Nagdaan ang isang araw na kinapagod namin ng husto dahil puro activity kahapon.Well, at least worth it naman yung pagpapagod namin ng class 1 dahil kami ang nag champion. Yes! Kami ang nag-champion kaya kanina talaga tuwang tuwa yung mga kaklase ko. Sino ba namang hindi matutuwa diba pag nag-champion kayo sa isang laro. Nanalo kami sa larong beach survivor, kahit medyo nahirapan kami, kami pa rin ang nanalo. And syempre yung mga laro namin nakaka-develop naman siya ng skills tapos parang exercise na rin.
Nanalo kami ng trophy, gift certificate and foods. Walang cash e hahahaha. Binigyan naman ng gift certificate yung section ng class 2 and 3. Of course kahit hindi sila nanalo nag-pagod pa rin sila at binigay din nila ang effort nila para Manalo.
Ngayon, nandito kami sa gilid ng dagat. Bawat section mag-kahiwalay na nagbo-bonfire. Buong class 1 kasama namin. Medyo malayo naman sa amin ang dalawang section. Sari-sarili kaming latag ng sapin sa buhangin. Kinakain din namin yung napanalo naming foods.
Katabi ko si reona at rhaynne. Sa tabi naman ni reona si chris tapos si yaxley and mike. Sa tabi ni rhaynne si ashton at topher na panay ang tawa marahil may pinag-uusapan. Ako naman tahimik lang na kinakain ang cookies ko habang nakatitig sa apoy. Nabaling naman ang atensiyon namin kay sean ng bigla siyang nagsalita, kaklase naming lalaki.
"Hey guys, why don't we play a game? Since medyo nagkakasiyahan na rin naman tayo" suggest niya. Here we go again.
"What game? Yung katulad nanaman ba na nilalaro natin? Kung yon, i'm out. Pagod na ako" sabi ng babaeng katabi niya. Hindi ko alam panglan niya. Hindi lahat ng kaklase ko alam ko pangalan kahit 30 lang kami eh.
"No. Maglalaro lang tayo habang naka-upo lang tayo dito at kumakain" sabi niya at kinindatan ang babae.
"So what game?" Tanong ni reona.
"Tawagin na natin itong confession"
"Confession?" Hindi ko mapigilang mapatanong.
"Plinano ko na talaga to kahapon habang naglalaro tayo. Dahil alam ko medyo maboboringan tayo pag nag-bonfire. Tsaka para na rin gumaan ang pakiramdam natin sa isa't isa o kaya maging close tayo" paliwanag niya. May point siya. Pero anong klase namang laro ang confession?
"Explain mo na kung ano ang confession" sabi ni rey. Isa ko ring kaklaseng lalaki na basketball player. Medyo playboy dahil madaming babae, gwapo kasi.
"Okay. Meron akong mga piece of paper dito na nakalagay sa bowl. Nakasulat sa piece of paper ay pangalan natin. As in lahat. Kung hindi niyo alam hiniram ko yung attendace kahapon kay kuya andres para malaman ko yung pangalan niyo. Kilala ko yung iba sa inyo pero yung iba hindi. So ayun na nga, bubunot kayo ng isa. Hindi niyo sasabihin kung sino ang nabunot niyo ha. Tapos kung turn mo na, sasabihin mo yung gusto mong sabihin sa kaniya. Sasabihin mo sa aming lahat hindi lang sa kaniya dahil hindi mo naman sasabihin kung sino ang nabunot mo. Bahala na silang mag-isip kung sino yun. So ano, game? Pero sige, pagtapos ng confession ng lahat, pwede mong sabihin kung sino" Paliwanag niya.
"Game. Sayang naman yung pagkuha mo ng attendace at effort mo kung hindi kami mag-gi-game" may point.
Bumunot na kami isa isa. Ang nabunot ko si reona. Nang makabunot na ang lahat, isa isa na rin silang nag-confess.
"Gusto ko lang sabihin sa kaniya na sana wag siyang mamatay ng maaga" sabi ni mike. Nagtawanan naman kami sa sinabi niya
"Sira-ulo" komento ni topher. Hindi nalang naman siya pinansin ni mike. Next is si yaxley. Nakita ko pang ngang naga-alilangan siya pero nag salita na rin.
