Naglalakad kami papuntang room. Kasama ko si reona at rhaynne.Nang mapadaan kami sa may bulletin board, nagtaka kami ng may mga nagkukumpulan ng mga estudyante don. Anong meron?
"Anong ginagawa nila don?" Nagtatakang tanong ni rhaynne. Nagkibit balikat naman ako.
"Siguro nagpi-piko" sabat ni reona. Hmp simula na naman siya sa pangbabara niya.
Tinuloy nalang namin ang paglalakad namin. Hindi pa naman kami late so pa chill chill lang ang paglalakad namin.
Pagdating naming room wala pang masyadong estudyante pero sila yaxley nandon na. Ang aga talaga nila magsi-pasok. Napalingon naman sila sa amin kaya lumapit kami sa kanila.
"Ano meron don sa may bulletin board?" Agad na tanong ni rhaynne at umupo kami. Tumabi naman sa akin si ashton at yaxley.
"May camping daw eh" sagot ni topher. Camping? Ang aga naman yata non.
"Talaga?" Si rhaynne ulit. Nagkibit-balikat naman si christopher.
"Narinig lang namin sa mga nagdadaang estudyante. Ang iingay kasi kala mo naman may bonggang party na magaganap" sabi ni christian
"Uy wag ka exciting kaya ang camping. Siguro Hindi ka pa nakakaranas ng ganon kaya ka ganyan" yeah right. Hindi ko nalang sila pinansin at naisipan kong mag-facebook nalang sa cellphone ko.
Ba't kasi wala si third?! Hindi siya pumasok kasi may importante daw siyang gagawin. Hindi naman niya sinabi kung ano. Hays, feeling ko talaga may tinatago siya akin.
And if i am right, well better prepare himself. He never keep secrets from me because i am his bestfriend slash partner-in-crime. Suddenly, my phone bheep. Text from third.
Third: hey anes, i will be absent in two days. Can you please tell to professor? Just said i am sick. Thank you. Love you.
Watda?! Ano ba talaga ang ginagawa niya at nasan siya?! Kakapasok niya nga lang tapos aabsent na agad siya? Sinabi niya pang sabihin ko na may sakit siya kahit wala naman talaga. Kasi kung may sakit siya, nandon lang siya sa bahay or sa condo ko. Ugh!
Me: what? San ka ba talaga nagpupunta? Alam ba ni tita kung nasan ka? Third, umayos ka letse ka.
Third: wag ka magalala. Nasa hacienda lang ako nila dad. May inaasikaso lang.
Me: eh bakit kailangan sabihin lang may sakit ka?
Third: may sakit naman talaga ako e. Masakit ulo ko pero may kailangan talaga akong ayusin dito sa hacienda.
Me: ok! Sasabihin ko nalang kay prof na may SAKIT ka. Love you too.
Feeling ko talaga may tinatago si third. Pero sige mananahimik nalang muna ako. Hihintayin ko siyang magkusa 'cause as i said he never keep secrets from me.
Dumating na rin ang teacher namin at nagturo. Pagkatapos niyang magturo inanounce niya yung tungkol sa camping. At yung mga kaklase ko naman excited na pero yung iba ang aarte. Ayaw daw nila matulog sa tent lang. Edi wag silang sumama. Gaga ba sila? San sila nakakakita na nagca-camping pero sa hotel natulog?
"So kaninang umaga pinost na sa bulletin board kung anong meron next Wednesday. May camping ang buong senior high. Tatlong araw yun students. Wednesday to friday. Meron tayong bus na sasakyan at para hindi kayo magutom sa byahe magdala na rin kayo ng mga snacks pero may mga bilihan naman don so wag kayong magalala. San nga ba tayo magcacamping? Ilocos. Don tayo sa pagudpud. Any questions?"
"Pwedeng magsama ang lalaki at babae sa iisang tent lang?" Tanong ni.. Ewan di ko kilala 'to.
