Chapter 29

9 1 0
                                    


"Siguraduhin mo lang na maganda yung pupuntahan natin ha"

"Of course, honey" tumawa na lang ako sa sinabi ni yaxley.

Inaya niya kasi kami mag-'date'. Ewan ko lang kung para sa kaniya date to, pero para sa akin date to syempre. Assumera na kung assumera pero kinikilig talaga ako pag inaaya niya akong lumabas.

Kakatapos lang ng klase namin dahil may emergency yung prof namin. Uuwi na sana ako kaso bigla akong kinausap ni yaxley at tinanong kung pwede ba daw kaming lumabas. Syempre pumayag ako.

naka-plain white t-shirt and jeans siya. Simple yet so hot. Kung ano ano talaga pinag-iisip ko ngayon, hinawan nila ako nila reona.

Napatingin naman ako kay yaxley.

Hindi ko maipagkakaila na gwapo naman talaga si yaxley. Mahihiya lahat ng lalaki sa school o kung saan pa man lumabas kapag nakita na nila si yaxley. charot.

Pero seryoso, ang gwapo ni yaxley. Ang kaniyang buhok ay bagay sa hugis ng kaniyang mukha tapos ang linis linis pa ng pagka-gupit sa kaniya. His jaw is sharp na lalong nagpa-gwapo sa kaniya. Yung mga mata niyang mapupungay at ang kaniyang mata na kulay brown. Matangos na ilong at mapupulang labi. Two words to describe him, hot and handsome.

"Staring is rude, hon" sabi niya pero ang tingin niya ay nasa daan pa rin. Pumula naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya.

Kahiya!

"I'm not staring. Sumulyap lang ako saiyo noh" pagsisinguling ko.

Nakakahiya naman kung aamin ako, diba?

"Okay. Kung yun ang tawag don" sabi niya pero ngumisi pa din. Inirapan ko nalang siya.

"San ba talaga tayo pupunta? Malayo pa ba?" Tanong ko at tumingin din sa daan.

"Ahm secret pero malapit na tayo. Chill ka lang dyan, hon"

Kanina ko pa napapansin ang pag-tawag niya sa akin ng honey at hon ha. Hindi ko nalang yun pinapansin dahil ayokong mag, ehem, assume kahit na kinikilig ako.

-

"Nandito na tayo" napatingin ako sa labas ng sabihin iyon ni yaxley.

Saan to? Ilang oras din siya nagma-maneho ha. Huminto kami sa parang gubat. Woah, baka may mga multo naman dito o mamamatay tao. Medyo dumilim na rin kasi ang langit.

"Nasan tayo? At bat tayo nandito sa gubat? Hindi ba delikado dito?" Sunod sunod kong tanong at sumulyap kay yaxley na lumabas. Umikot naman siya papuntang passenger seat at piangbuksan ako. Lumabas naman ako.

"Safe tayo dito. Dadalhin ba kita dito kung hindi safe dito. And to answer your question  what are we doing here, let's go" sabi niya at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman ito at nag-simula na kaming mag-lakad.

Holding hands while walking in the not-so-creepy-forest? Nice.

Huminto kami sa may malaking puno. Medyo may liwanag na dito at naka-alalay naman sa akin si yaxley kaya hindi ako natatakot, medyo lang. Nagulat naman ako ng may nakita akong manipis na hagdan.

"Akyat tayo" nagulat naman ako sa sinabi ni yaxley.

"Are you serious?! Ang nipis niyan tapos aakyat pa tayo? No way"

"Yes way. Safe yan. Kaya go, ikaw ang mauna"

Nag-aalinlangan pa ako pero wala na rin akong nagawa kung hindi umakyat ng dahan dahan. Mas okay na rin mag-ingat. Saluhin niya nalang pag nahulog ako

At last nakarating na ako sa tuktok. Umapak ako sa malapad na punong kahoy. At tumingan sa likuran ko.

My jaw dropped, literally!

