Reona's POV
"Bwiset ka! Sabi ko sa mall hindi sa sementeryo!" Singhal ko sa tawang tawang benedict na nasa harap ko. Argh bwiset!
"Anong masama sa sementeryo? At least nga dito peaceful tapos masyadong tahimik. Sa mall naman crowded at ang ingay ingay" sabi niya na tawang tawa pa rin.
Seriously, may sapak ba to?!
"May mabibili ka bang damit, sapatos o make-ups dito? Diba wala?!"
"Wala ka pa naman sigurong ulam so dito libreng libre kang kumuha ng mga laman loob. Hugasan mo nalang"
Gross!
"Kadiri ka, benedict! Manahimik ka dyan at dalhin moko sa mall! Baka naka-kalimutan mo, yaya kita kaya sundin moko!" Sabi ko habang pumapadyak - padyak pa.
"Ayoko nga. Kung gusto mong umalis, umalis ka mag-isa mo. Hindi kita ihahatid" sabi niya at humagalpak na naman ng tawa.
May sapak nga tong lalaking to. Sabi ko dalhin niya ako sa mall pero dinala ako sa sementeryo. Argh!
Sinapak ko naman siya sa braso kaya medyo humina ang tawa niya. Parang naman tong hindi humagulgol ng iyak sa balikat ko nung sinaktan siya ng gf niya. Note the sarcasm.
"Ba't ka na nanapak? Inaano kita?"
"Obvious ba? Bwiset ka talaga jusko!" inirapan ko siya "so anong gagawin natin dito? Magta-taya tayaan, ganon?"
"Oo. Simulan na natin ngayon. Ikaw taya"
At dahil ayoko talagang ma-bwiset ng sobra tinalikuran ko naman siya pero agad niya akong hinawakan sa braso at pinaharap sa kaniya.
"Hilig mo talagang hilahin ako noh?" Naka-ngiwing kong sabi sa kaniya. Binitawan naman niya ako.
"Hilig mo rin kasing talikuran ako" huminga siya ng malalim "Today is my grandmother's death anniversary. Wala parents ko dito at kapatid ko so ako lang ang bibisita sa kaniya. Sinabi mo na rin naman sa aking aalis tayo dahil kailangan mo ko bilang yaya, edi sinama nalang kita" sabi niya, emphasizing the word yaya.
"Kaya tayo ngayon nandito?" Muntik na akong mag roll eyes sa sinabi.
"Obviously. Wait" sabi niya at pumunta sa back seat ng kotse niya
Nandito kasi kami sa labas ng kotse niya. Nilibot ko ang paningin ko. Para siyang sa memorial park pero sure akong hindi ito memorial park. May nakikita naman akong konting tao, dumadaan daan lang. Yung iba taga linis siguro. Ewan ko.
Nang marinig ko ang pag sara ng pinto agad akong napatingin kay benedict. May dala siyang isang boquet ng flowers at mga kandila. Hindi ko nakita sa backseat kanina yun ah.
"Let's go" sabi niya. Tahimik ko naman siyang sinundan habang nag simula na kaming maglakad.
Huminto kami sa tapat ng may nakalagay na pangalan 'Maria leonora teresa' hehe charot. 'Maria Cecilia Ignacio'
Umupo naman kami sa lapag harap non. Malinis naman ang mga grass kaya walang problema. Nilagay naman ni benedict yung flowers don at sinindihan niya ang dalawang kandila.
"Hi grandma!" Panimula niya "alam mo ba, namimiss na kita grandma. Wala na kasing nangi-spoil sa akin sa bahay. Kahit naman si grandpa nami-miss ko na eh. Pero ikaw, sobra. Bakit mo pa kasi ako iniwan agad grandma e. Hindi ka pa naman masyadong matanda, maganda ka pa nga grandma" mahina siyang tumawa sa sariling sinabi habang ako nakatingin lang sa kaniya.
Kung titignan mo yung mukha niyang may lungkot at pag narinig mo ang mga sinasabi niya, hindi mo aakalaing siya si benedict. Ang nakikilala benedict ay mayabang eh tas mahangin pa.
"Anyway, grandma. Kasama ko nga pala yung amo kong maganda, si reona" napangiti naman ako sa sinabi niyang maganda. Sabi ko na nga ba ang ganda ko eh.
"Kaso grandma maganda nga, panget naman ang ugali. Ginawa pa nga niya akong yaya eh" mahina ko naman siyang hinampas sa braso sa sinabi pero natawa nalang din. Kahit kailan talaga sira-ulo to.
"By the way, grandma. Break na nga pala kami ng gustong gusto mo para sa akin. Sinaktan niya ako grandma kaya ang sakit sakit. Siguro kung nandito ka pa, iko-comfort mo ako at sasabihin mong 'everything will be alright' kahit na gusto mo siya para sa akin" sabi niya at hinaplos ang pangalan ng kaniyang lola pagkatapos tumingin siya sa akin.
"Pero grandma buti nalang nandito si reona at siya ang nag-comfort sa akin. Hindi niya ako iniwan ng gabing yun. Kaya naman nagpasalamat ako sa kaniya kasi kahig gaano niya pa ako ka-ayaw, hindi niya pa rin ako iniwan" nakatitig siya sa akin ng sabihin niya yun. Hindi ko naman alam kung bakit biglang bumilos ng tibok ang puso ko kaya napaiwas ako ng tingin.
Tumayo naman siya at naglahad ng kamay. Nag-aalinlangan pa akong kunin pero ginawa ko nalang din.
"Bye grandma. Punta nalang ulit ako dito next time. Busy sa school e. I love you grandma" paalam niya.
"Bye po" paalam ko din na para bang nasa harap ko ito.
"Let's go" aya niya sa akin. Tumango naman ako kaya nag-simula na kaming maglakad nang mapansin ko na magka-hawak kamay pa rin kami.
"Yung kamay ko bitawan mo na" sabi ko pero nginitian niya lang ako.
"Ayoko. Anyway, sa mall ba talaga tayo magdi-date, babe? Baka gusto mo yung merong mga rides"
"Babe mo mukha mo! Tsaka anong date pinagsasabi ko dyan? FYI, yaya kita" sabi ko at inirapan siya. Bigla naman niya akong inakbayan.
"Wag ka ng kumontra babe. Let's go. Mag-date na tayo" sabi niya.
Napailing nalang ako. Pero sa di malamang dahilan, napangiti nalang din ako.
YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...