Chapter 34

36 1 0
                                    

NANDITO kaming barkada lahat sa rooftop nagku-kwentuhan at nag-iinoman. Yung parents nila Yaxley at yung ibang guests kasi na nandito kanina, lumipat don sa may pool area.

Sumunod nga dito si Third eh. Pinasunod na rin kasi siya nila Yaxley at nag explain na rin siya kung bakit di siya nakakapasok at nakakasama samin. Inaasikaso niya na daw kasing maigi yung company nila dahil ilang linggo nalang at mapapasakanya na yun ng tuluyan.

"Oo nga pala, malapit na christmas break ah wala ba tayong planong umalis manlang?" Tanong ni Reona

"Eh kayo ni Benedict wala kayong planong magka-anak na?" Banat ni Topher. Hinagisan tuloy siya ni Reona ng chips.

"Tsk. 'Di pa nga nanliligaw yung taong yun eh. Ang kupad!" Nagtawanan naman kami sa sinabi niya.

So gusto na niyang manligaw sa kaniya si Benedict? bilis ah.

"Eh baka naman kasi di pa tapos magmove-on yung tao. Ang kupad mo rin kasi" sabi ko. Napairap naman siya.

"Sige aaminin kong nagkakagusto na rin ako sa kaniya. Pero kung di pa siya nakaka-move on so trip trip niya lang yung mga pinapakita at ginagawa niya sakin ganon?" Medyo inis na sabi niya.

Woah, mukhang tipsy na si Reona ah. Kasi kung di naman, di naman siya magku-kwento tungkol sa feelings niya para kay Benedict.

"Baka nga" sabi ni Yaxley

"Oo trip ka lang talaga non. Kupad mo rin kasi eh" sabi ni Chris

"Baka naman iniisip niya lang ikaw yung babae kaya ginagawa niya yong mga ganong bagay" sabi ni Topher

"Wow salamat ha! Ang supportive niyo sobra!" bumaling naman siya kay mike "ikaw may sasabihin ka?"

"Sangayon ako sa sinabi nila" sabi ni mike kaya napahalakhak kaming lahat.

Magkakaibigan talaga tong mga to. Pare-parehong siraulo.

"Tsk! Balik tayo sa topic. San ba tayo pwedeng pumunta?" Si Reona

"Ay naalala ko" napatingin siya bigla kay Yaxley na dikit na dikit sakin. Hinahayaan ko nalang. "Diba may rest house kayo sa ilocos? What if don nalang tayo?"

"Oo nga. Ang ganda pa naman don" sang ayon ni Topher at ininom yung beer niya.

Pinilit nila si Yaxley hanggang sa napapayag din nila ito. So bago magpasko don kami sa Rest house nila Yaxley pupunta. Sa ilocos, yung malapit sa blue lagoon kung saan kami nag camping dati.

Napatingin nalang kami kay Third nang bigla itong tumayo.

"Sorry guys pero kailangan ko ng mauna. May gagawin pa kasi ako eh" paliwanag niya

"Lagi ka nalang kulang samin third" saad ko. Ginulo niya naman buhok ko.

"Sorry. Promise babawi nalang ako. Busy lang kasi talaga ako eh"

"Basta bro sa ilocos sumama ka samin" sabi ni Topher. Tumango naman si Third.

"Oo. Kahit ako na sumagot ng sasakyan. Sabihan niyo nalang ako kung kailan. Pasensya na ulit" tumango nalang kami sa kaniya. Ilang saglit pa siyang nagpaalam ulit samin bago siya tuluyang umalis.

"Grabe. Bata palang naman si Third pero sobrang busy na" saad ni Chris. Naramdaman ko namang sinandal ni yaxley yung ulo niya sa balikat ko.

