Nagising ako ng tumunog ang alarm clock ko. Bwiset! Gusto ko pa naman matulog pa! Pero mukhang Hindi na pwedeBumangon na ako para patayin ang alarm clock ko, pero Hindi ko pa napapatay, sumakit na ang ulo ko!
"Hell!" Hindi ko maiwasang magmura nang mas lalo pang sumakit ang ulo ko nang mas lalo pang lumakas ang tunog ng alarm clock
Pinatay ko iyon. At kahit masakit pa ang ulo ko pinilit ko paring bumangon at nagtungo sa kusina. Uminom ako ng advil para maibsan ang sakit ng ulo ko at kumain.
Pagkatapos ko kumain tumungo ako sa kwarto, medyo nawala na rin ang sakit ng ulo ko, tinawagan ko naman si Rhaynne. After 5 rings, she answered.
"Ano ba yun?" Bungad sa akin ni Rhaynne
"Papasok ka pa?" Tanong ko
"Yeah. Kahit masakit pa rin ang ulo ko"
"Ako nga rin eh"
"Ba't ka pala napatawag?"
"Wala lang. Ge, see you later" I said and hang up
Agad na rin akong pumasok sa banyo at naligo.
*
Naglalakad na ako papasok sa school ng maka-sabay ko si Topher at Chris
"Hey" sabay nilang sabi
"Hey" sagot ko
"So, okay na ba ang pakiramdam mo? Wala ng hangover?" Tanong sa akin ni Chris
"Ah, wala na"
"Nasaan pala mga kaibigan mo? Ba't di mo ka-sabay?" Tanong naman ni Topher
"Ewan. May kotse naman ako kaya mag-isa lang akong pumasok" sagot ko
Tuluyan na rin kaming pumasok sa loob ng school at umakyat sa 3rd floor
"Dito rin ang first period mo?" Tanong sa akin ni Chris
"Oo, kaklase ko sila Yaxley at Ashton don eh" sagot ko
"Hatid ka na namin sa classroom mo" aya ni Topher
"Wag na, sa pinaka-dulo lang naman ang room namin" sagot ko
"Hindi, sige na" pamimilit ni Chris
"Hays. Ang kukulit niyo talagang magka-kaibigan" sabi ko
"Syempre, magka-kaibigan nga eh" sabi ni Chris
"Yeah right" sabi ko at nagsimulang maglakad, sumunod naman sila sa akin.
*
Pagkapasok ko ng room, pinagtitinginan ako. Siguro nakita nila na kasama ko yung kambal at hinatid pa ako dito.
Wala parin sila Yaxley, kaya mag-isa akong umupo don sa pinaka-dulo. Pumasok na rin kaya sila Reona?
Nagulat na lang ako ng may tumabi sa aking babae, napatingin naman ako sa kanya.
"Excuse me ms, may naka-upo na diyan" sabi ko sa babae
"I know. Gusto lang talaga kitang makilala kaya tumabi ako sayo. Anyway, I'm Cathlyn Ramos" sabi niya at naglahad ng kamay
"Ow. I'm Anastacia " sabi ko at tinanggap ang kamay niya
"So, anong meron sa inyo nila Yaxley?" Tanong niya at nagbitaw na rin kami ng nga kamay namin. So, gusto lang ba niya ako makilala kasi nakikita nila kami laging mag-kasama nila yaxley?

YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...