Rhaynne's POV
"San mo ba talaga ako dadalhin?" Takang tanong ko kay george ng maka-pasok ako sa kotse niya.
"Sa langit" sabi niya at sinimulan ng mag-maneho.
"Ows? Pwede ka don?" Nang-aasar kong wika. Sumulyap naman siya sa akin na may ngiti sa labi
"Oo naman. Bakit hindi" sagot niya. Tumingin naman ako sa labas at ngumisi.
"Diba demonyo ka?" Wika ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na sumulyap siya akin.
"Gusto mong ilaglag kita?" Tumawa naman ako sa sinabi niya
"Demonyo nga"
"Shut up" inirapan ko nalang siya at hindi na nagsalita.
Kakatapos lang kasi ng klase namin at tinext ako ni george na may pupuntahan kami. Hindi naman sinabi kung saan. Buti na nga lang hindi siya naabutan nila anes dahil paniguradong ang dami dami na namang tanong nila anes kay george.
Kaming tatlong magkaka-ibigan may kaniya-kaniyang alis. Napa-aga din kasi ang uwi naman dahil may emergency yung prof namin. Si yaxley at anes ang magka-samang umalis. Tapos si reona at si benedict naman ang magka-sama. Hindi ko naman alam kung saan sila pupunta. Nagpaalam lang naman sa amin si anes at si reona naman sabi niya papahirapan niya muna daw ang broken hearted niyang 'yaya'
Tahimik lang kami sa loob ng kotse ni george. Siya, seryosong nagmamaneho at ako naman naka-tingin lang sa daan. Pero seryoso, wala akong ideya kung saan nga ba talaga kami pupunta.
"Sino yung kasama mo kanina?" Basag niya sa katahimikan habang seryoso pa ding nagmamaneho.
"Huh? Si Anastacia at si Reona" Takang tanong ko. Nakita niya kaming magkakasama?
"Hindi. Kilala ko naman sila. Yung lalaking kasama mo kanina" sabi niya. Kahit hindi ko pa napapakilala sa kaniya si anes at reona sa personal, kilala niya pa rin dahil sinabi ko naman sa kaniya yun.
Inalala ko naman ang kasama kong lalaki kanina..... Si mike!
"Si mike? Siya lang naman last na kasama kong lalaki kanina" kasama ko si mike kanina dahil pareho kaming papuntang parking lot kung saan ako iniintay ni george.
"Malay ko. Pero yung kasama mo sa parking lot kanina" sabi niya at inihinto ang sasakyan dahil nag red ang traffic light.
"Si mike nga" sabi ko. Sumulyap naman siga sa akin pero agad ding binawi ang tingin.
"Ano mo yun?" Tanong niya, may bahid ng inis ang boses niya.
"Boyfriend ko. May problema ka?" Pagsisinungaling ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"So siya yung dahilan kung bakit ayaw mong magpa-kasal sa akin?" Malamig niyang sabi. Tumawa naman ako.
"Joke lang. Kaibigan ko lang yun" ani ko. Ka-agad naman niyang pinaandar yung kotse dahil nag 'go' na
"Gusto mong ilaglag talaga kita?" Sabi niya, naiinis.
"Joke nga lang e. Pero ano naman kung may borfriend ako?" Tanong ko. Sandali siyang tumahimik pero nag-salita din
"Ayaw mo talagang magpa-kasal sa akin?" Tinignan ko naman siya.
"Ayoko talaga" ani ko.
"Bakit?" Nakita ko namang humigpit ang pagkaka-hawak niya sa manobela.
"Dahil hindi naman natin mahal ang isa't isa. Hindi kita mahal at hindi mo rin ako mahal. Kaya pwede ba? Mag-isip nalang tayo ng paraan para hindi matuloy ang kasal" sabi ko habang nakakatitig sa kaniya. Mas lalo namang humigpit ang hawak niya sa manobela.
"Sige nga. Ano ang naiisip mong paraan?" Nanghahamon niyang tanong.
"Pwede naman naming ma-tulungan ang kompanya na hindi tayo nagpapakasal. Kung hindi naman sapat, may mga kaibigan ako na may mga kompanya" sabi ko pero mahinahanhon pa rin.
Gusto ko ng matapos ang usapang to pero di ko magawang tumahimik at ang tagal naman naming makarating sa pupuntahan namin. Argh!
"I don't need your friends' company" ani niya. Ang kulit naman ng isang to!
"Then what do you need?" Tanong ko. Nakitang ko namang nag smirk siya.
"I need you to be my wife, sweety. I really do" napanganga man sa sinabi niya pero agad ding nakabawi.
Really, heart? Beating faster beacause of this crazy man?
"You're crazy. And don't call me sweety! Yuck!"
"Hindi naman ikaw ang tatawag sa akin ng sweety kaya wag kang mag-inarte. And i'm not crazy. Give me another reason why you don't want to be my wife" nanghahamon niyang tanong.
"Kasi nga hindi natin mahal ang isa't isa" at inirapan ko siya
"Edi simulan na natin mahalin ang isa't isa" sabi niya ng nakangisi. Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso habang di ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya.
Gosh! This man is really really crazy!

YOU ARE READING
Sometimes
Fiksi Remaja(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...