Chapter 26

26 2 0
                                    


Monday ngayon. Wala kaming pasok dahil nga doon sa camping namin. Kahapon lang kami naka-uwi.

Kasalukuyang nandito kaming tatlo nila reona at rhaynne sa condo ko. Nagmo-movie marathon.

"Sino kaya yung gusto ni yaxley?" Biglang tanong ni rhaynne. Nanonood kami ng The last song nila miley cyrus.

"Oo nga. Baka naman isa sa ating tatlo" sabi ni reona at tumawa. Umirap naman ako habang naka-tingin pa rin t.v

"Syempre, kung tayong tatlo lang naman ang choices, edi si anes o kaya ikaw! Bawal na ako eh" sabi ni rhaynne at tumawa. Napa-tingin naman kami sa kaniya dahil sa sinabi niya. Bawal?

Nang mapag-tanto niya kung ano ang sinabi niya agad siyang napa-takip sa bibig niya at nag-peace sign sa amin.

"What do you mean bawal ka? May tinatago ka ba sa amin?" Nanliliit ang matang tanong ni reona.  Napa-iwas naman ng tingin si rhaynne

"Syempre magagalit yung parents ko at ayoko kay yaxley" sabi niya. Inirapan ko naman siya. What a lame excuses.

"Wag ka ng magka-ila. Sila tito at tita na mismong nag-sabi pwede ka ng mag-boyfriend pero dapat alam mo ang limits mo" sabi ko sa kaniya.

Napahawak naman siya noo niya dahil alam niyang alam namin kapag nagsisinungaling ang isa sa amin.

"Sabihin mo na kasi" pag-pilit ni reona. Naba-buntong hininga naman si rhaynne dahil wala naman siyang magagawa kundi umamin nalang.

"Bat kasi wala akong preno eh" bulong niya sa sarili niya pero narinig namin

"Wala ka naman kasing kotse kaya mas lalong wala kang preno" sabi ni reona.

"Umamin ka nalang, rhaynne" sabi ko.

"Okay okay eto na aamin na" sabi niya at bumuntong hininga nanaman ulit.

"Meron na akong fiancé"

"What?!" Gulat kong sabi

"Are you freaking serious?!" Si reona na hindi rin maka-paniwalang sabi. Tumango naman si rhaynne.

"I'm freaking serious at arranged marriage lang yun" sabi niya.

Umayos naman ako ng upo habang nakatingin pa rin kay rhaynne. Nawala na rin yung atensiyon namin sa pinapanood namin.

"So who's the unlucky guy?" Tanong ni reona. Mahina naman akong napatawa dahil sa sinabi niya.

"Unlucky? Duh! Sobrang swerte niya nga na ako ang mapapang-asawa niya. Ako yata ang minalas" naka-busangot niyang sabi.

"Yuck. Sabihin mo nalang na pareho kayong malas sa isa't isa" tumawa naman kaming dalawa ni reona pagtapos niyang sabihin yun.

"Tsk. Siya nga yun e. Masyadong feelingero, hindi naman gwapo" sabi ni rhaynne at umirap.

"Eh sino ba yang lalaking yan?" Tanong ko.

"Si george. Naalala niyo nung nag-club tayo at kala niyo may nangyari na sa akin-- sa amin? Yung akala niyo nawala na yung v card ko? Siya yung lalaking nang-insulto sa akin!" Paliwanag niya.

"George? George padilla?!" Tanong ni reona. Nagtatakang napatingin naman kaming dalawa ni rhaynne sa kanya.

"Pano mo siya nakilala?" Tanong ni rhaynne. Kumunot naman ang noo ko. Bat ako hindi ko kilala yun? Nevermind. Hindi naman dapat lahat kilala ko.

SometimesWhere stories live. Discover now