Chapter 18

17 3 0
                                    


"ang tagal naman nila" naiinip kong sabi habang dinidilaan yung ice cream na binili namin ni yaxley. nandito na kami sa bahay nila yaxley at iniintay namin ang iba. sinundo kasi nila ashton sila reona.

"Kakarating pa lang daw nila don sa bar" sabi ni yaxley. nandito kami naka-upo sa sofa

"paano mo naman nalaman?" tanong ko

"tinext ako ni chris" tumango nalang ako

Ilang minuto pa kami nag-antay hanggang dumating sila ashton. kaya rin pala sila natagalan dahil bumili pa sila ng pagkain at beer.

"handa mo na yung visual room" biglang sabi ni mike kay topher. seryoso may vsual room sila dito? hahahaha

"bat ako nalang lagi? kanina niyo pa kaya ako inuutusan" Naka-busangot na sabi ni topher. ang cute niya. pero mas cute kapag paa ko.

"sinusunod mo ba?" sabi ni chris. wala namang nagawa si topher kaya umakyat nalang siya papunta don sa viual room nila

Reona's POV

Taray nila ha may pa visual visual room pa silang nalalaman. hindi sa pagmamayabang pero kahit naman mayaman kami wala kaming ganon sa bahay, kasi nga hindi naman kami mahilig manood. pag manonood kasi kami sa cinema.

"Tapos ka na tumulala diyan?" biglang sulpot ni kupal chris.

"hindi pa. inintay talaga kita. lika samahan moko dito" naka-ngiting sabi ko sa kaniya. nandito kasi ako sa sofa nila habang yung iba nasa kusina at naghahanda ng pagkain.

"so gusto mo na ko niyan?" sabi niya at umupo sa tabi ko

"magugunaw na ba ang mundo?"

"bago magunaw ang mundo gusto ko kasama kita"

"gusto ko ba?"

"hindi ka talaga nauubusan ng pambara noh?" naasar na sabi niya

"Hindi ka talaga tatahimik noh?" Irap ko sa kaniya. Pero napapagod na talaga ako makipag-asaran sa kanya.

"Tsk. May galit ka ba sa akin?" Tanong niya.

"Sa tingin mo?" Pabalik kong tanong

"Ay wow, tinanong kita tapos tanong din ang sagot mo. Wow magic"

"Wow magic? Korni. Hindi naman magic yun"

"Ginaya ko lang. Napanood ko kasi yun sa isang tv show" bigla naman ng bumaba si topher

"Handa na. Malinis na talaga. Nakakahiya naman sa inyo" sabi niya at umakyat ulit. Natatawa namang sumunod kami sa kaniya.

"Ang gwapo ng kambal mo noh?" Sabi ko kay chris

"Bakit gusto mo kapatid ko?"

"Ay wow, tinanong kita tapos tanong din sagot mo. Wow magic" inirapan ko nalang siya pumasok na sa loob ng visual room.

Pagka-upo ko agad namang may tumawag sa akin. Sinagot ko naman ng di tinitignan kung sino yung tumatawag.

"Anong kailangan mo? Siguraduhin mo lang na may sense yang sasabihin mo"

"Reona" nahinto naman ako.

Rhaynne's POV

Umupo na kaming dalawa ni anes sa sofa habang yung mga boys nasa sahig. Si reona nasa labas. May tumawag yata sa kaniya eh.

"Anong papanoorin natin?" Tanong ni mike

"Spider man" suggest ni topher

"Pa-ulit ulit nalang, topher? Di nagsasawa?" Irap ni chris

"Malamang. Kaya nga paulit-ulit eh"

"Tsk! Manahimik na kayo" saway sa kanila ni anes

"Nakakatakot kasi dapat" suggest ko naman at kinuha ang nova sa tabi ni ashton

"Wow! Nakakatakot daw sabi ng pinaka-matapang sa atin" sabi ni chris.

"Tsk! Mamili na kayo ang dami niyong dada" suway ko sa kanila. Di kami makakapanood neto eh.

"Ako nalang mamimili" sabi ni anes at lumapit sa mga DVDs nang pumasok sa loob si reona

"Guys" tawag sa amin ni reon kaya lumingon kami sa kanya. "Sorry pero hindi ako makakapag-overnight dito. Kailangan ko ng umalis" sabi niya

"Huh? Bakit?" Tanong ni chria

"Someone's need me"

Sasagot pa sana kami pero nakalabas na siya. Nagkatinginan naman kami ni anes. Sino naman may kailangan sa kaniya? May pa someone's someone's need me pa siyang nalalaman.

Hay nako bahala na siya basta gusto ko na manood ngayon. Buti na rin wala dito si reona para walang maingay. Pag-manonood kasi kami ang ingay ingay niya. Laging may side comments.

Ewan ko kung anong palabas ang sinalang nila anes pero masasabi kong nakakaiyak.

Yung lalaki kasi habang sila pa ng gf niya lumalandi pa siya at ang matindi pa umabot sila ng ilang years hanggang sa kinasal sila at ganon pa din ang ginagawa ng lalaki. Alam ng babae ang ginagawa ng lalaki pero di niya mahiwalay-hiwalayan dahil mahal niya nga at magagalit yung parents non. Hanggang sa hindi na nakayanan ng babae ang ginagawa nung lalaki at nagpakamatay siya. Ayun sising sisi ang lalaki dahil narealize niya kung gaano kahalaga sa kaniya ang babae.

Tama nga sila. Nasa huli ang pagsisisi kasi hindi ka naman magsisisi kung wala ka pang ginagawa. At tama rin sila na makikita mo lang ang halaga ng isang tao o isang bagay kapag nawala na ito. Kasi hahanap-hanapin mo na ito. Kasi nakasanayan mo na to.

Na-realize ko rin sa palabas na to na bago pa mahuli ang lahat, bago pa may mangyari na hindi mo gugustuhin,  mas mabuti nalang gawin mo nalang yung nararapat kahit hindi mo ito nakasanayan kasi sa oras na mawala yan, ikaw rin ang kawawa. Kasi sa buhay natin, kailangan may mag-sacrifice.

Kunwari yung lalaki, alam niya namang mahal niya yung babae pero patuloy pa rin siya sa paglandi ng kung kani-kanino.

Pero isa lang ang hindi ko gets eh. Bakit may mga taong pinipigilan nila ang nararamdaman nila sa isang tao? Bakit ang dami-daming torpe o ano? Kasi natatakot sila ma-reject? O natatakot silang malaman ang totoo? Pero diba dapat mas matakot sila pag hindi sila kumikilos kasi imposible na maunahan ka?  Diba mas masakit yun? Na makita mo ang mahal mo na may kasmang iba.

Dapat kasi labanan mo yang ka-torpehan mo. Kasi wala ring mangyayari kung tutunganga ka lang dyan. Kasi kahit talo ka, panalo ka pa rin non para sayo kasi syempre lumaban ka eh. Pinaglaban mo yung nga mahal at mahahalaga sa buhay mo kahit na hindi mo naman ito nakuha.

Ganon naman talaga sa buhay eh, hindi lahat nakukuha, hindi lahat napapasayo. Kasi paano naman ang iba diba? Ano gusto mo lahat sayo? Ang selfish mo naman kung ganon.

Hayst ang gulo! Kung ano ano na nga pinagsasabi ko dito kahit wala pa naman akong experience . Pag-ibig nga naman oh. Pero isa lang talaga ang sure ko if you want anything or anyone, work for it.

SometimesWhere stories live. Discover now