Nang bumaba na kaming tatlo nila Rhaynne sa SUV, nakita agad namin sila Yaxley sa may gate, wait? Naninigarilyo sila?!Nang makita nila kami, agad silang umayos ng tayo at tinapon kung saan saan ang mga sigarilyo. Agad rin nila kaming pinuntahan.
"Let's go?" Tanong ni Ashton
Nagkatinginan muna kami nila Reona, siguro pareho namin napansin na Amoy sigarilyo si Ashton, or pagnagsalita naman itong apat, Amoy sigarilyo.
"S-sige" napansin ko ang pagka-utal ni Reona ng sabihin yun
Binaliwa nalang namin, at agad kaming pumasok sa loob at dumeretso sa class room
Good thing, Hindi na namin kailangan maghiwa-hiwalay kasi magkakaklase kaming lahat.
Pagkapasok namin ng room, tinginan naman sa amin ang mga estudyentang nandoon, or should I say, kila Yaxley lang.
Umupo na kami sa may pinaka-dulo. Nasa kanan ko si Reona at kaliwa si Yaxley, nasa kaliwa kasi ni Reona si Rhaynne.
"Nag c-club ba kayo nila Reona?" Tanong ni Yaxley
"Pag may occasion lang" sagot ko
"Pwede ba kayong maimbitahan mamaya? Sa lifestyle district?Birthday kasi ni Mike eh" tanong niya
"Oh, tignan ko lang kung Hindi ako busy, kailangan ko pa kasing ayusin condo ko"
"Ah, sige. Sana makasama ka" sabi niya
"Sana" sabi ko, bigla naman pumasok na yung prof namin kaya nagsi-ayusan na rin ang mga kaklase ko.
Nag lesson na rin agad si prof dahil second day naman na daw Ito, bigla naman nagsipag-likramo ang nga kaklase ko, Pero agad ding sumaya ng malaman na ang unang topic namin dito sa Filipino ay tungkol sa love. Tsk!
"Kapag naririnig niyo ang salitang pagmamahal, ano ang unang pumapasok sa isip niyo?" Tanong ni prof
Hmmmm...
"Si Yaxley" biglang may sumigaw na babae at nagtititili. Luh ang OA.
"Syempre yung boyfriend ko" isang babae pa
"Mga katabi ko" sabi ng isang lalake sabay akbay niya sa katabi niyang dalawang babae
"Hay talaga naman oh, kabataan talaga ngayon, puro kayo ganyan, di niyo rin naiisip ang pagmamahal niyo sa mga kaibigan niyo? Mga prof niyo? At pamilya niyo?" Tanong ni prof
"Eh prof sabi mo unang pumasok sa isipan namin eh, ayun yung unang pumasok sa isipin namin pag naririnig namin ang salitang pagmamahal" sabi ng isang maarteng babae na habang nagsasalita naka-tikwas pa ang mga daliri, napailing naman si prof.
"Sinasabi ko nga bang pag naririnig niyo ang salitang pagmamahal, boyfriend at girlfriend ka-agad ang unang pumapasok sa isip niyo, alam niyo ba blah blah blah...."
*
Nang nag bell na, agad na rin kaming lumabas sa room."So, kita kita nalang sa canteen?" Sabi ni Chris
Tumango nalang kami at naghiwahiwalay, magkasama kami ni Ashton at Yaxley kasi kaming tatlo ang magkaklase sa next subject.
"May naisip na kayong assignment sa Filipino?" Tanong ni Ashton habang naglalakad kami.
"Wala pa. Kahit ikaw rin naman siguro, wala ka naman kasing alam sa love eh" sabi ni Yaxley Kay ashton
"Wow ha, nagsalita ang may alam sa love" sabi ni Ashton
YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...