"Yes pwede yun pero kailangan may iba pa kayong kasama. Kasi alam mo na" at awkward siyang tumawa.
"May curfew?" Tanong ng isa kong kaklase na lalaki.
"Yes meron. Kapag 10 pm na kailangan nasa loob na kayo ng tent at walang ng lalabas unless kailangan talaga lalo pag tawag ng kalikasan. Pero dapat may kasama kayo at kailangan niyong magpaalam sa naka-assign sa inyo na taga-bantay" mahabang paliwanag niya.
"Beach ba yung pupuntahan natinn? At meron bang physical activities?" Bilang tanong ni chris
"Yes beach ang pupuntahan natin. Blue lagoon. Meron ding physical activities kayong gagawin at dagdag to sa grades. Since beach ang pupuntahan natin pwede din kayong mag-swmming kapag free time. At nasisiguro naming may free time kayo" agad naman nagsipag-hiyawan ang mga kaklase ko
For sure, that's gonna be a long and tiring day.
Rhaynne's POV
"Sorry guys, hindi ako makaka-sabay sa inyo kumain" sabi ko sa kanila
"Huh? Bakit san ka kakain?" Takang tanong ni anes
"Basta. May kailangan lang akong puntahan. Bye!" Hindi ko na sila inantay na magsalita at agad na akong umalis.
May usapan kasi kami netong lalaking to na sabay kaming kumain. Wala lang. Letse siya sabi ko sunduin niya nalang ako sa room kaso siguro mas mabuti naring hindi. Baka kasi malunod nanaman ako sa dami ng tanong nila anes.
Pagkarating ko sa garden ng school agad ko naman siyang nakita na naka-upo sa ilalim ng puno. Natutulog yata yung braso niya nakatakip sa mata niya. Tsk tutulugan pa yata ako netong mokong nato.
Lumapit naman ako sa kaniya at malakas siyang binatukan. Ayun nagising. Heheheh.
"What the?! Kailangan mang-batok?" Inis niyang tanong at tumayo. Inirapan ko naman siya.
"Halikana. Nagugutom na ako" yaya ko
"Tsk, tapos libre ko na naman" angil niya at kinuha ang bag ko. Siya na ang nagbitbit.
"Duh, dapat lang. Ikaw nagyaya e. Atsaka san ka nakakita na ang babae ang nalilibre sa nanliligaw sa kaniya" at inirapan ko ulit siya. Nagsimula na rin kaming lumakad palabas ng school.
"Feel na feel mo namang nililigawan ka. Andami mo kasing arte e. Kailangan pang ligawan eh kakasal din naman tayo" angil niya. Parang bakla ang putek.
"Tsk ang dami mong angil. Manahimik ka nalang pwede. Nagugutom na ako kaya bilisan mong maglakad" sumunod naman siya.
Pinagka-sundo kasi kaming dalawa ng magulang namin na ikakasal kami pag-19 yrs old na ako. Eh 18 na ako e so next year kami ikakasal pagka-graduate ko. Kaso syempre gusto ko makaranas nang nililigawan kaya sinabihan ko siya na ligawan ako at wala naman siyang nagawa.
Napag-desisyonan namin na sa food club nalang kami kumain. Eto lang kasi ang pinaka-malapit sa school. Para rin hindi na kami ma-late masyado pag time na. Masyado lang dahil kahit anong gawin namin mali-late pa rin kami lalo na masasarap ang pagkain dito. Buffet to e.
Siya na rin ang kumuha ng pagkain namin dahil naghanal ako ng table.
Hindi rin nagtagal at dumating na siya nagsimula na kaming kumain. Ang takaw niya kumain letse hahaha. Pero kahit ganon ang gwapo niya pa rin. Hindi ko nga lang sasabihin yun dahil lalaki talaga ang ulo niya. Alam ko naman yun, wanna know why?
'Cause he's George Padilla. My future-gorgeous-husband. Ugh!

YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...