Minulat ko na ang mata ko at naaninag ko ang liwanag. Clinic. Nasa clinic ako.Nilibot ko ang paningin ko. Si yaxley lang nandito kumakain siya pero napahinto rin at lumapit sa akin ng mapansin niya na akong gising. Ang sakit ng ulo ko.
"Okay ka na, dude?" nagaalalang tanong niya.
"Oo. Nauuhaw ako" bigla naman siyang kumuha ng tubig at pinainom sa akin.
"Buti naman at nagising ka na. Kanina ka pa tulog. Tapos na rin ang klase" sabi niya. Binigay ko naman sa kaniya yung baso.
"Huh? Ilang hours na ba akong natutulog?" takang tanong ko. Tapos na ka-agad ang klase? Ang bilis naman yata
"Ewan. Pero sabi kanina ka pa daw dito eh. Kakarating ko lang kasi" sagot niya at umupo sa tabi ko pinagpatuloy ang pagkain.
"Penge ako" sabi ko. Nagugutom na kasi ako. Binigyan naman niya ako ng fries
"May gusto ka pang kainin?" tanong niya.
"Wala na. Hindi naman ako masyadong gutom" ani ko
"Ikaw bahala. Basta sabihin mo lang kung may gusto ka"
"Oo nga pala, dude. Bakit nga pala daw ako nag nosebleed? Wala namang nag-english kanina ha. Wala ring nag math para sumakit ang ulo ko at mahilo" sabi ko
"D-dude.. K-ka-kasi a-ano" nauutal niyang sabi kaya napahinto ako. Anong problema neto?
"Dude okay ka lang?" nagtataka kong tanong. Para kasi siyang natatae eh
"K-ka-kasi b-bro.. B-aka m-magulat k-k-a" Ano bang nangyayari dito?
"Uy. Umayos ka nga. Anong ngang meron sa akin? May sakit ba daw ako?"
"Bro buntis ka, ako ama!" sigaw niya.
"the f-fuck" nauutal kong sabi. Tumawa naman siya ng malakas.
"Joke lang bro ahahahaha- kasi- naniwala ka ba? Hahahahah" natatawang sabi niya. -,-
"G*go hindi ako naniwala. Nagulat lang ako" sabi ko sa kaniya
"Dude, wag kang magmura. Binibiro lang kita. Sabi ng nurse dahil lang daw sa init ng panahon kaya nahilo ka at dumugo ang ilong mo" sabi niya, inirapan ko naman siya.
"Oo nga, ang init kanina tapos tumambay pa kami sa ground" sabi ko sa kaniya. Napangiwi naman siya.
"Anong ginagawa niyo sa ground? Alam niyo namang ang init init don" naka-ngiwing saad niya.
"Kasi dide, pinaguusapan namin yang kapangitan mo. Paretoke ka kaya" biro ko sa kaniya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Gwapo kaya ako. Bilan kita ng salamin para malaman mo yung totoo. Di ko na rin kailangan magpa-retoke. Ang gwapo gwapo ko na kaya" ay ang hangin din neto eh noh.
"Baka g*go hindi gwapo" at tumawa ako. Sinamaan na naman niya ako ng tingin
"Sabing huwag kang magmumura eh" ani niya.
"Sabi ko nga hindi. Pero ikaw nagmumura" naka-nguso kong sabi.
"Gagaya ka ganon kasi nagmumura rin ako?"
"Why not?" naka-ngisi kong pang-aasar
"Tsk! Hindi maganda sa babae ang nagmumura" pangaral niya. Kumagat naman ako sa hawak niyang donut
"Tangina" mas lalo naman niya akong sinamaan ng tingin. Nginitian ko lang siya kaya napailing nalang siya.
"Oo nga pala, bro. Gusto mo ipagluto kita?" tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya.
YOU ARE READING
Sometimes
Dla nastolatków(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...