Chapter 15

29 3 1
                                    


"Bakit kasi ikaw ang umako ng parusa ni reona? Nakakapag-gala tuloy siya ngayon" takang tanong ko kay yaxley habang nag-aayos ng libro. Ganun din ang ginagawa niya.

"Gusto lang talaga kitang makasama" sabi niya at sumulyap sa akin. Hmp.

"Corny mo. Bakit nga?"

"Wala lang. Ang boring ei kaya naisip kong sumama sayo" sagot niya.

Nandito kami sa library ginagawa ang parusa na ginawa namin kahapon ni reona pero imbis na si reona ang kasama ko, andun nagsasaya sa cafeteria kasi inako lahat ni yaxley ang dapat niyang gagawin. Psh.

"Boring daw. Mas boring nga dito ei. Nagugutom tuloy ako" ani ko at lumipat sa isang shelves. Magka-talikod naman kami ngayon.

"Hindi kaya boring dito. Nandito ka kasi" ang hilig mang-bola nito

"Kunwari naniwala ako" sarkastiko kong sabi.

"Okay. Kunwari rin naniwala ako" inirapan ko naman siya.

"Libre mo'ko mamaya ha" sabi ko sa kaniya. Pumunta naman siya sa gilid ko "Tapos ka na?" tanong ko sa kaniya

"Oo. Sige libre kita. Kahit ano" ngiti niyang sabi.

"Kahit ano talaga?" paninigurado ko.

"Kahit ano" Hmmm..

"Sige, libre mo ko ng pinaka-gwapo at pinaka-hot na lalaki" biro ko tsaka tumawa. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Tsk! Nandito naman ako naghahanap ka pa ng iba" sabi niya. Napahinto naman ako saglit pero nag-patuloy pa rin ako sa paga-ayos. Malapit naman na rin ako matapos.

"Wag ka ngang ano diyan"

"Anong wag ano?" tanong niya. Inirapan ko naman siya ulit.

"Wag kang nabibiro ng kung ano ano" sagot ko at humarap sa kaniya kasi tapos na ako mag-ayos. Medyo lumapit naman siya sa akin.

"Hindi ako nagbibiro. Ako yung nandito pero iba ang hinahanap mo" napangiwi naman ako sa sinabi niya. What does he mean?

"Anong eme eme yan?" natatawang biro ko sa kaniya

"What's eme eme?" inosente niyang tanong. Fudge! Ang cute niya!

"Nevermind"

"Psh. Halika nga" hinawakan niya ang kamay ko at hinila kung saan.

"San tayo pupunta?" nagtatakang kong tanong.

"Shut up" luh g*go ang sungit niya ngayon. bago yun ha.

"Edi shut up. Pero san nga tayo pupunta? Pwede namang di manghila diba" naasar kong sabi

"i said shut up"

"Sabi ko nga shut up na" sinamaan naman niya ako ng tingin kaya inirapan ko siya. Hambalusin ko to.

Nakarating naman kami sa cafeteria at agad niyang akong pina-upo sa isang table at agaran siyang umalis. Anong problema ng shokoy na yun? Oo, shokoy siya ngayon kasi ang sungit niya. Walang connect diba? Shut up ka nalang din.

Bilang lang ang mga nandito sa cafeteria dahil nga may klase pa ngayon kaya walang masyadong mga stupidents. Hindi ko din makita si reona.

Bumalik si yaxley ng may dalang dalawang fries tapos isang slice ng cake at chucky. Waaa chucky!

Nang-binigay niya na sa akin yung pagkain ko agad akong kumain. Ang tahimik!

"Shokoy" sinamaan naman niya ko ng tingin. Luh? Ano na naman ginawa-- ay shet natawag ko siyang shokoy.

SometimesWhere stories live. Discover now