Chapter 21

28 2 0
                                    

*fastforwad*

Ang bilis ng araw at ngayon Wednesday na! Yeah! Ngayon na ang camping namin. 5:12 am pa lang so maaga pa. 7 am kasi ang punta sa school dapat nga 6 am pa yun kaso iintayin pa daw yung bus kaya ginawang 7 pm. Mas okay na rin yun dahil mamaya madaming pumunta sa school na estudyante na sabog dahil maaga.

Dahil nga tatlong araw kami don at saturday ang uwi namin, nagpaalam na ako sa manager don sa lifestyle district. Kasi nga diba ang gig ko don monday, Wednesday and friday. Buti nga mabait ang manager kaya pinayagan ako. Tsaka di naman ako aabsent don para tumambay lang eh. Aabsent ako para sa grades. Para na rin sa kasiyahan syempre heheheh.

Kasalukuyan akong nasa sofa ng condo ko at nanonood. Wala namang multo dito kaya di ako natatakot. Ready na rin ang mga gamit ko kahapon pa dahil nga excited din ako. Sayang nga lang di makakasama si third dahil nga daw may ginagawa siyang importante. Babawi nalang daw siya sabi niya kahapon kasi sinabi ko sa kaniya yung tungkol sa camping.

Ngumunguya ako ng sandwich ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko to ng walang lingon lingon. Alam ko naman na hindi to sila mommy dahil tuloy pa yun mga yun dahil sa trabaho.

"Siguraduhin mong may sense ang sasabihin mo dahil inistorbo mo ang panonood at pagkain ko"

"Hey dude. Goodmorning too" ay si yaxley pala.

"Hey dude listen to me now-- anong sunod non?"

"Huh? Anong pinagsasabi mo dyan?" Hindi ba 'to updated? Psh.

"Di mo alam yun? Yung mga kanta ng mga hypebeast?" Natatawang sabi ko. Actually narinig ko lang din yun. Kinakanta kasi ng iba kong kaklase na lalaki.

"Hypebeast? Seriously, dude?"

"Hmp. So bakit ka napatawag?"

"Sunduin kita dyan sainyo, pwede? San ka ba?" Susunduin ako pero di alam kung nasan ako. Hmp.

"Nandito ako sa condo ko. Valdera Corp. Alam mo kung pano pumunta dito?"

"Ahh oo. 6 ako pupunta dyan ha. Sabay na tayo pumunta sa school"

"Sige sige. Ay oo nga pala. Pag pumunta ka dito may madadaanan kang McDo, bili ka ng foods, pwede? Pagkain ko sa byahe. Bayaran nalang kita" meron naman akong nga snacks sa bag ko at marami don kahit mga cookies meron pero naki-crave ako sa McDo.

"Sige bibilhan kita pero wag mo na akong bayaran. Bye"

"Yieee, thanks dude. Bye" at pinatay ko na ang linya.

Nanonood ako ng harry potter ngayon. Nasabi ko na bang favorite ko 'to? Ay hindi lang pala ako. Namin pala ni third. In love kaya ako kay Draco Malfoy kahit kaaway siya nila harry. Sama kasi ng ugali pero ang gwapo gwapo. Tapos ang cute ni ron pero mas cute yung kambal na weasley din.

Minsan nga nai-imagine ko, paano kaya kung totoo to noh? Dito talaga ako magaaral para makaranas ng may power hahahaha. Ang ayoko lang talaga panoorin na harry potter yung nandon si edward cullen ng twilight. Nakalimutan ko na real name niya letse.

Kasi naman e! Namatay siya dahil don sa daga ni Ron na naging tao. Ang cute pa naman nila ni harry non na nagka-sundo sila na sila nalang daw ni dalawa sabay na kumuha ng trophy. Don din nabuhay si voldemort! Ang pinagtataka ko lang, mabuti nakakahinga pa si voldemort eh sobrang pango ng ilong niya. Butas na nga lang eh. Guhit pa.

