Hanggang ngayon di pa rin ako maka-paniwala sa sinabi sa akin kanina ni Yaxley.Nangbobola ba siya o totoo yun? Hay, ginugulo ni Yaxley ang isipan ko!
Nandito ako sa waiting shed, iniintay yung driver namin. Wala si Third dahil may pupuntahan daw siya. Gusto pa ngang ihatid ako kaso pinilit ko siyang wag nalang dahil magpapasundo nalang ako sa driver namin.
Pumapasok pa rin sa isipan ko yung sinabi sa akin kanina ni Yaxley. Pagkatapos non, hindi na kami masyadong nagpansinan. Bigla na rin kasing dumating sila Ashton at nagpapasalamat ako dahil don.
Pero mas lalo akong nagpapasalamat dahil friday na ngayon! At kanina napag-usapan namin nila Reona na mamaya mag c-club kami dahil bukas wala namang pasok.
Si Reona at Rhaynne naman syempre nauna nang umuwi. Excited pa nga si Reona kasi sigurado daw siya na papayag yung parents niya mag club siya as long as she's with us the whole hour. Tatawag-tawag din daw sa akin yung daddy niya bawat oras na lumilipas kaya paniguradong hindi talaga siya makaka-takas
Kaming tatlo lang ang aalis, dahil gusto yun ni Reona.
Maya-maya dumating na rin ang driver namin at agad akong inihatid sa condo ko.
PAGKA-DATING ko sa condo, dahil nga boring, nag-fb nalang ako
-Yaxley Ford and Ashton Guilmori sent you a message-
Yes, friends kami sa fb. Pero bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ko yung pangalan ni Yaxley dahil naalala ko na naman yung sinabi niya kanina.
Una kong binuksan yung message sa akin ni Ashton. 'Ang pogi ko' naman ang message niya sa akin at ni-replay-an ko naman siya ng 'Ang kapal ng mukha mo'
At binuksan ko naman ang message sa akin ni Yaxley habang bumibilis ang tibok ng puso ko pero bumagal yun ng simpleng 'Yow!' lang ang message niya. Kala ko naman kung ano, kala lang pala.
Ni-replay-an ko naman siya ng 'Letche'. Ewan ko rin kung bakit.
Nagulat naman ako ng agad siyang nag reply
Yaxley: anong letche? Bad yan uy
Me: mas bad yung mukha mo
Yaxley: anong letche?
Me: wala. Sabi ko ang ganda ko
Yaxley: tapos ang gwapo ko kaya bagay tayo
Ba't ang cheesy niya? Hahahaha
Yaxley: still there?
Me: yeah. Still gorgeous
Yaxley: as always
Me: yeah right. Bye
Yaxley: out agad?
Me: yeah
At nag log-out na ako. Kasabay naman nun na tumawag si mommy kaya sinagot ko
"Yes mom?" bati ko
"hey, sweety may pupuntahan ka ba?" tanong niya sa kabilang linya
"aalis po kami mamaya nila Reona. Bakit?"
"may dinner kasi tayo with our business partner. Sinasama ka namin dahil kasama nila ang anak nila"
"babae?"
"lalaki, sweety"
"Nirereto niyo ba ako sa kaniya?"
"of course not, sweety. Pero kung gusto mo naman, why not?"
"Pero aalis kami nila Reona"
"saglit lang to"
"Hay, sure po kayo?"

YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...