Alam mo ba yung feeling na nagpa-assignment ang pinaka-strict niyong teacher at hindi mo nagawa kaya gusto mong gawin sa school pero wala kayong free time manlang kaya hindi mo alam ang gagawin mo. Nagugulahan ka at natatakot.Yan ang nararamdaman ko ngayon. Nandito ako sa hospital. Bigla nalang kasi akong nahilo at nahimatay pagkatapos umalis ni yaxley. Ewan ko ba. Umalis lang saglit si mommy para makakain na kahit naiiyak pa rin siya. Pagkatapos ni mommy ako naman ang sinunod buti nalang ok na si mommy pero ako? Hindi.
Naguguluhan ako. Bakit ako nagka-meron nito? Malusog naman ako ah? Atsaka ang bilis naman yata. Wala ngang masyadong sign e. Nakakagulat.
Natatakot ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa bawat araw ng pag-gising ko o kaya naman, hindi na ako tuluyang magising.
Pero ayoko pa. Ayoko pa. Hindi pa ako handa. Madami ako maiiwan pagnaka-taon at kasama na si yaxley. Si yaxley na unti unti ko nang minamahal. Bakit kasi ngayon pa? Kung alam kong sasaya na talaga ako.
Sabagay, ang saya ay panandalian lamang yan. Kailangan may darating na lungkot pagkatapos ng saya. Hindi maaari na puro ka nalang saya, at sarap. Kaya hangga't masaya ka pa, capture it. Capture every moments that's making you happy. Pero katulad ng saya, panandalian lamang ang lungkot. Sa huli, magiging masaya ka ulit. Sabi nga nila, there's always a rainbow after tha rain. There's always a smile after the pain.
We don't really know what will happen next pero nasa sa akin nalang kung tatapusin ko ba itong naka-ngiti o sawi.
Pero, kaya ko ba? Kakayanin ko ba?
I hope.
-
"Anastacia!" Napalingon ako sa tumawag sa akin at napa-ngiti ng makita ko si yaxley na naglalakad papunta sa akin.
Ewan ko ba. Ilang linggo na ang nakalipas pero Simula nung umamin siya sa akin at manligaw, hindi ko na maiwasang hindi kiligin at ngumiti pag nakikita ko siya. At alam ko kung bakit.
"Hey yaxley" ngumiti ako kay yaxley. Nang tuluyan na itong makalapit sa akin agad niyang kinuha ang bag ko at siya ang nagbuhat nito.
"Wag na ako na" sabi ko dito at kukuhanin na dapat ang bag ko pero umiling siya at inalayo sa akin ang bag ko.
"Ako na. Sa pagkaka-alam ko ganto ang mga ginagawa ng mga nanliligaw" na-irap naman ako sa sinabi niya kahit na kinikilig ako kahit simple lang naman ang ginawa niya.
"Bahala ka" pagpa-paubaya ko dahil sa tingin ko kahit anong gawin hindi naman ako mananalo sa kaniya. Yaxley yan eh.
"May sasabihin nga pala ako mamaya" sabi niya nang mag-simula na kaming lumakad.
"Ano?"
"Mamaya na pag-kasama na natin sila ashton"
"Hindi pwedeng ngayon?" Pagpupumilit ko. Ewan ko ba pero parang excited ako sa kung ano mang sasabihin niya.
"Hindi muna pwede ngayon" sabi niya "Oo nga pala. Bakit hindi ka sumasagot sa mga text ko kagabi? Nagsisimula pa lang ako pero parang binabasted muna ako. May iba ka na ba? May ibang yaxley na ba?"
Natigilan naman ako sa tanong niya. Hindi ko namalayan na may mga text pala siya lalo na may iniisp pa tin ako. Naka-off pa phone ko at hindi ko na na-check nitong umaga.
Naka-ngiti naman akong umiling sa sinabi. May iba pa bang yaxley sa buhay ko? Wala na yata.
"Ang drama. Fyi, wala ng ibang yaxley dahil ikaw lang ang nag-iisang yaxley na panget" sumimangot naman siya sa sinabi ko.

YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...