Chapter 54

288 12 2
                                    

↭Nathan↭

"Wag mo kasi pilitin! Araaay! Tama na! Dahan-dahan naman!"sabi ni Jackilyn with her male voice.

"Wag ka kasing galaw ng galaw. I'll be gentle okay?"sabi naman ni Nathan with his female voice.

Napaka misleading kung alam mo kung sino talaga sila at kung hindi mo sila kasama ngayon.

"Ba't kasi di mo sinabing malolock 'tong singsing na 'to?"Jackilyn

"Hindi ko naman kasi alam. Malay ko ba na ganito yung singsing na binigay sa akin ng ina ko."Jace

"Congrats you guys! Now you're really like engaged. Pero parang baliktad, ang weird nyo tignan dahil si Jackilyn yung lalake ngayon. Hahahaha!"

Napatingin sa akin si Jackilyn and glared at me.

"Sweety pie, ang sweet nila noh?"sabi ko kay Elysian, and now she's the one who's glaring at me..

But that blush of hers can't escape my sight.. Ang cute talaga!

Nasa palasyo na kami nina Note ngayon
Wala na naman sya dito, nasaan na naman kaya yun?

Hinihintay namin sina Angelo at Margaret dito sa parlour ng palasyo.

We already told Sky and Angel tungkol sa pagputok nung bumalot kina Jackilyn at Jace. At ngayon, sasabihin na namin ito kina Angelo at Margaret.

It pains me seeing them like that. Biglang nahimatay si Angel nung marinig nya yun, at si Sky naman ay hindi mapigilang umiyak.

Alam kong nasasaktan si Jackilyn na makita ang mga magulang nya na nasasaktan, but as what she said, she have to do this.

Pumasok ang head maid nila dito at nagbow, "Prince Nathan, Prince Skylar and Princess Margaret will be waiting for you at the right wing."

"Tsk, si Margaret na naman may pakana nito. Ang hilig talaga magpalipat-lipat ng lugar."

Tumayo na kami at pumunta sa right wing.

"Hahaha! Mukhang ginagantihan yata ako ni Marga ngayon ah. Alam nya namang ayokong sumunod sa mga gusto nya."

Buti pa si Jace, ang saya nya ngayon. Magkahawak kamay kasi silang dalawa ni Jackilyn.

"Don't let go. Baka mawala ka."sabi ni Jackilyn.

Si Elysian naman, parang wala lang. Gusto ko ring hawakan ang mga kamay nya.

"Angelo, Margaret. Good evening."bati ko sa kanila habang nakangiti. Alam ko namang ayaw ni Margaret ang pagpunta namin dito, halata sa mukha nya, ahit na nakangiti sya. I know her too well.

Just like what I did before, pinakilala ko sila sa isa't-isa. And just like Angel's and Sky's reaction, ganun din ang naging reaction ni Angelo. Pero si Margaret, parang binuhusan ng malamig na tubig nang makita nya sina Jackilyn at Jace. Pero nahimasmasan sya nung nagsalita na ang dalawa.

Sinabi ko na sa kanila kung ano ang sinabi ko kina Sky at Angel.

Angelo stood up angrily, he was about to advanced towards me pero hinarangan agad sya nina Jackilyn at Jace.

Sinusubukan naman ni Margaret na pigilan si Angelo.

I also stood up and Jacky and Jace gave way for me para malapitan ko si Angelo.

Buti na lang magaling akong mag acting, dapat mabigyan ako nito ng best actor award.

(o≖◡≖)

"I told you to watch over them!"sabi ni Angelo na may galit at pighati sa boses at mga mata nya.

"Ginawa ko ang lahat ng kaya kong gawin! Wala akong magawa nung bigla na lamang silang...."I acted hurt. "Sa tingin mo ba, ginusto ko yung nangyare sa kanila?! Hindi ko ginusto yun!Pero ano bang magagawa ko?! Hindi ko nga alam kung paano yun nangyare eh!"

Tumigil si Angelo sa pagpupumiglas at tinanggal ang pagkakahawak ni Margaret sa kanya. Walang sabi-sabi ay tinalikuran nya kami at umalis sya.

"Pasensyahan nyo na si Angelo. Excuse us." Sabi ni Margaret and she bowed at us before following Angelo.

Pumasok na din kami sa palasyo at pumunta sa room ko. We made sure that no one was there and we locked all the doors and windows. We heard that Note will be arriving soon.

✧( •˓◞•̀ ) "Ang galing ko noh? Bilib na ba kayo sa akin?"

"Yeah, yeah... whatever.."sabi naman ni Jackilyn and then she ignored me at kinausap si Jace. "Hindi ko alam kung sasabihin ko ba 'to kay tito Note."

Kahit na hindi ako yung kausap nya, magsasalita parin ako.. hahaha! "Wag mo na lang sabihin. I have this gut feeling that we shouldn't tell him.... yet."

"Alright, then first, pag-alis natin dito, magsisimula na ako sa pagpagaling sa mga nagkasakit. You said that fairies have healers, they won't be able to suspect me. Just tell them that you requested me to do this."

↭Jackilyn↭

Naglalakad kami sa labas ni Jace. Nung paliko na kami, may nakabangga ako. Muntik na akong matumba, buti na lang ay nahawakan ni Jace ang likuran ko.

The one who bumped into me didn't see it. It's Margaret.

Naka-upo sya sa lupa at mukhang nagpapanic sya at napahawak sya sa tyan nya.

"Ba't kayo hindi tumitingin sa dindaanan nyo?! Papatayin ko kayo kapag nakunan ako!!"sigaw nya sa amin ni Jace.

Buntis sya?

"Please forgive these humble servants princess Margaret."sabi ko tapos nag bow kami.

I extended my hand to help her up. She accepted it and I helped her stand up.

What should I do? Inside of her is my nephew or niece. Should I delay everything?

Binawi nya agad ang mga kamay nya at agad na umalis.

"Kristy..."

"I know.. "Jace

"Pero hindi naman siguro... Diba nga wala pa namang nangyayare?"

What am I saying? It doesn't matter if she's pregnant with my brother's baby or other man's baby. That child will be still be part of our family since Margaret is my cousin.

Pinuntahan agad namin si Nathan at sinabi na buntis si Margaret.

"Buntis sya? Ba't hindi ko ma detect yung bata?"Nathan

Yeah, malalaman nya kung buntis yung babae at kung anong gender nito even in the earliest stage. Para bang human ultrasound, but he's better than an ultrasound.

Around dawn, naglakad-lakad akong mag-isa, at nakita ko si Margaret na nag-iisa sa gazebo, I think she's having tea. Nobody will really notice her sa pwesto nya, but I'm not a nobody.

Nagkunware akong hindi sya nakita at naglakad sa harapan nya.

"Steve.. right?"

Napatigil ako nang magsalita sya. Agad akong humarap sa kanya at nag bow. "Greetings princess Margaret."

"Answer me honestly, do you think I'm ugly?"

Nabigla ako sa tanong nya, and that shock was evident on my face.

"No princess Margaret." What should I say to her? No lang ba? "What I can see now is a beautiful princess in front of me."

Ngumiti sya sa sagot ko.

"Come sit with me."

"I don't deserve-"

"It's an order. Sit with me and have some tea."

Black Wings: Raven Heart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon