"Bakit ngayon ka lang ang nagpa-kita, ha?!" tanong ko kay third at binatukan siya."Sorry na. Family problem lang" saad niya at napa-kamot sa batok niya. Psh.
"Letche. Di ka manlang nagsa-sabi! Alam mo bang inintay kita nung isang araw dumating tapos wala ka naman" ani ko at inirapan ko siya. Family problem daw.
"Sorry na nga eh. Anong gusto mong gawin ko para di na magtampo ang prinsesa ko?" tanong naman niya. Hmmm.
"Libre mo ko" sabi ko sa kaniya at ngumiti. Bigla naman siyang napa-iwas ng tingin.
"Wala akong pera" saad niya. Ang yaman yaman tapos walang pera?! Hmp.
"Edi umalis kana dito" at tinarayan ko siya. Wala daw pera. Sapakin ko to eh.
"Joke lang, tara na" sabi niya at tumayo.
"Ready your wallet" i said then grin.
"BAKA gusto mo bilin mo na ang buong national bookstore?" tanong sa akin ni third. Naiirita na siya pero tinawanan ko lang siya.
"Why not?" at tinaas baba ko ang kilay ko. Inirapan naman niya ako.
"Kain na muna tayo" sabi niya.
"Ok" sabi ko ng may malapad na ngiti. Bakit ba? Masaya ako dahil marami siyang nilibre sa akin na libro.
"Balak mo bang mag-patayo sa condo mo ng library?" tanong ni third habang nagsimula na kaming maglakad saka buhat niya rin ang mga pinamili namin na tatlong paper bag na puno ng libro. Akin lahat yan. Libre niya.
"Why not?" inosente kong tanong. Napa-iling nalang siya.
"San tayo kakain?" tanong niya.
"San ba plano mong kumain?" balik tanong ko sa kaniya habang nagtitingin-tingin. Natakam naman ako ng makita ko ang bon chon.
"Gusto ko sa bonchon" sagot niya. Uy tamang tama natatakam pa naman ako sa bonchon. Tumango nalang ako kaya pumasok na kami sa loob ng Bonchon.
Mabuti nalang walang masyadong tao kaya madaming available na table at hindi maingay. Kasi minsan pag maraming tao ang ingay ingay eh. Nakakairita kaya. Pumila naman na si third para umorder.
"Ano sayo?" tanong niya sa akin.
"Ikaw na mamili, ikaw naman magbabayad" naka-ngiti kong sabi sa kaniya. Tinignan naman niya ako
"Libre ko pa rin?" hindi maka-paniwala niyang tanong. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Of course" saad ko.
"Sa susunod ikaw na manlilibre" ani niya
"Bakit may kasalanan ba ako?"
"Basta sa susunod ikaw na manlilibre"
"Edi wala ng susunod" sagot ko kaya napa-iling nalang siya. Umalis naman ako para maghanap ng table. May nakita naman ako sa gilid kaya don na ako umupo, lalo na malapit yon sa may aircon.
Umupo naman at magsimulang mag cellphone. Bigla naman may pumasok na ideya sa utak ko kaya naman pinicturan ko si third habang naka-pila at pinost sa fb na may caption na 'My date today' at tinag siya.
Ka-agad naman maraming nag-comment at nag like. Yung iba ang react heart at sad. Ba't may sad? Karamihan naman sa nag-sad mga lalaki. Psh. Magseselos lang sila pero wala silang magagawa. 'De joke lang.
"Date pala to di mo manlang ako ininform" bigla naman sumulpot si third at umupo sa harap ko. Nakita na niya siguro sa fb yung pinost ko.
Ang bilis naman.

YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...