"Hey" tumayo naman ako sa kinauupuan ko ng makita ko si yaxley papunta dito. Agad naman niya akong nilapitan."Sabi ko naman sayo di mo na kailangan pumunta dito"
"No. I insist"
"Pasok tayo sa loob" tumango naman siya kaya naman pumasok na kami sa loob. Agad namang napatingin sa amin si tita mariz at mommy, bakas ang gulat sa kanilang mukha.
"Yaxley?" Gulat na tanong nila mommy.
Sino bang hindi magugulat diba? Pero tama ka mommy. Alam kong may iniisip kang iba at tama dahil nililigawan na ako ni yaxley pagkatapos niya umamin sa akin. Anuba! Kinikilig ako!
"Hi po tita. Sorry po kung biglaan ang pag-bisita ko dito. Pinapasabi rin po nila mom na sana po okay na kayo" napangiti naman si mom sa sinabi ni yaxley.
Wait, meet the parent na ba to? Sayang wala si daddy. Chos! Di ko pa siya boyfriend nilalagawan niya palang ako hmp.
"Ay pakisabi din na okay na ang lagay ko. Siya nga pala, ito nga pala si mariz nanay ni third. Mariz, si yaxley anak siya ng isa ko pang kaibigan at bussiness partner" pagpapakilala ni mommy at tuminginulit kay yaxley "kilala mo naman si third diba dahil pareho lang din naman kayo ng school and same course lang"
"Opo tita. Kilala ko po si third. Nice to meet you po, tita mariz" sabi ni yaxley habang ako tahimik lang na nasa gilid niya. Ngumiti naman sa kaniya si tita mariz.
"Nice to meet you din, hijo"
"Nanliligaw ka ba sa anak ko?" Naka-ngiting sabi ni mom. Holy crap! Sabi ko na nga may hinala na siya eh! Buti nalang hindi naman siya masyadong strict. Mabilis talaga mangilatis si mom.
Tumikhim si yaxley habang ako iniwas ko ang ang tingin kay mommy "Ahm yes po tita. Nilalagawan ko po si anes. Okay lang naman po sainyo diba? Kung hindi naman po, pipilitin ko po kayong pumayag" ani yaxley.
Tumawa naman si mommy "of course hijo! Alam ko namang mabuti kang bata so kelan ang kasal at saan?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mommy kaya tumingin na ako sa kaniya.
"Mom, hindi ko pa po siya sinasagot! Atsaka anong kasal mom? Masyado pang maaga!"
"Dun din naman ang punta niyo. Sa wakas! May boyfriend ka na rin. And yaxley, gusto ko unang apo ko ay lalaki" nakangiting sabi ni mom.
What the hell?
"Mom! Stop it!" Hinawakan ko naman si yaxley sa braso at tumingin kay mommy "labas muna kami" sabi ko at tuluyan ng hinila si yaxley.
Nababaliw na ang mommy ko. Wag tularan.
"You're mom is awesome" ani niya.
Anong awesome don?
"Nababaliw na nga si mommy e. Anak agad ang iniisp eh ako nga kahit pag-aasawa wala pa sa aking isip"
"Wala ka naman kasing isip"
Sinamaan ko naman siya sa sinabi niya. Valedictorian yata ako ng elementary! Nung elementary lang kasi medyo nung high school naging pariwa na ako pero ngayong senior high ginagalingan ko na ulit.
"Wala akong isip? Okay lang. Kaya hindi ko na pagiisipan na magpaligaw sayo kasi--"
"Kasi sasagutin mo rin naman ako?" Malapad na ngiti niyang sabi. Inirapan ko naman siya.
"Hindi kaya! Wag ka ngang feelingero dyan. Sa tanong mo kahapon na "can i court you?" Pagkatapos mong sabihin ang "i like you" sa akin ay hindi ang sagot"
"Sino ba kasing nagsabing nagtatanong ako kahapon na liligawan kita? For your information my honey, hindi ako nagtatanong non basta liligawan kita, tapos! Ano naman kung hindi ang sasagot mo sa akin? Edi pipilitan kita hanggang marinig ko ang matamis na oo mo" kumabog naman ang dibdib ko sa sinabi niya.
Pwede mangisay sa kilig?
"Galing mong magbola palibhasa may ex ka na. Diba? Wag kang magsinungaling sa akin" at inirapan ko siya.
"Pano mo nalaman na may ex ako?" Bawal ba malaman yun? Tsk!
"Eh anong paki mo kung alam ko yun? Sinungaling ka naman"
Umiling uling naman siya at may gumuhit na ngiti sa kaniyang labi. Inakbayan naman niya ako.
"Hindi ako sinungaling tsk. Mas malakas ang tama ko sayo kesa sa una. Remember that, hon"
Napangiti nalang ako ng palihim.
I will remember that, honey.
YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...