"Ganon talaga. Ipapasa na kasi sa kaniya yung kompanya nila eh. Tsaka siya lang yung nag-iisang anak" sabi ko

"Eh ikaw? Diba nag-iisa ka lang ding anak. Edi sayo lang din ipapasa company niyo?" Tanong ni Mike

"Oo sakin lang din. Pero masyado pa kasing maaga. Eh yung kila Third may sakit yung daddy niya kaya kailangan niya na ring tumulong"

Ako nga rin may sakit eh.

"Sabagay" nasabi nalang nila.

"Kami ayaw pang ibigay samin yung company. Baka wala daw kasi kaming gawing mabuti" sabi ni Chris. Napatawa naman kami sa sinabi niya.

"Ang galing mo noh. Dinamay mo pa ako eh ikaw lang naman sinabihan nila mommy ng ganyan" sabi ni Topher. Namumula na rin ang ilong ni topher at tenga. Siguro dahil sa pag inom niya lalo na mas marami siyang nainom kesa samin.

"Syempre, bro. Magkambal tayo kaya kailangan magdamayan tayo. Tsaka mahal mo naman ako diba?" Sabi ni Chris at linapit pa yung mukha niya kay Topher. Si topher naman ngumiti nang matamis.

"Oo bro mahal na mahal kita" Nagulat nalang kami at napatawa nalang kaming lahat nung hinalikan ni Topher ang cheeks ni Chris. Si Chris naman diring-diri na lumayo kay Topher.

"Fuck you!" At sinapak niya si Topher sa balikat. Si topher naman tumawa lang at humiga pa sa sahig. buti nalang hindi naman marumi yung sahig nila Yaxley.

Napailing nalang kami sa nasaksihan namin. Lasing na nga tong mga to. Ang kukulit talaga pero nakakatuwa naman.

"Hey" napalingon naman ako kay Yaxley, na kakabangon mula sa pagkakasandal sa balikat ko, nang tawagin niya ako.

Mapupungay na rin ang kaniyang mata at magulo ang buhok. Marahil dala na rin ng alak kaya mapula na rin ang kaniyang pisnge.

"Hmm?"

"Let's go to my room. I'll show you something" napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at napasulyap kila Reona na busy sa pagkikipag kwentuhan kila Ashton.

"Eh pano sila?" Tanong ko kay Yaxley.

"Saglit lang tayo tsaka hayaan mo na sila di naman yan mga magpapakamatay" pabiro ko siyang hinampas sa dibdib na kinatawa lang niya.

"Sige na nga" pagpapayag ko kaya agad niya akong hinawakan sa kamay at hinila patayo.

"San kayo pupunta?" Tanong ni Rhaynne

"Magho-honeymoon yang dalawa yan. Hayaan niyo na para maging ninong at ninang na rin tayo" sabi ni Topher na nasa sahig pa rin nakahiga habang umiinom.

Umiling nalang ako at si Yaxley naman di nalang sila pinansin at tuluyan na akong hinila paalis.



NAPATULALA NALANG ako sa ganda ng langit. Ang ganda ng mga ulap, madami at naglalakihang bituwin at dinagdagan pa ng sarap ng simoy ng hangin dito sa Veranda ng kwarto ng Yaxley.

Dito niya ako dinala at pabor din sakin yon lalo na habang nakatitig ako sa langit. Hindi ko alam pero pinapakalma ako nito.

Nabigla nalang ako ng may naramdaman akong metal na nilagay sa leeg ko. Napahawak ako dito at napagtanto kong ito ay kuwintas.

May binigay sakin si Yaxley na maliit na salamin para matignan ko ito at lalo akong napangiti sa ganda ng kuwintas. Maliit na bato ito at ang kulay nito ay pinaghalong pink, violet at blue na parang sa space.

"Did you like it?" Tanong sakin ni Yaxley mula sa aking likuran.

Agad naman akong humarap at niyakap siya.

"Yes! Very much! Thank you, Yaxley" hinaplos naman niya ang buhok ko at hinalikan ako sa tuktok ng noo ko.

"Anything for you, Hon" and then he chuckled.

Damin this sweet and gorgeous guy!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 31, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SometimesWhere stories live. Discover now