5:30 am nang mapag-desisyunan ko na magbihis na at ilagay sa sala yung dalawang bag na dadalhin ko. Yellow hoodie na hanggang above the knee, at short, ang suot ko at tinernohan ko ng converse na white. Oh diba simple lang. Yung buhok ko naman kinulot ko lang sa dulo. At ready na ako

6:30 am ng dumating si yaxley at dala niya na nga ang pinabili kong Mcdo. Yummy! Sa byahe naming papuntang school kinain ko lang yung fries. Binigyan ko na rin siya. At dahil nga nagda-drive siya at kahit medyo naiilang ako sinusubuan ko siya. Mygosh!

Nang maka-rating na kami sa school, wala pang masyadong tao dahil may kanya kanya rin namang alis. Nakalimutan ko nga palang sabihin na ang Elementary pupuntang subic safari. Yung highschool hindi ko alam kung saan eh tapos kaming mga senior high sa ilocos.

Pero nandon na yung apat na lalaki na sila ashton at sila reona at rhaynne. Mas nauna pala sila dito. Tatawagan ko pa naman sila dahil balak ko ngang isabay sila sa amin nila yaxley. Buti nalang hindi naman awkward sa pagitan namin ni yaxley kaya hindi ko na tinuloy.

Nang makarating na yung mga bus agad na kaming sumakay. Tumabi sa akin si yaxley. Magka-tabi si reona at rhaynne na nasa gilid lang namin. Tapos yung kambal na nasa likod ni reona, at sila ashton naman and mike magkatabi rin na nasa likod.

"Kumpleto na ba lahat? Walang ng naiwan? Gamit o estudyante?" Tanong nung tour guide yata o taga-batay sa amin.

"Meron pa" sigaw ng isa ko namang kaklase na babae. Grace yata pangalan.

"Sino?" Nagtatakang tanong nung tour guide

"Hindi sino, kundi Ano. Yung puso ko naiwan sa kaniya" sabi niya at tumawa. Tumawa na rin yung tour guide. Korni naman.

Pagkatapos ng ilang minuto umandar na rin ang mga bus. Bawat section sama-sama sa iisang bus kaya lahat ng nandito sa bus namin puro kaklase ko lang.

"So ako nga pala si Andres. Tawagin niyo nalang akong kuya andres o kuya nalang. So pag may kailangan kayo sabihin niyo lang sa akin. Yung may mga sakit katulad ng hika sabihin niyo sa akin o sa ibang prof dahil meron kaming medicine kit dito at syempre may mga medicines din yun at inhaler. Kung meron man kayo edi good pero kailangan niyo pa rin sabihin sa akin para sa safety niyo. So maraming salamat. Sa ngayon, ilang hours pa kayong naka-upo dyan dahil mahaba ang byahe kaya gawin niyo kung anong gusto niyong gawin wag lang yung mga bawal at ikagagalit namim. Matatanda na kayo kaya alam niyo na ang mga mali at tama" sabi ng tourd guide namin o si kuya andres bonifacio. Charot. Korni.

Yung mga estudyante naman kanya-kanya. May mga nag-uusap, kumakain na, nagsa-soundtrip o natutulog. Wala lang hula ko lang. Ako naman naka-tanaw lang sa bintana dahil nasa side ako ng bintana.

"Di ka ba nagugutom?" Biglang tanong ni yaxley kaya napatingin ako sa kaniya.

"Medyo" sagot ko

"Edi kumain ka muna. May McDo pa dyan oh. Tapos kumain ka nalang ulit mamaya dahil mahaba pa ang byahe. May mga pagkain naman dito" sabi niya kaya kinuha ko naman yung McDo na Chicken Ala king.

"Eh ikaw? Di ka nagugutom?" Umiling naman siya at may hinalungkat sa bag nito. Di ko nalang siya pinansin at kumain nalang.

Nagulat nalang ako ng may sinalpak siya sa tenga ko na earphone kaya napatingin ako sa kaniya

"Ang boring kasi" sabi niya. Kinuha ko naman yung cellphone niya at ako ang pumili ng kanta. Nang makita ko yung kantang 'Nothing's Gonna Stop Us Now' agad ko itong plinay. Favorite ko kaya to and Nothing's Gonna Stop Me Now. Okay. Ang korni.

SometimesWhere stories live. Discover now