Omygulay! Hindi pa rin ako maka-paniwala sa nangyari kahapon! Like what the hell? Liligawan ako ni yaxley.Kaso ang nakaka-lungkot lang hindi ako makakapasok ngayon. 7 am pa lang. Nandito kasi ako sa hospital, inatake si mommy sa puso. Dahil sa sobrang pagod. Paano ba naman laging nagta-trabaho. Mas workaholic kasi si mommy kesa kay daddy. Buti nalang stable ang lagay niya. Kasalukuyan siyang natutulog ngayon
Ako lang mag-isa dito dahil si daddy may inaasikaso sa company. Gusto pa ngang mag-stay ni daddy kaso pinilit ko siyang umalis dahil narinig ko kanina na may kausap siya sa phone na may problema daw sa company. Tumatawag tawag naman siya sa akin para kamustahin si mommy sinabi ko naman sa kaniya na wag siyang magalala at stable na ang lagay ni mommy.
At kahit inaantok na talaga ako gusto ko pa ring bantayan si mommy. Baka kasi gumising na siya.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Sino naman kaya yun? Kung doctor yun isang katok lang yun at papasok na. Don't tell me..... Multo to? No no no!
Pero paano ako hindi matatakot? Nasa taas ang room nato at medyo dulo tapos ako lang ang mag-isa dito. Ang tahimik pa, ang tunog lang ng aircon ang maririnig mo tapos biglang may kakatok?
Matapang na babae ako, pero ibang usapan na pag nasa hospital ako.
"Anes?" Rinig niyang may tumawag sa kanya. Malamig ang boses neto. Hala jusko!
Unti unting bumukas ang pinto habang nakatitig pa din ako don. Nang biglang may kumalabit sa akin kaya napaharap ako sa direksiyon ni mommy.
Nagulat naman ako ng wala akong nakitang kumalabit sa akin. Tulog pa si mommy!
"Psst!" Napatingin ako sa likod at nanlaki ang mata ko
May babaeng naka-ngiti sa akin habang kumakaway at naliligo sa dugo!
"Kyaaaaaaa!"
"Huy anes! Anes gumising ka nga!" Napa-angat ako ng may gumising sa akin. Si mommy!
"Ano bang nangyayari sayo? Nanaginip ka ba ng masama?" Dahil sa sinabi ni mommy tumingin ako sa likod ko, sa may pinto.
Walang babae. Nanaginip lang talaga ako. Bigla kong naalala si mommy kaya napaharap ako sa kaniya.
"Mommy? Are you ok? What do you need? Fruits? Water? How's your heart?" Sunod sunod kong tanong. Mahina namang napa-tawa si mommy.
"I'm feeling better now. But i need water" agad agad naman akong kumuha ng tubig sa may dispenser at pina-inom si mommy.
"Tatawagin ko si doc, mom" sabi ko sa kaniya at nilapag ang baso sa may bed table ng tapos na siyang uminom. Umiling naman siya.
"No need, darling. Naka-usap ko na sila nung tulog ka pa. They said i just need to rest"
"Are you really feeling better?"
"Yes, anak. Where's your father?"
"He's at our company, mom. May problema kasi kaya pinilit ko na siyang pumunta don"
"Oh i see. Anyway, wala ka bang pasok at nandito ka?"
"Ahm. Di po kasi ako pumasok, mom. Mas gusto kong bantayan ka dito"
"No. Stable naman na ang lagay ko diba? Kaya pumasok ka na sa susunod mong subject"
"Huwag na, mom. Ite-itext ko nalang sila reona" kahit may side sa akin na gusto kong pumasok dahil gusto kong makita si yaxley. Kaso nag-aalala talaga ako kay mommy.
Bigla namang may kumatok kaya napatingin ako don. No! Don't tell me nananaginip na naman ako? Ayoko ng makita yung babae kanina.
"Buksan mo. Baka bisita natin" sabi ni mommy kaya napatingin ako sa kaniya habang naka-ngiwi.
"Paano kung hindi? Pano kung multo yan?"
"Okay ka lang ba, anak? Walang multo kaya buksan mo na yung pinto"
Wala naman akong nagawa kaya dahan dahan akong lumakad at dahan dahan ko ring binuksan ang pinto. Naka-hinga naman ako ng maluwag ng makita kong si tita mariz iyon. Mama ni third.
"Kayo po pala tita. Pasok po kayo" ngumiti naman sa akin si tita at pumasok. Agad naman siyang lumapit kay mommy.
"Okay ka na ba? Ito nga pala oh. Prutas" binigay ni tita mariz yung isang basket ng prutas kaya kinuha ko ito at nilagay sa table.
"Okay na ako, mare. Salamat nga pala sa prutas" sabi ni mommy.
Nagulat naman ako ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko yan at tinignan kung sino ang tumatawag. Napangiti naman ako ng mabasa ko ang pangalan ni yaxley.
"Sagutin ko lang po to" paalam ko sa kanila. Tumango naman sila kaya lumabas ako ng room, kahit medyo natatakot pa rin ako.
"Hello" pag-bati ko.
"Nasan ka? Ba't di ka pumasok?" Tanong ni yaxley.
"Ahm. Na-hospital kasi si mommy eh. Inatake siya sa puso kaya di ako makakapasok ngayon"
"Ganon ba? Okay na ba si tita ngayon?"
"Ah oo. Stable naman na ang lagay. Pasabi nalang din kila reona kung bakit di ako makakapasok ha"
"Oh sige. Gusto mo bang puntahan kita dyan?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Pupunta siya dito eh may klase pa.
"Nako wag na. May klase ka pa. Ayoko namang umabsent ka"
"Tsk. Wag mo ng alalahanin yun basta pupuntahan kita dyan"
"Wag na. Okay lang naman na si mommy dito. Kailangan niya nga lang bantayan dahil wala dito si daddy"
"Wag ka na makulit. Basta pupuntahan kita" napailing nalang ako. Ang kulit talaga neto.
"Sige na nga. Wag mo kong sisihin kung may mga quiz tayo tapos wala ka ha"
"Hindi yun. Wag ka na mag-alala. Text mo sa akin address ng hospital ha"
"Sige. Ingat ka papunta dito?"
"Oo naman. Papakasalan pa kita eh" natawa naman ako sa sinabi niya. Kahit luma na ang linyang yon, kinilig pa rin ako
"Ewan ko sayo. Bye na" at pinatay ko na yung tawag.
Hay nako, yaxley. Aaminin kong unting-unti na rin akong nahuhulog sayo. Sana nga lang, maging maayos ang lahat.
Sana.

YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...