ngayon, hindi natin alam kung bakit nangyayare ang mga bagay-bagay."Nathan
"Nathan is right Jacky."Jace
Napapikit ako, "I need to think...... and sleep.."sabi ko at tumayo na ako.
Sabay kaming bumaba from the attic
"Pupuntahan ko lang si Sky at Angel, may pag-uusapan lang kami."sabi ni Nathan at umalis na sya.
Hinatid na ako ni Jace sa silid ko
"Sleep well Jacky."sabi nya sa akin pagkapasok ko sa silid ko.
BINABASA MO ANG
Black Wings: Raven Heart (Book 3)
FantasíaSi Jackilyn Raleigh ay isang taong mahiyain, tahimik at mahilig mapag-isang babae. May mga kaibigan din naman sya, pero most of her free time ay nilalaan nya sa pagbabasa. But, that's not the case before she went into a coma. Everything changed...