Rhaynne's POV
"Woooo! Party party! Rhaynne tumayo ka naman diyan ang kj mo!" sabi sa akin ni Anes. Naka-upo lang kasi ako dito sa sofa ng bar, tinatamad pa ako eh gusto ko munang uminom.
"Mamaya na" wika ko, inirapan naman ako ni reona at anes, ayun si reona may kasamang lalake nagsasayaw silang dalawa.
"Sumayaw ka naman! Halikana!" sigaw ni reona
"Wag mo kong pake-alaman!" sigaw ko rin sa kanila, maingay naman dito sa bar kaya nagsisigawan kami. Ang boring kapag hindi maingay.
"Bala ka, ang dami pa namang lalaki dito! Woooooo!" sigaw na naman ni Anes
"Comfort room lang ako" sabi ko sa kanila at tumayo, medyo nahilo naman ako sa pag-tayo ko dahil medyo nakarami na akong inom
Paano tuloy ako makaka-uwi nito? Bala na nga! Magpapahatid nalang rin ako sa dadating mamaya na driver nila anes.
Pagkapasok ko sa c.r agad akong naghilamos at nag mumog, aish! Medyo nahihilo pa rin ako. Kahit medyo pasuray suray, naglakad pa rin ako papauntang cubicle at medyo kinakapa ang dinadaanan ko dahil nga nahihilo ako. Mukha na kong tanga nito.
Sinara ko naman yung pintuan ng cubicle nang marinig ko rin na may pumasok. Busohan pa ako dahil na-tomboy sa kagandahan ko.
Nang mahi-masmasan ako sa pag-ihi ko lumabas na rin ako at pupuntang salamin para mag-retouch.
Pag-angat ko ng paningin ko, may lalaki! At magtama ang paningin namin.
"What are you doing here?! / Anong ginagawa mo dito?!"
sabay pa kami ng pagsasalita pinag-kaiba lang siya english ako tagalog dahil kahit may lahing korean ako, mas mahal ko pa rin ang tagalog hahaha! Kung ano-ano na tuloy yung pinagsasabi ko dito.
"Anong anong ginagawa ko dito? Diba dapat ikaw ang tinatanong ko niya?" sabi ko sa kaniya, geez medyo nawala yung pagka-hilo ko dun ah.
"Miss, lasing ka na yata talaga. Panglalaki to, don sa isa ang pang-babae" wika niya at may tinuro pa
"Ha! Nagdadahilan ka pa! Gusto mo lang naman yata akong bosohan, excuse me mr, hindi ako papatol sayo kaya umalis kana dito bago pa ako tumawag ng bouncer" sabi ko sa kaniya habang namemeywang
"Excuse me rin miss, walang kaboso-boso sayo dahil maliit naman ang iyong hinaharap. At sige tumawag ka ng bouncer, sinong tinatakot mo? Siguro ikaw talaga ang nangboboso sa akin" sabi niya. Ang put*nginang walang hiya! Malaki ang hinaharap ko, maniac!
Magsasalita na sana ako nang tumalikod siya at naglakad papuntang pinto, pagka-bukas niya ng pinto may tinuro siya sa taas non
"Miss, boys ang naka-lagay oh! Ngayon, sabihin mo kung sino ang nangboboso sayo at pang-huli" hinead-to-foot niya ako "Hindi rin ako pumapatol sa isang tao na kahit isa ay walang malaki" sabi niya at tuluyang umalis.
Omygash! Lupa, kainin muna ako huhuhu cr to ng boys! Ako pala ang namali nang pag pasok. Pero wala siyang karapatan na laitin ako noh
Ikaw naman ang nauna e
Puta pati isip ko hindi sumasang-ayon sa akin! Pero, wala pa rin siyang karapatan na sabihin na kahit isa walang malaki sa akin. Malaki ang hinaharap ko at ang pw*tan ko!
At kahit ako ang nauna, yari pa rin siya sa akin pag nakita ko siya. Ngayon, alam ko na yung feeling ni reona kapag kinikwento niya sa amin si Benedict.
Yeah! Kini-kwento niya sa amin yung lalaking yun na bini-bwiset siya pag-nakikita sila nito. Pero bago yun, kyaaaa! Nakakahiya pa rin!
"BA'T NAMAN ang tagal mo sa loob ng cr?" tanong sa akin ni anes na naka-upo na sa sofa pagka-kita niya sa akin. Si Reona, wala pa rin, siguro nang-ha-hunting pa rin ng mga lalaki yun.

YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...