Paanong may terrace dito? Hindi ko alam kung terrace ba talaga tawag dito pero mukha talagang siyang terrace kaya ayun nalang itatawag ko dito.

Nakatitig pa ako nung naramdam kong may umakbay sa akin. Si yaxley. Nilibot ko ang paningin dito sa terrace kuno. Buong paligid may naka-kabit ng mga christmas light kaya mas lalong nagpa-liwanag. Hindi siya kalakihan pero nasisiguro na hindi naman kayo magkaka-banggaan. May table for two din at may basket sa lamesa na may mga pagkain. Wow.

"Suprise?" Ani yaxley.

"Very suprise. Ang ganda!"

Hinila naman niya ako papasok sa loob, kahit walang pinto. Pinaupo niya ako sa isang upuan at umupo naman siya sa katapat ko na upuan. Nilabas niya din yung mga pagkain sa basket at nilagay lahat sa lamesa.

Woah, puro korean foods ang inihanda niya ah. Fish stew, Jjigae, Haejang-guk, Korean barbecue, Mandu, Japchae. Tapos yung inumin naman soju and water. Buti hindi natapon sa basket. Malapad naman yung basket kaya siguro hindi natapon.

"Anong meron ngayon?" Tanong ko kay  yaxley. Baka sagutin niya ako ng 'wala lang' sawa na akong ma- wala lang zone sa kaniya.

"Basta" sagot niya. Ngayon naman basta zone na?

"Anyway, ang ganda dito. Pero hindi ba tayo mahuhulog dito?" Tanong ko.

"No. Matibay to. Nung eighteenth birthday ko pinagawa to ng lola at lolo ko. Kwento kasi nila may ganto sila dati tapos dito nila ginagawa ang sweet moments sabi ni lola. Hindi kasi sila legal non. Atsaka piling tao lang ang dinadala ko dito" kwento niya.

Sweet moments? Sana may ganon din kami ni yaxley hahah joke lang.

"Pili? Siguro madami ka ng nadalang babae dito. Yung mga maayos na babae" sabi ko ng hindi naka-tingin sa kaniya dahil kumakain na ako ng japchae.

"Tsk. Ikaw pa lang ang nadadala ko dito bukod kila sa pamilya ko. Kahit nga sila ashton alam na may ganto kami pero hindi ko sila pinapapunta dito. Tsaka babae? Wala akong babae" Paliwanag niya.

"We? Di nga? Baka naman nagsi-sinungaling ka lang" sabi ko pero kinikilig din ako.

"Tsk. Oo nga, wala akong mga naging babae"

Naalala ko naman yung sinabi ni cathlyn, Yung kaklase ko na nagpakilala sa akin. Diba sabi niya simula daw nung saktan si yaxley nung dating ex niya hindi na siya nakikipag-landian o ano to the point na pinagka-malan na siyang bakla ni cathlyn hahaha. Epic! Ang gwapo gwapo ni yaxley eh. Pero nasan na kaya yung ex niya? Buhay pa kaya yun?

Dumaan ang katahimikan sa pagitan namin ni yaxley. Walang nagsasalita dahil kumakain din kami at ang maririnig mo lang ang pagaspas ng mga puno dahil mahangin kaya di kami maiinitan. Nang binasag na ni yaxley yung katahimikan.

"Ahm anastacia" napatingin naman ako sa kaniya tawagin niya ako. Tinitigan niya ako.

"Bakit?" Tanong ko.

Nakita ko pa siyang nag-aalingan na may sabihin dahil medyo di siya mapakali tapos napapa-kamot siya sa batok niya na parang nahihiya.

"Huy bakit?" Tanong ko ulit. Bumuntong hininga naman siya.

"Bahala na nga" narinig kong bulong niya.

"Bakit nga?" Tanong ko ulit. Naiinip na ako ha. Tinitigan niya naman ako. Ano bang problema neto?

"Anastacia, i like you"

-

A/N: yowwnnn! HAHAHAHAH pero di talaga ako magaling sa gantong mga scene. So sorry na lol.

SometimesWhere stories live. Discover now