"Hindi pa tayo pero ang sweet ko na, pano pa kaya pag tayo na?""Hindi pa tayo pero ang sweet ko na, pano pa kaya pag tayo na?"
"Hindi pa tayo pero ang sweet ko na, pano pa kaya pag tayo na?"
"Uy anes!"
"Okay lang ako!" biglang nasambit ko at napalakas ang boses ko kaya nag-sitiningan ang mga kaklase ko at kasama na don ang prof ko. Patay.
"Is there something wrong, Ms. Valdera?" tanong sa akin ni Prof. Enriquez
"Nothing Prof" wika ko at mukha naman siyang naniwala kasi pinagpatuloy niya ang pag susulat niya sa whiteboard
"Anong nangyayari sayo? Ba't ka tulala?" takang bulong na tanong sa akin ni rhaynne para hindi kami marinig ni Prof. Enriquez
"Wala. Nagugutom lang ako" dahilan ko
Hindi rin pala nila alam na nag date kami ni yaxley kahapon. Wait.... Date ba talaga yun o friendly date lang? Ay ewan, basta sa akin date yun!
Crush ko na nga si yaxley e. Sino ba naman ang hindi magkaka-gusto don sa lalaking yun na mala-adonis ang mukha? Naging crush ko lang talaga siya dahil sobrang gwapo niya hahaha pero crush lang. Di kasi ako marunong ma-inlove.
At naalala ko na naman ang sinabi niya kahapon. Mabuti pagkatapos nun hindi naging awkward. Minark ko pa talaga ang date kahapon sa kalendaryo namin.
Naalala ko rin yung kumanta siya sa akin. Pwede na nga akong mamatay non sa kilig buti napigilan ko, paano ba naman yung mga pamatay lines niya at pamatay na ngiti.
Pag ikaw ginanon niya at hindi ka kinilig sisikmuraan kita! Pero syempre joke lang, ako lang pwede niyang i-date, syempre assumera na naman ako.
Tapos ang ganda pa ng view. Papalubog na ang araw non at sa harap kami ng dagat kumain pero syempre medyo malayo rin dahil mamaya umalon ng malakas at matangay kami. Edi wala nang pinaka-maganda at pinaka-gwapo sa balat ng lupa?! Ok ang corny ko
Binigyan niya rin ako ng kwintas na may pendant na Y nang-galing don sa umpisa ng letter ng pangalan niya at para daw don malapit siya sa puso ko corny niya noh? Pero nakakakilig! Tinanong ko rin kung bakit niya ginawa yung kagabi na 'Date' ang sagot niya lang sa akin gusto lang daw niya.
"Uy!" biglang may nang-gulat sa akin kaya naputol ang pagkaka-kilig ko dito
"Ano ba?" naiirita na sabi ko kay rhaynne
"Kanina ka pa namin niyaya" sabi ni rhaynne. At bakit?
"Bakit?" takang tanong ko
"Duh. Recess na natin oh, kanina pa dismiss si Prof. Enriquez at ikaw kanina ka pa lutang. What's bothering you?" tanong ni reona.
Hala ngayon ko lang napansin na kami nalang ang tao ditong apat. Apat syempre kasama si third na tahimik lang naka-tunganga sa amin. Kanina pa pala nag dismiss si prof? Di ko na tuloy napansin sa sobrang pagka-kilig ko, tsk!
Kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo. Sabay-sabay na rin kaming lumabas at pumuntang cafeteria.
Pagka-dating namin don, wala sila yaxley. Si rhaynne at reona naman ang mag oorder kaya kaming dalawa ni third ang naiwan dito sa table namin.
"Nasan ka nga pala kagabi?" biglang tanong ni third sa akin.
"Huh? Bakit?"
"Pumunta kasi ako sa unit mo para mang-hingi kung may mantika naka-limutan ko kasing bumili pero wala ka naman don"
Mantika?
"Ay. Kasi ano... Nag-dinner kami kagabi nila mommy kaya wala ako kagabi" gabi na rin kasi ako naka-uwi
Nasa Tagaytay pala kami kahapon at nagpag-alaman ko rin na meron don rest house si yaxley. Ang ganda nga eh pinapasok niya rin kasi ako don pagkatapos naming mag-dinner. Siya na mayaman.
"Ahh. Anong oras ka naka-uwi?"
"Ah hindi ako sigurado eh"
Magsasalita na dapat siya ng may mga tumili sa cafeteria. Napatingin naman ako don. Kaya naman pala, nandiyan na kasi sila yaxley at deretso sila dito.
"Yow, dude" bati ni yaxley, tinanguan lang naman namin siya ni third
"Nasan sila rhaynne?" tanong ni topher
"Bumibili" sagot ni third. Umalis rin naman yung kambal para siguro bumili rin. Sila yaxley naman kumuha ng upuan at dinagdag dito sa table namin.
"So kamusta tulog mo, dude?" tanong sa akin ni yaxley. Yeah, dude ang tawagan namin. Wala lang trip trip lang namin
"Okay lang" sagot ko
"Masarap ba yung mga pagkain na inihanda ko?" putek! Nandito si third
"A-ah o-oo naman. Gusto ko pa nga eh" sagot ko nalang. Totoo naman eh. Magaling palang magluto to si yaxley.
"Mabuti naman. Sige, bibigyan kita bukas ng luto ko, gusto mo mamaya?" tanong niya
"Bukas nalang" sabi ko
"Sige" ngiting-ngiting sabi niya
"Wait lang, anong meron?" tanong ni ashton
"Oo nga. Binigyan mo siya ng luto mo?" tanong pa ulit ni ashton
"Oo" sagot niya
"Sa kaniya pa lahat ng mga pagkain na niluto mo?" letche ka ashton ang chismoso mo! Huhuhu. Pero bago pa makapag-salita si yaxley, inunahan ko na siya
"Hindi. Bumisita kasi kami nila mom kila ashton para sa business. Tapos yun" kibit balikat ko. Tinignan naman ako ni ashton binigyan ko naman siya ng mamaya-na-ako-magpapaliwanag-look. Mukha naman na-gets kasi medyo tumango siya.
"Ahh" dumating narin naman sila rhaynne kasama ang kambal.
"WHY, MOM?" tanong ko sa kabilang linya
"sweety, may nag re-recommend sayong owner ng bar na kaibigan ko. Magiging solo artist ka don, dahil nabanggit ko na kumakanta ka"
"What?!"
"Don't shout, sweety. Bukas kikitain mo siya at mag a-audition ka" at pinatay niya yung linya.
What the?! Ano ulit yun? Ako kakanta sa bar? Di nga?
"Ano daw sabi?" tanong ni rhaynne na nasa tabi ko
"Wala, ang ganda ko" ani ko
"Wala daw pero sabi ang ganda ko" sabi ni reona. Panira talaga tong babaitang ito.
"Uwi na ako" sabi ko sa kanila
"Ang aga pa ah" wika ni yaxley. Tumayo naman ako.
"Pagod ako dahil may mga suprise quizzes kami kanina. Kaya, bye" sabi ko at kinawayan sila. Tumalikod na rin ako at nagsimulang maglakad papalayo.
Hayst, pagod talaga ako kakaisip sa mga quizzes namin kanina.
Pero, naalala ko na naman ang sinabi ni mommy! Yieeee, exciting!

YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...