Paglabas na paglabas ko sa silid ko, papunta na sa direksyon ko si Nathan, at ngumuso sya sa direksyon kung nasaan ang silid ni Jace kaya napatingin ako doon.
May mga servants na nagtatagal sa labas ng silid nya.
"Ehem.."sabi ko nang makalapit na kami ni Nathan sa silid ni Jace.
Agad umalis ang mga servants, napa-iling ako. Wala namang gumaganito sa kanya sa palasyo.
Kumatok si Nathan sa pinto ni Jace. "Si Nathan at Jacky to!"
After few seconds, bumukas ang pinto at lumabas na si Jace.
"Kanina pa may umaaligid dito sa may pinto mo."Nathan
"Yeah, I know.. Kanina pa nagtuturn yung knob na parang gusto nilang buksan yung pinto."sabi ni Jace na parang wala lang sa kanya.
That's creepy.
Habang naglalakad kami papunta sa may hagdan, lumapit sa amin ang Butler nila and guided us kung nasaan ang Earl at ang Countess.
Unang pumasok yung Butler, then pinapasok na kami.
He doesn't seem to be affected by Jace's power.. O baka naman affected sya but not that much.
Naka-upo ang Earl sa bedside ng Countess. Earl Charles and Countess Elizabeth.
Agad na tumayo si Charles at lumapit sa amin. I gave a curtsy. Nag bow naman sina Nathan at Jace. He kissed the back of my hand, like he always did nung maliit pa lang ako sa tuwing pumupunta sila ni Elizabeth sa palasyo tuwing may ball o meeting sila.
Then he bowed back to Nathan and Jace.
"Wag na muna kayong lumapit sa kanya."sabi ko dahil mukhang sobrang nanghihina si Elizabeth at baka maapektohan sya sa kapangyarihan ni Jace.
Lumapit ako kay Elizabeth and kissed her cheek like I always did. She opened her eyes and gave me a weak smile.
Nakakain na kami sa mga silid namin kanina, so I have enough energy to heal her whole body, her entire bones.
"Iwan nyo na muna kami. Pwede na kayong pumasok dito after 12hours. And please samahan nyo parati si Jace. Don't leave him out of your sights."sabi ko while looking at Elizabeth's frail body.
"And this must be sir Jace now? Ang laki na ng pinagbago mo, hindi kita nakilala."Charles
"Yes, nice to see you again sir Charles."Jace
When I looked back at them, nagkamayan silang dalawa.
"Mukhang our princess here really cares about you huh.."sabi ni Charles.
I heard Nathan chuckled.
"Jacky, I already told you, I'm a guy, I can take care of my self."
Talaga lang ha.. Hindi porke't lalake sya ay kaya nya nang protektahan ang sarili nya.
Nakatalikod na ako sa kanila.
Sino bang hindi mag-aalala? With power like his, napakadelikado. And there is always strength in number, paano na lang kung sobrang rami ang lumapit sa kanya? Baka ma abduct pa sya.
"Lumabas na nga kayo! After 12hours ah? Kahit na 11hours, 59min, 59seconds pa yan, bawal kayong pumasok. And whatever you hear, don't come in."
I heard the door closed. Paglingon ko, wala na sila.
Tinignan ko ulit si Elizabeth, umupo ako sa tabi nya, then gently held her hand.
I closed my eyes and I started to heal her.
BINABASA MO ANG
Black Wings: Raven Heart (Book 3)
FantasíaSi Jackilyn Raleigh ay isang taong mahiyain, tahimik at mahilig mapag-isang babae. May mga kaibigan din naman sya, pero most of her free time ay nilalaan nya sa pagbabasa. But, that's not the case before she went into a coma. Everything changed...