Myghad! hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari kanina!Wala naman talagang sinabi si Mike na kantahan ako ni Yaxley, pero gosh! Kinikilig pa rin ako.
Sarap pa ng chocolate na binigay niya tapos yung flower naman nilagay ko sa vase at pwinesto sa balcony namin. Hihihi. Lande!
Nandito kami sa mall nila reona, kakatapos lang kasi ng school.
"di pa rin ako makapag-move on sa ginawa sa iyo ni Yaxley" sabi ni Rhaynne
"halata nga, mamulamula na nga yung braso ko sa kakahampas mo eh" sarcastic na sabi ni Reona
"hmmp. Kailan kaya mangyayari sa akin yun" ani Rhaynne
"pag-patay kana" sagot naman ni Reona
"ang sama mo!" medyo pasigaw naman na sabi ni Rhaynne
"buti alam mo" pasigaw din to si Reona
"lumayas ka na nga dito! Hmp"
"mall mo to? Mall mo?"
"yes!"
"di halata, mukha ka kasing basurera"
"the heck?! Basurera?! Sa ganda kong to?"
"maganda ka ba?"
"ugh! Talk to my hand" at inilapit pa ni Rhaynne yung kamay niya mukha ni Reona
"talk to my ass" sagot ni Reona
Hindi ko po talaga kasama ang mga ito at kakilala, nakasabay ko lang sila sa paglalakad. Nakakahiya! Ang lalakas ng boses.
"hello! Nasa public place po tayo kaya pakihinaan yang mga boses niyo" saway ko sa kanila
"halikana! Kumain nalang tayo" sabi ni Rhaynne at hinila kami ni Reona papuntang korean restaurant
Pagka-upo namin, nag-order na rin agad agad si Rhaynne dahil nagugutom na daw talaga siya!
"inorderan mo ko ng samyeopsal?" tanong ko kay Rhaynne
"yup"
"pagkatapos natin dito, bili ka na ng kotse mo" sabi ni Reona sa akin
"cash?" tanong sa akin ni Rhaynne
"na-ah, card"
Hindi rin nagtagal dumating na rin ang order namin
"so, kinilig ka ba kanina, Anes?" tanong sa akin ni Rhaynne
"saan?" takang tanong ko
"nung binigyan ka ng gorilla ng flowers and chocolates tapos kinantahan ka pa" sarkastikong sagot ni Reona, ang sama talaga ng babae to!
"malamang, yung ginawa ni Yaxley kanina sa gym" sagot ni Rhaynne
"syempre, sino bang hindi kikiligin don diba" sabi ko
"yieee. Magkakaron ng something" pang-aasar ni Rhaynne, inirapan ko nalang siya
Sure ako na di magkakaron ng something. Actually, nung sinabi sa akin ni Cathlyn na di na daw nila nakitaan na may kasamang babae si Yaxley ng simulang mag-break sila ng ex-gf niya ay hindi ako naniniwala.
Duh?! Sa panahon ngayon wala ng loyal! Mapa-babae man o mapa-lalaki. Sa gwapo niyang yun? Imposible!
Ginagamit niya rin ang kanyang ka-gwapohan para maakit ang mga babae. Yung mga babae naman ang haharot din.

YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...