Masakit mang gawin, pero kailangan kong magpakalayo-layo muna.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng bahay.
Madaling araw na kaya tahimik na ang subdivision namin.
Pagdating ko sa may gate, may dalawamg gwardya na nagbabantay dito ngayon.
"Ma'am, ang aga-aga nyo yatang aalis ngayon?."guard1
"Ah oo.. May pupuntahan kasi ako. Maagang flight yung kinuha ko kaya kailangan ko nang pumunta sa airport ngayon."
Sana hindi nila mahalata na hindi totoo yung dahilang sinabi ko.
"Aah ganun pa ba. Sige po. Magpapatawag po ba kayo ng taxi?"guard2
"Wag na po. May susundo sa akin ngayon."
Without thinking, tinext ko si Angelo kanina. Nagpasundo ako sa kanya. He didn't asked me why, pumayag na kaagad sya.
After few minutes, dumating na si Angelo. Tinulungan nya akong ilagay sa sasakyan ang mga gamit ko.
Dinala nya ako sa tinutuluyan nila.
They all welcomed me, niyakap din ako ni Penelope. They didn't asked me kung bakit nandito ako o kung bakit ang dami kong dalang gamit na parang lumayas ako, lumayas naman talaga ako.
Binigay nila sa akin ang isang empty room.
Napansin ko lang, hindi pala dito nakatira si Nathan..
Natigilan ako sa naisip ko, why am I looking for Nathan here?
Papasok na muna ako sa ngayon, hindi nila mahahalata na lumayas ako, iisipin lang nilang maaga akong pumasok sa school.
Sabay-sabay kaming pumunta ng school. Inihatid na muna namin si Penelope.
Nakalimutan ko ang salamin ko sa bahay, hindi ko din nadala yung contact lenses ko. Hays...
Paano na 'to?
Pagkababa namin ng sasakyan ni Angelo, sinalubong kami ni Nathan. Hindi sya nagtanong kung bakit ko sila kasabay sa pagpasok sa school.
Sinuot ko agad yung dala kong sumbrero para naman matakpan yung kulay ng mga mata ko.
Nagtatawanan sila habang naglalakad kami sa corridor.
Nakaabot na kami sa sari-sariling classrooms namin.
One thing i hate about not wearing my glasses or contact lenses, is that I can see a lot of things that normal people can't.
Nung nasa pool kami, I tried my best not to look at those ghost floating everywhere.
There are even pixies or fairies or whatever you call them, I can see spirits following people. It all started after I woke up from that comatose.
"Jacky, okay ka lang?"tanong ni Angelo sa akin nung maka-upo na kami.
"O-oo naman."
Napatingin ako sa tabi nya, at may nakatayo duong isang lalakeng multo.
Napalunok naman ako and diverted my eyes from other direction.
Nilingon ni Angelo ang side nya, kung saan ko nakita yung multo. To me, it looks like may nakikita sya.
"May dumi ba sa damit ko? O buhok ko?"Angelo
"Wala. Hehehe. Nakalimutan ko salamin ko, mahihirapan akong tumingin sa powerpoint nito."
"Don't worry, ako bahala sa notes mo."
"Thank you."
Tumingin na ako sa harapan at napansin kong nakatingin sa akin ang FT's, and if looks could kill, patay na siguro ako ngayon. They're glaring at me like they're throwing daggers.
BINABASA MO ANG
Black Wings: Raven Heart (Book 3)
FantasySi Jackilyn Raleigh ay isang taong mahiyain, tahimik at mahilig mapag-isang babae. May mga kaibigan din naman sya, pero most of her free time ay nilalaan nya sa pagbabasa. But, that's not the case before she went into a coma. Everything changed...