"MANONG pahinto dito" sabi ko kay manong driver kaya hininto naman niya. Napalingon naman sa akin si Third"Bakit? Nandon pa ang school oh" sabi niya at tinuro pa ang harap
"Bibili muna ako ng cappuccino" at tinuro ko ang cafe na nasa harap ng SUV namin
"Ako nalang bibili, diyan ka nalang" sabi niya at agad lumabas. For sure libre na naman niya yun, pag kasi talaga magkasama kami tas kakain kami lagi niyang libre.
Papasok na kami sa school at sabi ko nga kahapon na dito na siya mag-aaral at magkatabi lang kami ng condo unit! Sabi rin ni mommy na sa kaniya nalang ako sumabay eh. Kahit di naman niya sabihin yun, sasabay talaga ako kay Third. Na-miss ko kaya 'tong lalaking to.
Ilang minuto pa at bumalik na rin siya. Bumili siya ng cappuccino at chicken sandwich, tig-isa kami. Ever since, favorite na talaga namin ang sandwich ni Third, as in.
Nagsimula na rin mag patakbo ng sasakyan si manong. Pag nasa bahay nila kami o namin dati laging kaming gumagawa ng sandwich. Parang hanggang ngayon, kasi kagabi lang gumawa kami.
Sinimulan na rin naming kumain ni Third. Yum! Ang sarap!
"Patingin ng schedule mo" sabi sa akin ni Third
"Sa bag" sabi ko. Tinuro ko nalang kung nasaan dahil busy ako sa pagkain ko dito.
Kinuha naman niya yung schedule ko sa bag ko. Kinuha niya rin yung sa kaniya.
"Uy magkaklase tayo sa lahat ng subject" sabi niya, tinignan ko rin yung schedule namin at oo nga, lahat ng subject magkaklase kami
"Hala, ang galing" sabi ko sa kaniya
"Actually, ako may pasimuno nito. Kahapon sabi ko sa dean na ipareho yung sched ko sa sched mo at mabuti nalang pumayag siya" sabi niya sa akin.
"Eh? Bakit mo pa tinigtignan, kung sinabi mo naman pala sa dean na ipareho ang sched mo sa sched ko?" tanong ko sa kaniya
"Para sigurado" sabi niya kaya natawa nalang ako
PAGKABABA namin ng sasakyan ni Third, madami na agad sa aming tumitingin at nagbulong-bulungan pero di na namin pinansin.
Pinaguusapan lang naman nila yung nangyari isang araw na kinantahan ako ni Yaxley sa harap nila.
Pagkabukas ko nga non ng fb ang daming naka-tag sa akin na post at yun yung mga picture namin ni Yaxley, meron pa vi-nid-eo yung sinabihan ako ni yaxley ng 'i love you' kuno.
At syempre bilang sikat na Yaxley, ayun matagal-tagal pa siguro nila makakalimutan yun. Ayoko pa naman ng attention seeker atsaka magka-roon pa ako ng mga haters dahil naiinggit sila.
Sabay na rin kaming pumasok ni Third sa classroom. At yung mga kaklase ko naman, nakatingin kay Third na may nagtatanong na mata. Siguro nagtatanong kung sino ito at bakit ko siya kasama. Well, i don't care.
"Saan ka naka-upo?" tanong sa akin ni Third
"Ahh" sabi ko habang ginagala ang paningin para mag-hanap ng bagong upuan namin. Yes, namin. Gusto ko rin kasi siyang katabi.
"Doon oh!" turo ko doon sa alam kong bakante, tatlo pa ang bakante at nasa second to the last row siya.
Umupo naman kami at ka-agad niya akong tinanong
"nasaan sila Rhaynne?" tanong niya
"Ewan ko" kibit-balikat ko. Di ko naman talaga alam eh
"Bakit? Di ba kayo nagsasabay papasok?"
"Hindi"
"Ba't ang ikli mo sumagot?"
"ang panget mo kasi" sabi ko sa kaniya. Pero syempre, joke lang noh. Ang gwapo kaya nitong bestfriend ko.
YOU ARE READING
Sometimes
Teen Fiction(ON HOLD) Anastacia Valdera. Mayaman, maganda, mabait at simple. Kaya niyang maki-sabayan sa mga kaibigan niyang malakas ang tama, ika nga niya. NBSB siya pero hindi naman siya inosente kaya alam niya kung ano ang di inaasahang pakiramdam niya kay y...