"May gusto ako dito sa babaeng to" agad naman nag-hiyawan yung mga babae dahil sa sinabi ni yaxley. Sino yung nabunot niya?
"Ako yan ako yan!" Sabi ng isa kong kaklaseng babae. Feelingera.
"Sabi sabihin mo yung gusto mong sabihin don hindi sabihin yung feelings mo sa kaniya" sabi ni topher habang tumatawa pa
"Ganon na din yun" sabi ni yaxley. Tumigil na rin yung iba sa panga-asar kay yaxley kaya nag-salita na din si chris.
"Sana tumangkad na tong taong to at tumalino" sabi ni chris at tumawa.
Nakita ko namang umirap si emma, yung pinaka-maliit sa amin pero alam ko matalino din naman yan eh. Mga kalokohan ang mga pinagsasabi ng mga magkaka-ibigan na to. Pero curious ako kung sino nabunot ni yaxley.
"Hindi ko kasi kilala kung sino to eh pero babae. So sana gumanda na to at huwang maging malandi" sabi ni reona na tinawanan din ng lahat. Isa pa to, kalokohan din ang sinasabi hahahha.
Ako na. "Thankful ako dahil dumating tong taong to sa buhay ko at laging nandyan para sa akin. Sana maka-sama ko pa ng sobrang tagal" sabi ko. Ayon naman talaga yung gusto kong sabihin kay reona kung sakali pero syempre hindi lang yan.
"Siya lang yata ang nag-sabi ng matino" sabi ni sean
"At least may sinabi pa rin kami" depensa ni chris. Tinawanan na lang namin sila.
Nang tapos na lahat mag-confess, yung iba sinabi na rin kung sino nabunot yung iba naman hindi. Nabunot ni mike si chris. Nabunot ni chris si emma tapos nabunot ni reona si cathlyn, yung nagpakilala sa akin noon. Hindi na lang naman pinansin ni cathlyn yung sinabi ni reona.
"9 pm na guys and halata namang wala pang gustong matulog so mag-kantahan na lang tayo. Pero gusto ulit naming marinig kumanta si yaxley" sabi ng bakla naming kaklase
"Oo nga. Huli naming narinig boses mo nung kinantahan mo si anes" napa-iwas naman ako dahil sa sinabi ni reona. Pinaalala pa.
Sinabi ko naman sa kanila na dare lang yun at pakana yun ni mike. Yung iba naniwala pero yung iba hindi dahil bagay naman daw kami. Ehem.
Sa huli napapayag din nilang kumanta si yaxley. May gitara pa nga galing don sa kaklase naming nag-dala ng gitara. Hindi pa nagsisimulang kumanta si yaxley pero nakaka-tutok na ang lahat sa kaniya. Pati ako.
Yes I do, I believe
That one day I will be, where I was
Right there, right next to you
And it's hard, the days just seem so dark
The moon, and the stars, are nothing without you
Your touch, your skin, where do I begin?
No words can explain, the way i'm missing you
Deny this emptiness, this hole that i'm inside
These tears, they tell their own story
You told me not to cry when you were gone
But the feeling's overwhelming, it's much too strong
Can I lay by your side, next to you, you
And make sure you're alright
I'll take care of you,
And I don't want to be here if I can't be with you tonight
I'm reaching out to you
Can you hear my call
This hurt that I've been through
I'm missing you, missing you like crazy
Can I lay by your side, next to you, to you
And make sure you're alright
I'll take care of you,
And I don't want to be here if I can't be with you tonight
Lay me down tonight, lay me by your side
Lay me down tonight
Lay me by your side
Can I lay by your side, next to you, youPa-simple kong hinawakan yung dibdib ko kung nasan ang puso ko. Ang lakas kasi ng tibok. Pano ba naman habang kumakanta si yaxley tumititig sa akin kaya napapa-iwas ako kasi feeling ko ako kinakantahan.
Pero sino ba talaga nabunot niya?
YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...